chapter 11

18.9K 563 134
                                    

Mona

"AY ma'am Noemi kayo po pala! Magandang umaga po." Masiglang bati ko kay señorita Noemi. Ang mama ni sir Edward. Ito na ang pangalawang beses na bumisita sya dito sa penthouse sa anim na buwan kong paninilbihan dito. Kinuha ko ang bitbit nyang plastic bag na may tatak ng isang sikat na supermarket. Pumasok naman ang bodyguard nyang may bitbit din na dalawang kahon at diniretso sa kusina.

Dumiretso naman sya sa sala at eleganteng umupo sa sofa. Kapag tinitingnan ko syang gumalaw para talaga syang royalty. Sosyal na sosyal. Mabilis ko syang tinimplahan ng kape. Naalala ko kasi noong una ko syang tinimplahann ay nagustuhan nya.

"Ma'am kape po." Alok ko sa kanya at nilapag sa harap nya ang tasa na nakapatong sa platito.

"Salamat Mona." Nakangiting sabi nya at dinampot ang tasa at humigop. Nakatayo lang ako sa harap nya at hinihintay ang husga nya.

"Mm, ganitong ganito yung una mong tinimpla sa akin. Hindi mo pa rin nakakalimutan. Mabuti ka pa kuha mo ang timpla ko hindi kagaya ng mga kasambahay ko sa bahay, hindi nila makuha kuha." Iiling iiling na sabi nya at muling humigop ng kape.

Nangingiti naman ako sa sinabi nya. Mabuti na lang laking kape ako kaya expert ako dyan.

"Salamat po ma'am."

Minuwestra lang nya ang kamay sa kaharap na sofa, pinauupo ako. Agad naman akong tumalima.

"Anyway, kamusta na ang anak ko?" Tanong nya.

Tinawagan ko kasi sya noong isang araw at pinaalam na may sakit si sir Edward. Gusto sana nyang pumunta dito kaso nga lang ay nasa Hong Kong sya at kahapon lang nakabalik.

"Ayun ma'am! Ang tigas ng ulo. Naging ok lang ang pakiramdam gumora na sa trabaho. Kung kaya ko nga lang syang itali sa kama para hindi pumasok ginawa ko na eh."

Dalawang araw pa lang nakakapag pahinga mula sa sakit ay hindi ito magpaawat pumasok sa trabaho. Kesyo sayang daw ang araw at matatambakan daw sya ng trabaho. Maraming mga tao ang umaasa sa kumapanya nila.

"Ganun talaga yun iha, hindi magpapaawat. Masyadong workaholic ang anak kong yun. Sinalo na nya ang lahat ng trabaho simula ng mamatay ang papa nya." Bumuntong hininga si ma'am Noemi.

"Yun nga po ang sabi ko sa kanya eh, kaya sya nagkakasakit dahil nasobrahan sya sa trabaho."

"Eh kamusta naman si Clea yung nobya nya, inalagaan ba sya?"

Sumimangot ako. "Naku ma'am! Ni anino nga hindi ko nakita eh!" 

Inaasahan ko nga na pupunta dito si ma'am Clea dahil may sakit si sir Edward. Syempre bilang nobya aalagaan nya ito. Pero wala talaga. Ayoko namang magtanong kay sir Edward dahil baka sabihin pang pakialamera ako.

"Hay, wala talaga akong aasahan sa babeng yun. Ang hinihiling ko lang ay mauntog na sana si Edward ng maisip nya ng hiwalayan ang babaeng yun."

Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Ngayon ko lang narinig na nagsabi ng ganito si ma'am Noemi tungkol sa relasyon ng dalawa. Mukhang hindi nya bet si ma'am Cleang bruha para kay sir Edward. Eh kung ako din naman ang nanay ni sir Edward, di ko rin sya bet.

"Mabuti pa nga si Yñigo nakakuha na ng matinong babae. Kelan naman kaya ang Edward ko." Tila namomroblemang saad nya.

"Kung hindi po talaga para sa isa't isa si sir Edward at si ma'am Clea, eh nakalaan po sila sa ibang tao." Nasabi ko na lang.

Umiling iling sya. "Nah, hindi talaga sila ang para sa isa't isa." Tigas tanggi nya.

Akala noon bet na bet nya si ma'am Clea kasi mayaman, sopistikada at sosyal. Hindi pala.

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon