chapter 25

24.5K 733 111
                                    

Edward

MASIGLANG MASIGLA ako ng pumasok sa kumpanya kahit sobrang late ko na. Ayos lang dahil pagaari ko naman ang kumpanyang to na maglilimang taon ko ng tinayo.

"Good morning sir!" Bati ng mga employee ko na nasa kani kanilang cubicle at pwesto.

"Good morning." Balik bati ko sa kanila.

"Sir tumawag po si ma'am Noemi, tawagan nyo daw po sya dahil tinatawagan daw po nya kayo hindi daw po kayo sumasagot." Imporma ni Lydia na nakasunod na sa akin.

"Ok, I'll call her." Sabi ko at pumasok na sa opisina ko para harapin ang nakatambak ng mga papeles. Pakiramdam ko ay may energy akong magtrabaho buong araw.

Bago ko hinarap ang mga papeles ay tinawagan ko muna si mama. Kanina pa nga sya tawag ng tawag hindi ko lang nasagot dahil tanghali na kaming nagising ni Mona. Napangisi ako ng maalala ang mukha nya paggising ko. Nakanguso sya at nakasimangot dahil tadtad ng kissmark ang leeg nya. Hinihintay ko nga lang na umangal sya at sumagot para aangkinin ko sya ulit bago ako pumasok. Kaso nga lang mukhang nakaramdam. Kaya kahit halatang inis sya sa akin ay hindi na lang sya umimik at sinimangutan lang ako.

Pasipol sipol pa ako habang binabasa ang mga dokumento. Tila naman nagugulumihanan si Lydia sa inaakto ko. Hindi ko na lang sya pinansin.

"A-ANO? UUWI tayo ng San Agustin sa amin?" Nanlalaki ang mga matang tanong Mona sa akin habang nasa sala kami. Katatapos lang namin kumain.

Tumango ako habang nakatingin sa kanya.

"P-Pero bakit?" Bakas ang pagkabahala sa mukha nya.

"Mamamanhikan ako sa inyo kasama si mama."

"Po?" Gulat na sabi nya.

Sabi na eh, ganito ang magiging reaksyon nya. Bakit ba pakiramdam ko ayaw na ayaw nya sa akin? Pero kusa naman syang tumutugon sa mga halik ko. Wala na syang magagawa dahil magkakaanak na kami at matatali na sya sa akin.

"Magpapakasal muna tayo sa huwes then paghahandaan natin ang kasal natin sa simbahan. Gusto ko sana sa simbahan na agad ang kasal natin kaya lang ay mas magiging busy ako ngayong darating na mga buwan kaya sa huwes muna tayo." Paliwanag ko sa kanya. Kasal sa simbahan naman talaga ang gusto ko pero mauudlot muna yun kaya kasal sa huwes muna. Ang importante ay makasal kami bago sya manganak.

Bumuntong hininga na lang sya at kumamot sa ulo. Wala na syang choice. Lihim akong napangisi. Kapag ganito ang inaakto nya nangigigil ako sa kanya eh.

Alam kong nahihirapan syang mag adjust sa sitwasyon namin. Pero unti unti din syang masasanay dahil magiging isang pamilya na kami kasama ni baby.

"Oo na, may choice pa ba ako?" Nakangusong sabi nya at pasimpleng umirap.

"Wala." Sabi ko at ngumisi. "At simula sa gabing to sa kwarto ko na ikaw matutulog." Dagdag ko at sumandal sa backrest ng sofa sabay dekwatro.

Mabilis syang napalingon sa akin. "Ano? At bakit dun?" Angal nya at nanlaki na naman ang mata.

"Anong bakit? Dapat lang na dun ka na sa kwarto ko matulog. Fiancee na kita at magiging mag asawa na tayo, may nangyari na nga ulit sa atin kagabi eh." Nakangising sabi ko. Namula naman ang pisngi niya.

"Kahit na, hindi pa naman tayo mag asawa. At saka isa pa ayokong matulog dun sa kwarto nyo. Doon mo dinadala dati si ma'am Clea eh. Hmp! Di ako matutulog dun." Bubulong bulong na sabi nya bandang huli pero naririnig ko naman.

Well may punto naman sya. Minsan din natutulog sa kwarto ko si Clea noon at hindi nga naman magandang tingnan kung doon ko din sya patutulugin.

"Fine, ako na lang ang lilipat sa kwarto mo."

MonalisaWhere stories live. Discover now