Epilogue

19 1 0
                                    

Amara's POV


Lumipas ang maraming buwan. Nagpatuloy si Dranreb sa panliligaw. Ngayon bilang araw ng graduation namin bilang junior high school ay naisipan ko ring ibigay ang matamis kong "Oo!".

Hindi kami nagkita ni Dranreb dahil hiwalay ang pila ng mga babae sa mga lalaki. Mamaya ay magkikita-kita rin naman kami pagkatapos ng graduation ceremony na siguro. Doon ko na lang sasabibin.

Kausap ko sina Julia at Marta nang dumating ang parents ko. Agad ko silang nilapitan.

"Congrats, baby girl." Hinalikan ako ni Mom sa pisngi.

"Congrats, sweet heart." Hinalikan naman ako sa noo ni Dad.

"Salamat, Mommy and Daddy, at nakapunta kayo."

"Of course, dear, alam naming espesyal ang araw na ito para sa'yo. Hindi namin ito pwedeng palampasin. At tinutupad lang namin 'yung promise ng Dad mo na we will give you more quality time. You are important to us, Amara." Hinawi niya ang buhok ko.

"We love you," sabay nilang sabi.

"I love you too, Mom. I love you too, Dad."

"Akyat na tayo at mag-iistart na ata," sabi ko sa kanila.

Nang mag-umpisa ang graduation ceremony, kasabay kong nag-martsa ang mga magulang ko sa gitna. Nahiwalay ako kina Marta at Julia dahil kailangan sa harapan ako nakaupo.

Nang ibibigay na ang mga diploma, inabangan kong tawagin si Dranreb. Pero dahil nagsimula sa last section, medyo natagalan dahil first section kami.

Nang tawagin naman na siya, abot-tainga ko siyang nginitian at pinalakpakan ng malakas para malaman niyang proud na proud ako para sa kaniya. Mabuti na lang at tumingin siya sa akin at itinaas pa ang hawak na diploma sa harap ko. Ganoon din ang ginawa ko kina Kurt at Alvin. At siyempre kina Julia at Marta na palaging nandiyan para sa akin. Mabuti na lang din at nasa harap ako. Malaki ang naging advantage nito para makita nila kung gaano ako ka-proud sa kanila.

Tahimik ko namang hinintay na tawagin ang pangalan ko.

"Amara Andres, batch 2014-2015's Salutatorian."

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa gitna ng stage. Umakyat rin ang parents ko para sabitan ako ng medalya.

"I'm so proud you," saad ni Mom sabay kiss at yakap sa akin.

"You did very well." Niyakap rin ako ni Papa.

Pagkatapos namin magyakapan, dumiretso na ako sa pagbibigay ng salutatory speech.

"Magandang hapon sa lahat ng tao na naririto sa special na pagdiriwang na ito para sa aming mga mag-aaral. Hahatiin ko ho ang speech ko sa tatlong parte. Una ay ang pagpapasalamat. Nagpapasalamat ako sa mga guro at bumubuo ng eskwelahan na ito na siyang humubog sa amin sa apat na taon. Nagpapasalamat ako sa naging mga kaklase ko na nakasama at nakatulong ko sa aking pag-aaral. Nagpapasalamat rin ako sa mga kaibigan ko na palaging nandyan. Salamat sa lahat, Marta at Julia. Salamat din Kurt at Alvin. Salamat, Dranreb. Binago niyo ang buhay ko. Salamat sa parents ko dahil nandito kayo ngayon na magkasama para masabitan niyo ako ng medal na ito. At higit sa lahat, salamat sa Diyos dahil sa araw na ito."

Tinitingnan ko ang bawat mga tao na binabanggit ko. Nagpatuloy ako sa speech ko.

"Ang ikalawang parte naman ng speech ko ay paghingi ng tawad. Alam nating lahat na ilang taon rin akong nagreyna-reynahan sa eskwelahan na ito. Hindi ko namalayan na marami na pala akong nasaktan at nasagasaan. Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para humingi ng tawad sa lahat ng tao na nasaktan ko. Patawad sa lahat ng ginawa ko at sa naging pagrereyna-reynahan ko sa eskwelahan na ito. Wala akong karapatan na gawin sa kahit sino sa inyo iyon. Alam kong hindi ganoon kadaling magpatawad pero handa akong maghintay na mapatawad niyo ako. Handa rin akong magpakumbaba para mapatawad niyo lang ako."

Beauty and Her BeastsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora