[15] Meet The Parents

157 8 0
                                    

Kurt's POV


Dahil sa mga impormasyon nakuha namin nina Dranreb at Alvin, napuntahan ko rin si Julia sa address niya.

Nagdoor-bell ako sa bahay nila. Isang malaki at matabang lalaki ang lumabas mula sa gate ng bahay nila. Para bang isang taon na hindi ngumiti nang harapin ako. Marahil ay siya na ang daddy ni Julia.

"Sinong hanap mo bata?" bungad niya. Isinandal pa niya ang sarili sa dingding habang diretsong-diretso ang tingin sa akin.

Aaminin ko, nakakatakot ang isang ito. May mga niligawan na ako pero madalas talaga ay mommy nila ang humaharap sa akin. Madalas mahihiyain ang mga daddy nila at wala masyadong sinasabi pero iba ang isang ito. Napaka-intimidating.

Ano ba itong pinasok ko? Ewan ko ba kung bakit ako pumayag dito. Well, anyway, para ito sa pinsan ko. Bahala na. Para ito sa kaniya.

"Good evening, good sir. Ako nga po pala si Kurt," saglit akong tumigil, "boyfriend po ako ni Julia. Andyan ho ba siya?"

"Huh? Ano? Boyfriend?"

Halos kainin niya ako sa laki ng buka ng bibig niya habang sinasabi ang mga salita na iyon. Gulat na gulat siya naiintindihan ko. Pero baka mas magulat aiya kapag malaman niya na ang anak niya pa ang unang nagkagusto sa akin. Sa totoo nga lang, siya pa ang unang nanligaw. Hindi ko na lang sasabihin baka mahihiya buong angkan niya sa kagwapuhan ko dahil sa ginawa ng anak niya sa akin.

"Ah, opo. Hindi pa po ba niya nasabi? Nagulat nga rin po ako, e."

"Ano? Seryoso ka?" Mas lalong nanlaki ang mata ng daddy ni Julia. "Halika. Pumasok ka sa loob. Patunayan mo." Itinulak niya ang gate pabukas gamit ang pwersa niya mula sa likuran. "Kapag lang iyan, hindi totoo. Humanda ka sa akin. Kuko mo lang sa hinliliit ang walang latay kapagka nagsisinungaling ka."

Nanlilisik ang mga mata niya habang naglalakad ako papasok ng bahay nila. Pinaupo niya ako sa sofa nila.

"Stay there."

Umakyat siya at naupo na rin ako. Tumingala ako dahil high ceiling ang bahay nila. Maya-maya lamang, kasama ng bumaba ng daddy ni Julia ng hagdan ang asawa niya. May puti pa ito sa mukha, sa buong mukha. Pampaganda ata niya iyon.

"Good evening po. Nasaan po si Julia?" pagtatanong ko ulit. Napatayo pa ako mula sa komportableng pagkakaupo sa sofa nila.

"Wala siya rito. Nandoon siya kina Amara nakitulog," sagot ng mommy niya.

"Kung ganoon, bakit niyo po ako pinapasok dito?"

"Gusto ko namin makausap. Ang sabi mo, boyfriend ka niya, hindi ba?"

Napakamot ako sa ulo. "Ay, naku, joke lang po iyon. Hindi naman kayo mabiro. Sige, alis na po ako!"

Nakatakbo na ako pero isang sigaw lang niya ng guard ay may tatlong lalaki nang humarang sa daraanan ko.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?" ani ng mommy ni Julia.

Wala na akong nagawa. Mukhang mag-iistay ako sa bahay na ito at kailangan nang panindigan ang sinabi ko.

Bakit ko ba kasi sinabing boyfriend agad? Patay ako nito. Pero totoo namang gusto ako ng anak nila.

Hinila ako ng tatlong guwardiya pabalik sa harap nila. Hinawakan ako ng isa sa kanila sa dibdib at tinulak paupo. Naupo naman sa harap ko ang mga magulang ni Julia.

"So, as you were saying. Boyfriend ka ni Julia. Paki-kwento nga kung paano naging kayo."

Mabuti na lang at napaghandaan ko ito. Sumenyas ang daddy niya na susuntukin ako kaya napalunok ako. Handa na ako sa inimbento kong kwento. Sana lang talaga maniwala sila.

"Anong sabi mo? Siya ang nanligaw?" pasigaw na tanong ng daddy ni Julia.

"Hindi ganoon ang anak ko. Hindi kami naniniwala sa'yo."

"Totoo po ang sinasabi ko," tugon ko. "Sinagot ko siya dahil alam kong galing naman siya sa mabuting pamilya at tama naman ako. Kahit pa sa totoo lang, strict talaga ang parents ko at hindi pa ako pinapayagan na mag-girlfriend. Sinuway ko sila kasi mahal ko talaga ang anak niyo."

Ngumiti ako para maging mas convincing.

Nagtinginan silang dalawa. "Kukumpirmahin namin iyan kay Julia. Oras na itanggi ka niya. Gusto namin. Layuan mo na siya."

Sinagot ko ang mommy ni Julia. "Iyon ho ang hindi ko maipapangako. At sigurado ako kapag sinabi niyong ilalayo niyo siya sa akin, sigurado akong hindi rin siya papayag."

"Oras na mapatunayan namin na hindi totoo ang sinasabi mo. Humanda ka sa amin." Sumenyas ulit ang daddy niya na susuntukin ako.

Marami pa silang mga naging tanong. Halos lahat ay tungkol na sa akin.

"Kakausapin namin ang mga magulang mo kapag pinatunayan na ni Julia ang sinasabi mo."

"Sige na. Makakauwi ka na," ani daddy ni Julia.

Tumayo ako sa sofa bago sinabing, "Maraming salamat ho sa oras ninyo. Mauuna na ho ako."

Isang guwardiya nila ang naghatid sa akin palabas. Nasa labas na ako ng bahay nila ng maisipan kong ibalita ang nangyari kay Dranreb.

"Hello Dranreb. Kakatapos ko lang kausapin ang mga magulang ni Julia. Iyon nga lang ay wala dito si Julia. Nakitulog daw kila halimaw. Mukhang naniwala naman sa akin ang mga magulang niya. Ang problema na lang ay hindi ako itanggi ni Julia."

"Iyon din ang sabi sa akin ni Alvin. Nakitulog din daw si Marta kina Amara. Talagang ayaw niyang mawala iyong dalawa sa tabi niya kahit sa pagtulog. Paniguradong malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ng dalawa kung saka-sakali. Kaya kailangan talaga nating magtagumpay sa plano nating ito."

"Huwag kang mag-alala, insan. Kakausapin ko si Julia bukas at paiibigin ko na siya."

"Sige, insan. Salamat."

Pagkababa ko ng phone ko, may naririnig akong sumisitsit sa akin.

"Pst. Pogi! Pogi!" tawag nito.

Lumingon ako at nakita ko iyong guwardiya nila Julia na naghatid sa akin kanina. Kinindatan niya ako. Naalala ko siya rin ang tumulak sa akin mula sa dibdib paupo sa sofa. Nananantsing pala ang guwardiya na ito.

Naglabas siya ng legs. Walanjo! Mabuhok naman.

"Sexy mo sana kung ikaw lang si Julia. Sorry ka loyal ako."

Bigla siyang umayos ng tindig. "Good. Tinetesting lang kita kung magtataksil ka sa kaniya para sa akin."

Napailing-iling ako. "Muntik na. Buti na lang 'di ka nag-shave. Kung nag-shave ka baka sakali."

Naglakad na ako palayo sa bahay na iyon.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon