[11] Not Part Of The Plan

198 8 0
                                    

Magkukwento na sana ako kay Kurt nang biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello, Alvin? Yes? I took the other way tulad ng sinabi mo. May problema ba?"

"Sir, naku, patay! Ngayon lang ho kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa inyo. Pero..."

"Pero ano?"

"In-assign ni Ms. Amara iyong Wolf group sa kabila naman. Diyan sa dadaanan mo ngayon, sir."

Napakapit ako ng madiin sa cellphone ko dahil sa sinabi niya. Isang kotse ang bigla na lamang humarang sa daan namin.

Agad kong pinatigil sa driver ang kotse ko. Mukhang sila na nga ito.

May mga lalaking bigla na lang bumaba sa kotse na iyon. May mga suot silang black ski mask kaya 'di ko mamukhaan. Pero alam kong sila na nga ito.

“Kuya, I-lock mo iyong pinto,” utos ni Kurt sa driver namin. Ginawa naman ng driver ang sinabi niya.

Isang lalaking maangas ang mukha ang lumapit sa pinto ng kotse namin sa side ko. Sinubukan niya itong buksan pero hindi siya nagtagumpay.

“Umatras ka, kuya,” saad ni Kurt sa driver.

“Kahit umatras tayo, matatrap pa rin nila tayo," tugon ko.

“Ano? Kilala mo sila? At paano mo nasabing mata-trap pa rin nila tayo?”

“Oo, kilala ko sila. Mahabang istorya. Iyon na nga sana ang ikwe-kwento ko sa'yo sa bahay pagdating natin. Pero, mukhang hindi pa tayo makakarating ng bahay sa ngayon kaya iku-kwento ko na. Mayroon kasing isang babae na nagrereyna-reynahan sa school namin. Mautak siya. Gumawa siya ng apat na iba’t-ibang group para katakutan siya ng mga students at teachers. Nagkataong kinalaban ko siya.”

“Ano? You mean, she rules the school owned by your Dad? Does your Dad knows about it?”

"Alam niya pero takot siya dati sa Amara na iyon. That's the name, Amara. I don't know what she did and how she did it. Pero ang mahalaga, handa na si Dad na labanan siya ngayon. And speaking of her groups na isa-isa ko nang binubuwag, sila ang isa sa mga grupo na iyon. Iyong pangalawa, nasa kabilang kalsada. Kaya kahit umatras tayo, wala pa rin tayong takas.”

“Ano ba itong gulong pinasok mo, dude? Hindi ko lubos maisip na isang babae lang ang may gawa ng lahat ng ito,” saad niya na nakahampas pa sa mukha niya ang palad niya.

Biglang lumitaw sa harap ng kotse ang isa sa kanila na may hawak-hawak na bato na nagbabadyang ibato sa windshield ng sasakyan namin.

“Huwag!” pagpigil ko sa kanila. Itinaas ko ang mga kamay ko. "Sige na, kuya. Buksan mo na ang lock."

"Pero sir, sasaktan ho nila kayo."

"Mas mahirap kung lahat tayo masasaktan nila. Baka hindi ka naman nila kunin."

Sumunod na lang sila. Binuksan niya ang lock ng pinto ng kotse. Binuksan naman agad ng mga lalaki na iyon ang pinto at hinila ako. Ako lang ang kinuha nila pero biglang lumabas si Kurt.

"Teka. Isama niyo na ako," aniya.

Nagtinginan ang mga miyembro ng wolf group at hindi siya pinansin. Pero sumakay siya ng back seat kung saan ako isinakay.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi kita pwedeng hayaan na lang ng mag-isa. We're all in this together."

Umandar na ang kotse. "E kung saktan ka rin nila?"

"Saling kitkit lang ako. Hindi naman siguro."

"Hindi ka rin sure, hindi ba? Kaya bumaba ka na. Papakiusapan ko sila na huwag ka nang idamay."

"Manahimik ka na lang. Kahit anong gawin mo, damay na ako rito."

Napahampas ako ng palad sa mukha. "Kahit kailan ka talaga. Mapapahamak na ako, sasama ka pa rin. Kulang na lang maging buntot kita kasi nandoon ka kung nasaan ako."

"Manahimik kayo!" saway ng isa sa kanila sa amin.

"Saan niyo ba kami dadalhin?"  tanong ko.

"Boss na namin ang sasagot ng lahat ng tanong mo. Napag-utusan lang kami rito."

Dinala nila kami sa isang medyo malaking bahay na medyo remote. Wala halos kadikit na ibang bahay. Ipinasok nila kami sa loob at doon iginapos ang mga kamay at paa namin habang nakaupo sa magkahiwalay na upuan.

“Marami akong pera. Kaya kong doblehin o kahit triplehin ang ibinabayad sa inyo ng babaing iyon,” sigaw ko sa kanila.

“Huwag kang maingay diyan. Maya-maya lang darating na rin siya,” sagot ng isa pa ulit sa kanila. "Mag-antay ka na lang."

“Gusto niyo bang bumalik sa school? O ayaw niyong matanggal? Kaya kong gawin iyon. Ang kapalit lang ay loyalty ninyo. Babayaran ko pa kayo,” pag-iinsist ko. “Pag-isipan niyong mabuti lahat ang offer ko.”

Maya-maya, may bigla na lamang sumigaw. Boses ng isang babae.

“Music please!”

Biglang nagpatugtog ang mga alagad niya ng upbeat na music. Nagbigay din siya ng isang mala-celebrity star na entrada kasama ang dalawang alalay niya papunta sa amin. Nag posing-posing pa siya sa harap ng isa rin sa mga alagad niya na pinaglalaruan lang naman ang flash sa phone nito. Pero ang babaeng iyon ay feel na feel ang vibe.

“Oh my gosh, may isa pang pogi!” sigaw ng babaeng nasa kanan niya.

“Manahimik ka nga diyan, Julia,” saway ng halimaw. Julia pala ang pangalan ng isa. “At bakit may isa pa kayong asungot na sinama?”

“Ma’am, nadamay lang ho siya.”

Tiningnan niya si Kurt.

“Siya ba iyong sinasabi mong babae?” pabulong na tanong ni Kurt sa akin. “Parang masyado siyang maganda para maging gangster.”

“Hindi naman iyan gangster, e,” tugon ko. “Halimaw iyan.”

Nilakasan ko ang pagkakasabi niyon para marinig niya.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon