[26] Deep Night Convo

146 4 0
                                    

"Paano mo naman nakilala sina Marta at Julia?"

"Hmm. Paano nga ba?" Sandali akong tumingala sa mga bituin para alalahanin. "Alam ko na. Akala ko kasi noon okay na ako. Wala na halos kumakalaban sa akin pero ang lungkot pala kapag wala kang mga kaibigan. Kahit maraming tao sa paligid ko, ang lungkot ko pa rin. Kaya kinuha ko sila, bilang mga kaibigan ko," tugon ko.

"Kinuha? Ibig sabihin, hindi mo sila kusang nakilala?"

Nag-cross arms ako. "Okay, aaminin ko. Nagpa-audition ako. Nag-audition sila. Tapos noong pumasa sila, nag-undergo sila ng friendship tests. Dahil genuine sila kaya sila ang kinuha ko."

"Audition? Ano 'yun parang PBB lang? Saka paanong friendship test?" saad niya sabay tawa. Nakatingin lang ako sa kaniya. "Anong klaseng test yun?"

"Tests. Katulad nung mga test sa team building. Kasi' di ba iyong mga kaibigan mo, iyon ang mga taong pinagkakatiwalaan mo. So iyun. T-in-est ko sila kung sino iyong mapagkakatiwalaan ko. Basta marami 'yun. Hirap na hirap pa nga sila. Pero sa bandang huli, sila lang 'yung matibay na natira. Siguro kasi malaki ang paghanga rin nila sa akin. Bihira lang naman walang rason para i-pursue ka ng ibang tao, hindi ba? Pero masaya ako na may mga pumasa tulad nilang dalawa."

Natawa ulit siya.

"Bakit ka natatawa?"

"Nakakatawa kasi ang naging proseso mo," sagot niya. "Bakit mo naman kailangang gawin iyon?"

"Kasi marami rin kasing nag-offer ng friendship sa akin n'un. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko 'yung hindi nila ako iiwan. Iyong nandiyan sila kapag kailangan ko. Baka kasi maiwan na naman ako. Pati ba naman kaibigan, iiwan ako."

Bigla siyang natigilan sa pagtawa at biglang nawala yung ngiti sa labi niya.

"Alam mo sa totoo lang, hindi ko inasahan na mangyayari ito."

"Ang alin?"

"Ito. Na magiging close tayo. Dati kasi inis na inis ako sa'yo unang encounter pa lang natin. Hindi ko akalain na maiintindihan pala kita. Kailangan ko lang marinig yung story mo."

Pareho kaming natigilan sandali. Parang napako ang mga mata sa isa't-isa. Biglang umihip ang malakas na hangin.

"Nako. Mukhang malalim na ang gabi."

"Tara na, uwi na tayo. Ihahatid na kita."

Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa kotse niya. Pero bago ako sumakay sa kotse niya, sinabihan ko si Mang Kanor na kay Dranreb ako sasakay kaya mauna na siya.

Habang nasa loob kami ng kotse, sa kalagitnaan ng biyahe, humikab ako.

"Inaantok ka na," sabi niya. "Humiga ka muna sa balikat ko. Gigisingin na lang kita kapagka nasa bahay niyo na tayo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman, bakit naman iyon magiging problema sa'kin?"

Ngumiti ako. Ibinagsak ko ang ulo ko sa balikat niya at kapipikit ko pa lang nang bigla niyang sabihing, "Ay, andito na pala tayo."

Badtrip naman. Hindi man lang nag-roadtrip ng kaunti itong driver niya.

Bumaba siya pagkababa ko para ihatid ako sa harap ng pinto namin.

"Matulog ka na dahil maaga pa kita susunduin bukas," saad niya.

Pinipigilan ko ang sarili kong tumili. Pigil na ngiti at isang tango lang ang naging response ko.

"Sige. Aalis na ako."

"Ingat ka sa pag-uwi."

Hinintay ko siyang makaalis bago ako nagsisisigaw na pumasok sa loob ng bahay. Nagsisisgaw din na bumaba ang mayordoma namin mula sa taas.

"Sunog! Sunog!" sigaw ni Manang Puring habang pababa ng hagdan. Puting-puti ang mukha niya dahil sa kung anong cream na inilagay niya sa mukha niya.

"Lindol! Lindol!" sigaw naman ni Manang Ditas habang pababa rin ng hagdan. May dala siyang panghampas na gawa sa kahoy.

Nagsilabasan din iyong ibang mga maids namin habang nagtititilian.

Pumasok din ang ibang guwardiya ko at drayber na nakikisigaw din. Iyong iba mas mataas pa iyong pitch sa ibang maids.

Ganoon na ba talaga nakakataranta ang tili ko? Nakakabulahaw ba ng sobra para akalain nilang may kung anong sakuna?

"Bakit ba kayo nakikisigaw? Kinikilig din ba kayo?" sigaw ko sa kanila.

"Ano po ba kasing nangyari sa inyo, ma'am? Akala namin may kung anong nangyari kasi sigaw ka ng sigaw," saad ni Manang Ditas.

"E kasi nga, kinikilig ako. O siya, sige na magsitulog na tayong lahat. Walang sunog o lindol o akyat bahay. Pakitago na iyang pamalo mo, manang Ditas. Goodnight, mga maids. Goodnight, drivers. Goodnight, guards. Goodnight sa inyong lahat."

Paakyat ako ng hagdan nang bigla kong malagpasan sa hagdan si Manang Puring na puting-puti ang mukha.

Napatili ako ulit. "Multo!"

Nagtilian din sila ulit.

"Tigil! Wala pa lang multo."

Mabilis naman silang kumalma. Dumiretso na ulit sila sa pagbalik sa mga kwarto nila.

Kinikilig pa rin akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Biglang tumunog iyong phone ko. Napabangon ako para abutin. Si Dranreb tumatawag. Kinikilig na naman ako.

Gusto ko sanang sumigaw kaso baka mamaya magsilabasan na naman ang mga kampon ng kadiliman at kung ano-anong sakuna na naman ang idadamay.

Nagtatatalon muna ako bago ko ito sinagot.

"Hello, Dranreb."

"Bukas nga pala pagkatapos ng klase, pupunta tayo sa bahay."

"Huh? Bakit?"

"Ipapakilala kita sa parents ko. Hindi ba girlfriend na kita?"

Oh my! Ipapakilala na niya ako bukas sa parents niya. Road to legal wife na ito.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon