[17] Leader Of Ram Group

169 8 0
                                    

Dranreb's POV


Nang kunwaring ipinatawag lang namin si Jared Martinez sa isa niyang teacher, nagpakita siya.

At nang magkaroon kami ng pagkakataong makorner siya, hinuli namin siya at dinala sa abandonadong parte ng school.

"Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi. Kaya kitang ipagtanggal sa eskwelahan na ito at i-block sa lahat ng eskwelahan na pwede mong pasukan."

Sandali akong tumigil at umikot ako sa likod niya.

"Ngayon. Kung ayaw mong mangyari iyon sa'yo, sabihin mo sa akin ang mga pangalan ng miyembro ng Ram group."

"Wala kayong mapapala sa akin dahil wala akong kilala."

Nagulat ako dahil sa kabila ng mga sinabi ko'y wala man lamang siyang naramdamang sindak sa katawan.

"Hindi ka ba natatakot sa mga sinabi ko? Mayaman kami at kayang-kaya ko iyong gawin. Sige. Para maramdaman naman ng tuhod mo kung paano manginig, pag-uwi mo, sisiguraduhin kong wala ng trabaho ang tatay mo."

"Wala akong pakialam. Mayaman din si Amara at kayang-kaya niyang sustentuhan ang buong pamilya ko!"

"At talagang hindi ka natatakot!" Nanlaki na ang mata ko sa pagkagulat sa loyalty ng taong ito sa halimaw na iyon. Ano ba ang ipinapakain niya sa taong ito at bakit ganoon na lang ka-dedicated sa kaniya? Siguro mas dapat ko pang i-level up ang pagbabanta ko.

"Buong pamilya mo, ipapa-block ko sa lahat ng kumpanya na pwede niyong pasukan. Walang makakapagtrabaho sa inyo. Tingnan natin kung hindi magsawa iyang Amara na iyan na suportahan ka pagtagal. I'm sure, hindi siya mag-uubos ng yaman para lang suportahan kayo habang buhay."

"Wala akong pakialam! Wala kang mapapala sa akin!" "

Balak ko na sana siyang suntukin kaso pinigilan ako ni Kurt.

"Huminahon ka. Baka mas lalo siyang hindi pumayag," bulong niya.

"Pasalamat ka." Dinuro ko pa siya.

"Mukhang hindi niya sasabihin iyon. Sa pagkakaalam ko, ram group at lider nito ang pinakaloyal na alagad ni Ms. Amara. Ito rin ang pinakauna niyang grupo," saad ni Alvin.

"Dahil hindi ako katulad niyo, mga walang utang na loob!" sigaw ni Jared. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa inyo, tatraydurin niyo lang siya."

Hindi nakaimik si Alvin at ang iba pang dating alagad ni Amara na kasama rin nila roon sa sinabi nito.

"Kahit alam mong hindi tama ang mga pinagagawa niya?" sabi ko.

"Wala kang alam," tugon ni Jared.

"Bakit? Ano bang alam mo? Sabihin mo."

Huminga muna siya ng malalim bago sumaagot. "Hindi talaga masama ang mga pinagagawa niya noon. Nasobrahan lang siguro siya at ngayo'y hindi na makontrol."

Napalingon ako saglit kay Kurt para siguruhing nakikinig din siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Bigla siyang nakakalas at nakatakbo. Naharang pa siya ng ilan sa mga grupo ko pero dahil sa liksi niya ay muli siyang nakatakas. Pinigilan ko na silang habulin pa.

"Kailangang maipatanggal na natin siya sa eskwelahan na ito para mabawasan ang lakas ng ram group," saad ko nang nakaharap kay Kurt.

Agad kaming pumunta sa opisina ni Dad at iyon nga ang pinagawa namin sa kaniya.

Pagkatapos niyon, pumunta na kami sa school grounds.

"Ano na ang susunod mong plano, Dranreb? Wala tayong mapapala sa Jared na iyon."

"Hindi tayo titigil. Susubukan ko pa ring humanap ng paraan."

Nag-uusap kami ni Kurt nang biglang may nalaglag na paso sa gilid namin. Agad kaming napayuko at nagtakip ng ulo.

Agad na nagsitakbuhan ang mga grupo ko sa kinatatayuan namin.

"Ayos lang kayo, sir Dranreb at sir Kurt?" tanong nila.

"Oo, ayos lang ako."

"Hindi naman kami natamaan. Ayos lang kami," sagot naman ni Kurt.

"Paniguradong mayroong sadyang naglaglag ng paso. Wala siyang intensyon na saktan kayo. Ang gusto lang niya ay takutin kayo," saad ni Alvin.

"Si Amara ang may gawa niyon panigurado," saad ni Kurt.

"Kailangan na nating gumawa ng paraan para maalis sa eskwelahang ito ang grupo niya," sabi ko.

"Ano kaya kung humingi tayo ng tulong sa mga guwardiya, sir?" suhestiyon ni Alvin.

"Paano tayo makakasiguro na walng loyal kay Amara sa kanila?" tanong ko.

"Tama. Hindi ko naisip 'yon. Ang alam ko, may mga loyal din na staff ng school sa kaniya. Panigurado nakuha niya ang mga iyon sa panunulsol o pangba-blockmail. Expertise niya pa naman iyon. Sa yaman ba naman niya at sa laki ng impluwensiya niya. Panigurado, posible sa kaniya ang kahit ano."

"Pero, mas marami naman siguro ang mas loyal sa'yo at sa Daddy mo, hindi ba? Baka lang kasi nakalimutan mo. Kayo ang may-ari ng eskwelahan na ito. Kayo ang nagpapasahod sa kanila. Mas may pakialam sila sa inyo."

"Tama si Kurt. Worth it pa rin na subukan ang suggestion mo."

Pagkaraan ng ilang oras, sikreto naming tinipon ang mga guwardiya sa barracks nila. Iyong tipong wala nang mga estudyante.

"Bukas kinakailangan niyong maging handa at alerto. Bukas natin isasagawa ang operasyon natin na ito. Operation: Pabagsakin si Amara Andres. Kailangang nating mahuli iyong mga alagad ng babae na iyon. Iyong mga naka-mask ng itim noong nakaraang araw. Kailangang maging alerto kayo. Laging sa parte ng grounds malapit sa garden ang atake nila. Oras na umatake silang muli, palibutan niyo sila. Sa ganoong paraan, mahuhuli natin sila. Malinaw ba iyon?" saad ko.

"Malinaw po, sir," sagot nila.

"Pakisabihan na rin ang iba pa. Iyon lang. Dismissed."

Lumabas na kami ng barracks. Hindi namin kasama si Kurt pero nasa labas siya at isang guwardiya ang kasama niya.

"Siya nga pala, si manong Jerry. Nagtingin ako sa mga files sa office ng Daddy mo kung sino ang pinakamatagal na sa serbisyo. Kinausap ko siya at tinesting ang loyalty. Pumasa naman siya. Bale siya na ang bahala na magmanman sa mga kasama niya. Siya na ang bahalang humuli kung may traydor man."

"Mahusay at maasahan ka talaga, Kurt." Tinapik ko naman sa balikat ang guwardiya. "Manong Jerry, pagbutihin mo ang iniatas naming trabaho sa'yo. Sisiguraduhin kong makakatanggap ka ng reward kapag nagawa mong mahanap ang mga loyal na guwardiya sa Amara na iyon."

"Maasahan niyo ako, sir."

"Mabuti."

Tumingin ako sa malayo.

Simula bukas, simula na ng operasyon namin sa pagbuwag ng natitirang grupo ng halimaw na iyon. Umaasa akong magtatagumpay kami. Mapapabagsak din kita, Amara. Humanda ka.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now