[32] Avoiding The Monster

170 5 0
                                    

Kilalang-kilala ako ni Kurt. Nasa comfort place ko na siya nang puntahan ko iyon. May bucket nang beer katabi niya. Naupo ako at kumuha ng isa doon at sabay nilaklak.

"Whoa. Wait lang. Hinay-hinay ka lang sa pag-inom," paalala niya.

Akala ko mauubos ko na iyong isang bote. Actually, kaya ko pero pinigilan rin kasi ako ni Kurt so I stop.

"Bakit ganoon? Bakit may mga tatay na nambababae? Hindi ba nila iniisip na hindi lang 'yung asawa nila 'yung masasaktan nila pati 'yung mga anak nila? Lalo na kapag nasira na 'yung pamilya."

"Tao lang din naman tayo, insan. Sa gusto natin o sa hindi, magkakamali at magkakamali tayo. Siguro kailangan natin tanggapin iyon para mapatawad natin sila. Just like your Mom, maybe she just needs time."

"No, it's not as easy as that. Bakit ba hindi na lang sila makuntento?"

"I know your mind is clouded right now. I can't understand how you feel. But I'll just be here as your cousin and as your bestfriend. I won't say anything anymore. I'll just listen."

Biglang tumunog 'yung phone ko. Tiningnan ko. Tumatawag si Amara. Pabagsak kong binitawan ang telepono ko.

"Isa pa 'to. Dahil sa pagiging immature at insensitive niya, naungkat pa tuloy iyong isyu na sana patay na. Kasalanan niya kung bakit nasira ang pamilya ko."

Tiningnan ni Kurt kung sino iyong tumatawag upang siguro'y malaman kung sino ang tinutukoy ko.

"Birthday niya nga pala ngayon. Niyaya ako ni Julia na pumunta. Pero noong nalaman ko iyong nangyari sa'yo, alam kong kailangan mo ng kausap. Hinayaan ko na lang sila. Hindi ko na rin muna sinabi kahit kanino. Nagdahilan na lang ako. You know, may balak sana akong pumunta but f*ck that Amara. I'll stay with you."

"Thanks, bro." Tinapik ko siya sa balikat. "You're the best."

Biglang tumawag ulit si Amara. Pinatay ko ang tawag. At bago pa man ulit siya makatawag, pinatay ko na ang telepono ko.

Isang pitik ng daliri mula kay Amara ang nagpatigil sa utak ko na balikan ang mga nangyari noong isang araw. Alaala na nga lang pala ang mga iyon at ngayon ay talagang kaharap ko siya.

"Ang sabi ko, bakit hindi ka umattend sa birthday ko?" pag-uulit niya sa sinabi. "Ipapakilala sana kita sa parents ko. May nangyari ba?"

Gusto ko na sanang kunin ang pagkakataon para ipamukha sa kaniya ang epekto ng maling nagawa niya. Pero may kung anong pumipigil sa akin. Kung isisisi ko na lahat sa kaniya, hindi na ako makakaganti. I'll definitely do that pero wala pa ako sa mood na gawin iyon. Ang end goal naman talaga kung bakit pumayag maging kami ay dahil para makapag-spy ako sa kaniya at hindi para magkatuluyan kami. So, I'll stick with the plan.

"Nagkaroon lang ng emergency. Saka ko na lang iku-kwento."

"Pwede bang samahan mo muna ako sa cafeteria? Pwede mong i-kwento habang naglalakad tayo. I am willing to listen and open to understand you. Medyo nagtatampo kasi ako na hindi ka nakapunta. I was disappointed with my parents. Pati ba naman ikaw."

"Mala-late na ako. Papasok na ako."

"Classmates naman tayo. Okay lang 'yan," saad niya.

"Hindi pwede. May gagawin pa kasi ako."

"Fine. Mamaya na nga lang ako pupuntang canteen."

Hinayaan ko siyang sumunod sa akin pero hindi ko siya pinansin. Mabuti na lang at magkalayo ang upuan namin kayo nakalayo rin ako sa kaniya.  Mabuti na lang at si Kurt ang katabi ko.

Maya-maya, dumating na ang guro namin sa English na si Mr. Michaels.

"Tomorrow. Second Periodical exam niyo, right?" tanong ng guro. "So, what we're gonna do today is review, review and review."

Nagsimula siyang magbahagi ng test papers na parallel daw sa magiging exam namin.

Halos lahat ng subject namin ganoon ang ginawa. Puro nagreview lang. Pero ako, mabuti na lang hindi nila nahalata na hindi ako nakikinig. Hindi nila nahalata na lumilipad ang isip ko habang nagtuturo sila.

Bago matapos ang huling subject namin, tinanong ko si Kurt. "Uuwi ka ba agad pagtapos ng klase?"

"Hindi, bro. Babawi ako kay Julia. Bakit? Kailangan mo ba ulit ng kasama? Maiintindihan naman ni Julia kaya walang problema. Sabihin mo lang."

"Hindi naman. Mauuna na ako."

"Sure ka? Baka nahihiya ka lang. You know, bro, it's really okay. Samahan na kita."

"No need. Ayos na 'yung sinamahan mo ako n'un. I'm okay."

"Are you sure?"

Tumango ako. "A hundred percent sure. I'll be fine."

"Sige, insan. Ingat ka." Tinapik niya ako sa balikat.

At nang mag-dismiss, dali-dali akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako lumingon at baka maabutan pa ako ni Amara. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa kotse.

Nasa kotse na ako nang makita ko siyang naghahanap sa may parking. Hindi ko akalaing masusundan niya ako rito. Halata sa paghinga niya na hinihingal siya. Malamang ay tumakbo siya para habulin ako. Panigurado kapag nakita niya itong kotse ko, lalapit siya. Kaya inantay ko siyang makaalis bago ko pinagmaneho ang drayber namin.

Ngunit akala ko nakaalis na siya. Umaandar na ang kotse ko nang bigla niya itong habulin.

"Dranreb, saglit!" sigaw niya.

"Huwag kang titigil, kuya. Bilisan mo," utos ko sa drayber.

Tumigil siya sa pagtakbo. Bigla siyang nilapitan ng drayber niya. Malamang pasusundan niya ako kaya minadali ko ang drayber.

"Mas bilisan mo pa. Dali."

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now