[3] Group of Beast

349 11 0
                                    

Hindi ko inexpect 'yun. Naumay ako. Bumalik ako sa upuan ko. May pa Mr. Right pa siyang nalalaman. Very wrong naman pala!

Dumukot ako ng black slip sa bag ko at iniabot ito sa kaniya.

"Sir, para sa'yo po ito."

Tiningnan niya ito. "Para saan ito?"

"Po?"

"Mrs. Andres, ang tanong ko, para saan ito?"

"Bookmark, sir." Hindi ko ipinahalata sa ngiti ko ang iniisip ko.

At nang sandaling iangat niyang muli ang ulo niya, sunod-sunod na tumama sa kaniya ang mga nakalukot na papel na binato ng mga alagad kong nasa loob ng kwarto na ito.

"Students! That's enough!"

Habang binabato pa rin siya, kinuha niya ang gamit niya at agad na tumakbo palabas.

Buti nga sa kaniya. Iyan ang napapala ng mga taong paasa. Mr. Right pero baliko ka naman. Nag-flip hair ako. Sayang ang effort kong magpapansin sa'yo.

Naghintay kami ng kaunting sandali bago dumating ang susunod naming teacher.

Maya-maya, ang guro na hindi marunong magsuklay ng buhok at may makapal na salamin ang pumasok sa classroom.

Wala pa siya sa gitna ng kwarto pero nagulantang na siya nang sandaling makita ako. Nalaglag niya pa ang mga hawak niyang gamit.

"Okay, class dismiss," mabilis niyang saad.

Agad na nagtakbuhan palabas ang mga kaklase namin. Kaming tatlo ang nahuli sa room. Pero bago kami lumabas, nilakihan ko muna ng mata iyong guro na iyon at saka siya kumaripas ng takbo palayo.

Malinis na ang hallway bago pa man kami lumabas. Naglakad kami sa hagdan pababa sa may canteen.

Ang paborito naming mesa'y nakahanda na at ang daan siyempre papunta roon.

Lumapit sa amin iyong apat na lider ng group na ginawa ko — ang group of beast.

"Ano pong i-oorder namin sa inyo," saad ni Red, lider ng Ram Group. Maliit lang siyang lalaki pero marami ang takot sa kaniya.

"Iyon pa rin," tugon ko.

Agad silang umalis at bumili ng pagkain namin. Sabay-sabay rin silang dumating dala ang isa-isa naming order.

Naupo muli silang apat sa harap ko. Alam ko na ang kailangan ng mga ito.

"Ma'am, natuwa ba kayo sa ginawa namin kanina sa mga binigyan niyo ng black slip?" tanong ni Mark, lider ng Lion Group. Moreno siya pero may itsura.

"Oo naman. Wala pa ring kupas," sagot ko.

"Ah, ma'am, yung napag-usapan po. First day po ngayon," sabi ni Bon, lider ng Wolf Group habang nagkikiskis ng palad niyang may matatabang daliri.

"Kilala mo ako, Bon. Never ako pumalya sa usapan."

Kinuha ko ang bag ko kay Julia at kinuha mula roon ang apat na sobre na may lamang pera.

"Yown." Bakas na bakas sa mukha ni Sid, lider ng Shark Group ang tuwa nang makita ang mga sobre. Matangkad siyang lalaki at kahit pa nakaupo ay halata iyon.

"Para sa pagbabato niyo ng itlog." Ibinigay ko ang unang sobre kay Red.

"Para sa pagsaboy niyo ng harina." Ibinigay ko ang sunod kay Bon.

"Para sa pambabasa ng mga nabibigyan ng black slip." Ibinigay ko ang sobre kay Sid.

"At, para sa pananakot sa mga gustong kumalaban sa amin." Iniabot ko ang huling sobre kay Mark.

Tuwang-tuwa silang nagpasalamat at saka umalis din agad.

"Hindi ba masyadong malaki iyong ibinibigay mo sa grupo buwan-buwan? Hindi ba't minsan ka lang naman magbigay ng black slip na todong-todo nilang binabantayan? Tapos minsan mo lang naman sila utusan," pagrereklamo ni Julia.

"Sapat lang iyon para hindi nila ako traydorin."

"Sa bagay, magagaling naman sila," pagsang-ayon ni Marta. "It has been years noong nabuo sila at ngayon ay wala pa ring makabuwag ilang beses man na ang sumubok."

Pagkatapos kumain, naglakad kami sa may grounds. Habang feel na feel ko na naman ang paglalakad na suot-suot ang pink kong sunglass, isang lalaki sa gilid namin ang bigla na lang lumuhod.

"Amara, gusto kita." Lumuhod siya at inabutan ako ng bulaklak habang nakayuko.

"Ako rin, gusto kita," malambing kong tugon.

Dahan-dahan na umangat ang ulo niya habang nagliliwanag dahil sa sinabi ko.

"Gustong-gustong kita. Gustong-gusto kitang patayin. As in, now na! Julia, pakilabas nga ng nailcutter," maarte kong sabi.

Nanlaki ang mata ng lalaki at tarantang-taranta na tumakbo palayo at nadadapa-dapa pa.

"Bakit kaya siya natakot?" tanong ko sa dalawa. "May nasabi ba akong masama?"

"Ay, wala!" pang-pipilosopo ni Marta. "Ikaw ba naman palabasan mo ng nailcutter."

"Ano ba kasing gagawin mo sa nailcutter?" tanong ni Julia.

"Ano ba ginagawa sa nailcutter? Magkukuko ako. Mga tonta!"

Pinagpatuloy namin ang paglalakad. Bigla akong may nakitang gwapong nilalang.

"Pst," pagtawag ko sa atensyon niya. At nang sandaling tumingin siya sa amin, ginamit ko ang daliri ko upang senyasan siya na lumapit.

Agad naman siyang tumakbo papalapit sa amin. Bakas sa mukha niya iyong takot.

"Hi, ang gwapo mo. Simula ngayon, mag-on na tayo." Magsasalita sana siya kaso bigla ulit akong nagsalita. "Lahat ng tumatanggi, nakakatanggap nito. Gusto mo ba?"

Inilabas ko mula sa bag ko ang isang black cat slip. Nanlaki ang mata niya at agad na umiling.

"Hindi, gusto mo ata, e," pang-aasar ko.

"Ayaw ko. Payag na ako maging instant boyfriend mo."

May dumaan na mas gwapo. Hindi ko maialis ang tingin ko.

"Break na tayo. Pinaniwala mo akong wala nang mas gwapo sa'yo!" sigaw ko sa kaniya.

Tinawag namin iyong mas gwapo sa kaniya at agad din itong lumapit sa amin.

Habang papalapit ito ng papalapit, ito'y papangit ng papangit.

"Ano po iyon?" tanong niya.

"Crush ka daw nito." Sabay turo ko kay Julia. Gulat siya e.

Buti na lang at hindi pa umaalis iyong talagang gwapong lalaki. Paalis na sana siya kaso tinawag ko siya ulit.

"Makipagbalikan ka sa akin. Sabihin mo, nagsisisi ka na," saad ko.

"Okay, nagsisisi na ako."

"Anong pangalan mo?"

"Hanz."

"Okay, Hanz, mag-on na ulit tayo. Comeback is real."

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now