[2] Ipis Mode

451 10 0
                                    

Noong nakaraang third grading noong third year pa ako huling nakapagbigay ng black cat slip. Ngayon, fourth year na ako. Mukhang balik na naman ako sa pagbibigay ko n'un. Siya pala ang buena mano ko ngayong school year. Well, na-miss ko din naman magbigay ng black cat slip.

At dahil nagbabalik ako, ibig sabihin n'un, nagbabalik din ang halimaw na nabubuhay sa loob ko. Panahon na naman para magpanginig ng mga tuhod, magpamuta ng mga mata kakaiyak, at magtulak sa kanilang palitan ang mga diaper na suot nila.

Habang naglalakad sa hallway papuntang classroom, naririnig kong binabati ako ng ibang mga estudyante.

"Good morning, Amara," sunod-sunod nilang bati.

"Good morning din, Marta and Julia," pahabol nila dahil nauuna ako ng kaunti sa dalawa.

Paglagpas namin sa kanila ay may isang lalaking estudyante na nagte-text na nakaharang isang metro ang layo sa amin. Matatanggap ko pa sana kung isang kilometro ang layo niya sa amin pero hindi!

Nilapitan siya ni Marta at inabutan ng black cat slip. Napasinghap siya at halos mapatalon sa kinatatayuan niya nang makita niyang nakaharang siya sa daan namin.

Agad itong lumuhod at nagmakaawa sa akin. Halatang madalas siya sa gym sa laki ng pangangatawan niya pero I didn't expect na makikita kong bigla na lang magbabasa ang harapang parte ng pants na suot niya. It is obvious dahil light brown ang kulay ng pants ng boys namin at nakayuko akong tinitingnan siya habang nagmamakaawa kaya napansin ko iyon.

Biglang dumating ang makasalanang babae na nambastos kanina sa akin.

Agad siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko ang babaeng makasalanan na kanina lang ay nakikipagmataasan sa akin. Napalitan ng lumuluhang mata ang kanina niyang panlilisik. Gulo-gulo na rin ang buhok niyang binasagan ng mga itlog. Namumuti din ang mukha niya dahil sa harina na siguro'y isinaboy sa mukha niya. Basang-basa na rin ang suot niyang uniporme na tumutulo-tulo pa sa sahig.

Walang patid din itong humingi ng humingi ng tawad at halos halikan na ang paa ko.

"Patawarin mo na ako, please! Gusto ko lang talagang mag-aral dito. Ayaw kong masayang ang scholarship ko."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa klase.

"Aamara, please!" narinig ko pang sigaw niya habang papalayo.

Naglalakad ako sa hallway na parang supermodel dahil feel na feel ko na akin ang araw na ito nang bigla akong matalisod. Mabuti na lang at hindi ako natumba. Nakahawak kasi agad ako kina Marta at Julia at nasalo rin naman nila agad ako.

Agad na tiningnan ko ang mga estudyanteng nasa gilid ng hallway. Mukha silang natatae lahat. May mga nakatikom ng madiin ang bibig, may nakalobo ang pisngi, at ang ilan ay parang naluluha. Parang may pinipigilan. Alam kasi nila ang kahihinatnan nila kung sakaling tumawa man sila o ngumiti man lang.

"Tanggalin mo kasi iyong sunglasses mong heart," payo ni Marta. Tinaggal ko ito sabay irap sa mga estudyanteng nasa gilid. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Walang tao sa room pagpasok naming tatlo. Dahil kung mayroon na, siguradong swe-swertihin din sila.

Sunod-sunod na nagsipasukan ang mga kaklase ko pagkaupo namin sa harap ng room. Ilang minuto lang din, dumating na ang unang guro na makikilala namin para sa huling taon namin bilang junior high school students.

Nanlaki ang mga mata ko nang sandaling pumasok ang magiging teacher namin. Parang may hazy effect at stars na kakabit niya noong sandaling naglakad siya papunta sa harap.

Balbas-sarado siya. Lampas sa white board ang ulo niya. Makinis ang balat niya at bakat sa uniporme ang matipuno niyang dibdib.

"Good Morning, class. Ako nga pala si Mr. Right este si Mr. Michaels and I will be your teacher in English."

Ang ganda ng accent niya tapos favorite subject ko pa ang ituturo niya. Kinuha ko iyong pokpok kong sunglasses na kulay pink at kinagat ang dulo nito habang naka-lock ang aking seductive gaze sa kaniya.

Agad ko namang nakuha ang atensyon niya. Pero agad niya rin namang inalis ang tingin niya sa akin. Akalain mo ba namang walang epek sa kaniya iyong ginawa ko.

Wait ka lang sa akin. Humanda ka.

Nagsimula siyang magtawag ng mga pangalan for attendance. At dahil ako ang una sa listahan, panigurado mapapansin niya agad ako.

"Amara Andres," saad niya.

"Sir," sigaw ko habang nakataas ang kamay. "I'm free tonight po."

Natatawa lang siyang umiling at nagpatuloy sa pagtawag ng iba pang names.

Napansin ni Mr. Michaels na nakataas pa rin ang kamay ko kaya sinabihan niya ako. "It's fine, Ms. Andres. You can lower your hand now."

Nagsalubong ang kilay ko at napatiim-bagang ako dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ba niya pansin ang ganda ko? Ni hindi man lang niya nakita ang pores ko sa bilis niyang tumingin. Hindi man lang tumitig. Kung sabagay, sino ba naman ako para magka-pores? What are pores? Nabibili ba 'yun?

Nang tawagin si Marta, doon lang ako nakaisip ng paraan para magpapansin tutal katabi ko siya.

"Marta Castro."

Itinabi ko ang mukha ko kay Marta at nag-pout ng lips. Pero, parang background lang ako na hindi pansinin ang mga detalye. He still ignores me.

Isa na lang ang chance na mayroon ako, ang pagtawag kay Julia. Kailangan ko nang ibigay lahat.

"Julia Salazar."

Nagpa-fierce ako lalo at mas ngumuso pa hanggang sa magmukha na akong hito. Pero kahit ganoon, parang wala lang talaga sa kaniya lahat ng effort ko. Halos hindi ko na nga maibalik sa dati iyong nguso ko at tinulungan pa ako ni Julia na ayusin ulit pero wala pa ring effect sa kaniya ang mga iyon.

Nagsulat siya ng mga reminders sa board at noong sandaling tumingin siya sa amin. Itinaas ko ang palda ko ng kaunti para magkamot.

"Ang kati," sabi ko pa.

"Ms. Andres. Pwede ka naman magkamot sa labas ng palda mo or go to the bethroom kapag hindi na talaga kaya. It is not appropriate for a girl na itaas na lang basta ang palda niya kahit nasa harapan ka pa dahil may makakakita pa rin tulad ko," pabulong na saway sa akin ni Mr. Michaels.

"Bakit, sir, hindi ba gusto naman iyon makita ng mga lalaki na katulad mo? Some would even summon the northeast wind para lang liparin ang palda ko. Don't tell me you didn't like it?"

"Ms. Andres, you're a student. You're in a school. Act properly."

"I know how to keep secrets. Indeed, I hold a lot of secrets."

Nagbuntong-hininga lang siya at umiiling na lumayo sa akin. Talagang walang effect ang beauty ko sa nilalang na ito. He didn't even ask me out after school. Baka professional lang talaga siya.

Well, in that case, I need to exert more effort para ilabas kahit pasulyap lang ang wild side niya.

Hinintay ko siyang matapos mag-discuss bago ko napagdesisyunang magpapansin ulit. Para naman hindi ako magmukhang desperada. No way!

"Ipis mode tayo," bulong ko sa dalawa na nasa magkabilang gilid ko.

Naghintay lang kami ng tiyempo pagkatapos inihagis na ni Marta iyong ipis sa akin. Ako naman kunwari hindi alam na laruan iyon kaya nagtatatalon at nagsisisigaw ako. At siyempre, pasimple akong yumakap sa gwapong teacher namin at kunwari'y takot na takot ako.

Pero pagkakita ni Mr. Michaels sa laruang ipis na iyon at tumalsik pa sa kaniya dahil sa likot ko, nagsisigaw at nagtatatalon din ang loka. Mas mataas pa nga iyong pitch ng tili niya sa akin. Parang G7 pa ata 'yung naabot niya. Kaloka. Mariah Carey yarn?

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now