[25] How Amara Met Jared

165 7 0
                                    

Bigla niya akong hinila at niyakap.

"Akala ko ba wala kang masamang balak sa akin," sabi ko. Medyo nakaramdam ako ng kaunting kaba. Pero kahit papaano'y napangiti rin ako.

Nanatili siyang tahimik. Ilang minuto na ang nakalipas pero nakayakap pa rin siya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko sa pinaghalong kaba at kilig. Parang sasabog na kaya kailangan ko nang magsalita para kahit papaano mabawasan itong nararamdaman ko.

"Baka siguro ayaw mo talagang makipag-usap sa kahit sino. Kaya lang dumating ako rito. Pero, sige. Kung gusto mo ganito lang muna tayo, ayos lang. Dito lang ako. Kung ayaw mo man niya akong kausapin, manatili ka lang na nakayakap. Sasamahan lang kita."

Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko at ang amoy alak na niyang hininga.

"Alak ka ba?" nakakapagtaka niyang tanong.

"Bakit?"

"Kasi noong niyakap kita, gumaan ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko ang problema ko. Kaya nakikiusap ako sa'yo, pwede pang manatili lang tayo sa ganitong posisyon habang buhay."

Kung mayroon lang habang buhay, bakit hindi?

Sa totoo lang, gumaan din iyong pakiramdam ko noong sinabi niya sa akin iyon. Niyakap ko siya pabalik.

"Ikaw ba, alak ka ba?" Bigla kong tanong sa kaniya.

"Bakit?" tugon niya.

"Amoy chico ka, e."

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Ah, ganoon. Amoy chico pala, ah. Kung ilapit ko kaya sa'yo lalo 'tong bibig ko."

Muntik nang dumikit 'yung labi niya sa'kin. Mabuti na lang at napigilan ko siya. Nakapress lang ang kamay ko sa dibdib niya. Trying to resist him from coming nearer. Umatras din naman agad siya.

"Lasing ka na nga talaga siguro."

"I'm sorry."

Napaiwas na lang ako ng tingin. I won't say it is okay kasi baka ulitin niya. It is not okay for me, really. Hindi porket kami na ay pwede niya nang gawin lahat ng walang paalam. Iyong unsolicited hug mapagbibigyan ko pa. But kiss just go a long way. And I am not ready for that.

"I know, hindi excuse na nakainom ako to do that. It was not my intention to kiss you. Nasobrahan lang ng lapit. Pero hindi na ako magdadahilan pa, I just want to say sorry," dagdag niya sa sinabi.

"Apology accepted. Basta huwag mo na lang muna ulitin... for now. There is a right time for that."

"I know and I understand. Let's walk?"

Tumango ako at kasunod n'un ay tumayo na siya at tinulungan niya rin akong tumayo.

"Paano ka nga pala nakarating dito? Sinong nagturo sa'yo?" tanong niya nang magsimula na kaming maglakad-lakad under the stars.

"Tinawagan ko si Julia pagkatapos ibinigay niyo iyong phone kay Kurt tapos doon ko na sa kaniya nalaman."

"Magkaayos na kayo ni Julia?"

"Hindi pa naman namin napag-uusapan pero parang ganoon na rin kasi hindi naman na ako galit sa kanila. Especially, ayos na rin tayo."

"Curios lang ako. Paano mo nga pala nakilala sina Julia at Marta at saka iyong mga group mo?"

"Gusto mo talagang malaman?"

Nag-isip muna siya bago tumango. Nagbuntong-hininga ako bago nagkwento.

"Ang totoo niyan, si Jared Martinez, ang lider ng Ram group, ang siyang pinakauna kong nakilala sa school niyo."

Talaga? Paano?"

"Ewan ko kung maniniwala ka pero na-bully kasi ako dati." Dahan-dahan lang ang pag-apak ko sa mga damo dahil kahit madilim ay kita ko kung gaano ito kalusog. "Pinagseselosan ako ng isang babae doon kasi parang nililigawan ako ng boyfriend niya. Noong nasa baking class kami, binato nila ako ng itlog ng mga barkada niya. Pagkatapos binuhusan niya ako ng harina."

"Sino iyan at saka nasaan na siya? Malamang wala na siya. Ang tapang mo na kaya. Anong nangyari pagkatapos niyon?"

"Sinabihan ko na iyong lalaki na tigilan ako pero hindi niya ginawa kaya hindi rin ako tinigilan ng girlfriend niya. Habang naglalakad ako sa grounds, binasa nila ako ng tubig galing sa hose. Pagkatapos doon, dumating nu'un si Jared. Para siyang superhero. Niligtas niya ako."

"O bakit ganiyan ang ngiti mo? Parang kinikilig ka?"

"Hindi, naalala ko lang kasi."

"Akala ko ba ako ang pinakaunang lalaking nagligtas sa'yo na hindi mo binabayaran."

"Hindi pa ako tapos. Ganito nga ang nangyari. Nailigtas niya ako tapos tinanong ko siya kung ano ang kapalit ng ginawa niya. Sabi niya, ilibre ko na lang daw siya sa canteen. Hanggang sa nakipagkasundo ako sa kaniya. Pakakainin ko siya sa canteen kapalit ng proteksiyon na ibibigay niya sa akin. Ang sabi niya, mas maganda raw kung mas marami akong tao. Sa totoo lang, hindi iyon porblema sa akin dahil hindi ko naman problema ang pera kung iyon lang ang usapan. Kaya naman, maging ang mga barkada niya, nililibre ko na rin sa canteen. At naging epektibo iyon. Napaalis ko pa nga iyong babaeng nam-bully sa akin sa school dahil sa kanila. Ginawa ko sa kaniya lahat ng ginawa niya sa akin sa loob ng isang linggo hanggang sa sumuko na siya at hindi na pumasok pa."

"Kaya ang ginawa mo, gumawa ka ng mas marami pang grupo para wala nang mambully talaga sa'yo."

"Pinalaki ko ang grupo ko dahil hindi rin biro ang mga nakalaban ko sa school. May kakayahan din ang mga magulang nilang mag-hire ng mga totoong gangster. Ginamit nila ang mga iyon bilang backfire sa akin. Kaya bukod sa mga tao sa loob ng school na sumali o napasali sa mga grupo ko, nakakuha rin kami ng mga totoong gangsters sa labas. Lahat sila pinagagalaw ng pera na parang mga makina. Hinati ko sila sa apat para mas mapalawak pang lalo. Maging ang mga na-hire dati ng mga kumalaban sa akin, nakuha ko. Dahil nakakakuha rin ako ng mga spy. Mga taong nangongolekta ng mga impormasyon laban sa mga taong kumakalaban o gustong kumalaban sa akin na tiyak na ikakasira nila kapag inilabas ko. Ginamit ko ang mga information na iyon bilang pang-blockmail."

Nakatitig lang sa akin si Dranreb. Walang salitang sinasabi at mukhang nag-aantay lang ng susunod kong sasabihin. Tumigil kami sa paglalakad.

"Pero hindi iyon intentional. Bunga iyon ng takot ko na mabully ulit. Hanggang sa hindi ko na namalayan, ako na pala ang bully," dagdag ko.

Sandali kaming natahimik pareho.

"Paano mo naman nakilala sina Marta at Julia?"

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now