[18] Got Caught

153 6 0
                                    

Amara's POV


Habang nasa loob ako ng sasakyan na nakaparada malayo sa school, kausap ko iyong inutusan ko kahapon.

"Sigurado ka bang natakot sila sa pinagawa ko sa'yo?"

"Panigurado po iyan, ma'am. Malapit po talaga sa kanila iyon pagkakahulog ko ng paso. At ito po ang matindi, hindi nila ako nahuli."

"Magaling." Kumuha ako ng sobre sa bag na may makapal na laman. "Munting regalo ko dahil hindi ka pumalpak. Alam mo namang allergic ako sa mga pumapalpak kaya mabait ako sa mga successful sa pinapagawa ko sa kanila. Heto, tanggapin mo."

Inabot niya ang sobre at sinilip ang laman. "Nako. Maraming salamat po dito, ma'am. Utusan niyo lang ako. Lahat gagawin ko para sa inyo."

Nagsuot na ako ng salamin. "Sige na. Tatawagan na lang ulit kita."

Pagkatapos niyon, bumaba na siya ng kotse. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang lider ng natitira kong grupo.

"Hello, ma'am. Hindi ko na al--"

Agad kong pinutol ang sanang sasabihin niya pa.

"Nauubos na ang pasensya ko. Oras na para sa susunod na atake. Hindi natin sila titigilan. Kailangan mapasuko natin sila. Hindi tayo ang susuko. Kailangan pagsisihan nila iyong ginawa nila. 'Wag niyo silang tigilan hanggang sila na ang sumuko sa atin. Hindi pwedeng magtagumpay iyang Dranreb na iyan."

"Masusunod po."

Pinaandar ko na iyong kotse at pagkatapos ay bumaba kami sa harap ng eskwelahan. Mula sa kotse, tanaw ko nang nagsisisuguran na ang mga alagad ko sa kampo ni Dranreb.

Wala silang kalaban-laban habang pinalilibutan at binabasa sila.

"Sumuko ka na kasi. Nagtatapang-tapangan ka pa. Susuko ka rin naman bandang huli," sabi ko sa sarili.

May mga guwardiya na biglang nagsilabasan palibot sa mga alagad ko at mabilis silang pinaghuhuli.

"Amara, hinuhuli iyong mga alagad mo," saad ni Julia na tumatakbo papalapit sa akin kasama si Marta.

"Hindi iyan maari!" sigaw ni Marta. Binatukan ko siya.

"Akin iyong linyang iyon, e. Inagawa mo pa ako. Ako dapat ang sisigaw."

"Okay, sige. Game."

"Hindi iyan maari!" sigaw ko. "Manong, umalis na tayo dito."

Sumakay kaming tatlo pabalik ng kotse. Bumaba kami sa isang park para doon ako sumigaw ng pagkalakas-lakas. Pero bago iyon, inutusan ko muna iyong dalawa kong alalay na ipasara ang park bago ako sumigaw. Mabilis na pinalabas ng security ang mga tao doon.

Nang wala na sila, malaya na akong sumigaw.

"May araw ka ring, Dranreb ka! Magbabayad ka sa ginagawa mo sa akin ngayon! Babalikan kita!"

"Okay na?" Nakatulog si Marta at iyon ang tanong niya matapos gisingin ni Marta. Tinanguan siya ni Marta.

"Sayang iyong bayad para ipasara ito kung iyon lang ang sasabihin mo. Dapat may kasamang bad words."

"Tulad ng?" Napalingon ako kay Marta.

"Walang hiya ka, Dranreb! Pakshet ka!"

"So cheap." Iniwan ko na sila at naglakad pabalik ng kotse.

Bago umuwi, nagpunta muna kami sa coffee shop. Kailangan pakalmahin ko ang sarili ko para makapag-isip ako ng susunod na hakbang na gagawin ko.

"Ano kaya kung gamitin ko iyong mga past relationships niya laban sa kaniya?"

"Hindi ba sinubukan mo nang halungkatin ang past niya? Wala ka naman nahanap na pwedeng ipang-blockmail sa kaniya. All of his relationship ended well. Sa tingin mo makakahanap ka ng ex niya na galit sa kaniya?"

"Well, at least, they might know something embarassing about him? Like sa habits niya or something na nangyari na sobrang nakakatawa at first hand nilang nakita? Baka meron, hindi ba?"

"Kung meron man, how can you make sure na sasabihin iyon sa'yo ng ex niya?"

"I'm sure hindi mo alam na pera ang sagot dahil wala ka masyado nu'n." Napairap pa ako.

"I'm sure na hindi ko rin alam na hindi lahat madadaan mo sa pera. There are other people who values their relationship with other people than money."

"Kinakalaban mo ba ako, Julia?" Nag-squint ako ng eyes sa kaniya.

"Hindi naman sa ganoon pero baka kasi hindi na worth it na kalabanin mo siya?"

"So ang gusto mong gawin ko? Sumuko na lang?"

Napayuko ng bahagya si Julia. "Ang sa'kin lang naman. Baka pwedeng makipagkaibigan ka na lang sa kaniya. Tanggapin na natin na hindi mo na kaya."

"Ganoon lang? Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan ko?" Napansin kong pangisi-ngisi si Marta habang seryoso na kami ni Julia sa pinag-uusapan namin. Inagaw ko iyong telepono niya.

"Amara, wait." Pilit niyang inagaw pabalik pero hindi ko hinayaan makuha niya ulit.

"Ano bang meron dito at busy na busy ka. Pangisi-ngisi ka pa."
Babasahin ko na sana ang text message thread sa phone niya nang biglang may sabihin si Marta.

"Amara, bago mo pa man iyan mabasa." Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Julia at nagtinginan pa sila. "Amara, may aaminin kami ni Julia."

"Oh my gosh, may relasyon kayo?" sigaw ko. Nagtinginan iyong mga tao.

"Wala!" Sabay nilang sabi.

"E ano ba ang sasabihin niyo?"

Nagtinginan silang muli.

"Gusto ko nang kumilos ayon sa gusto ko. Gusto ko nang kumawala sa'yo," saad ni Marta.

"Ganoon din ako. I'm sorry, Amara. Gusto ko kasi si Kurt."

Napahawak ako ng mahigpit sa phone ni Marta. Binasa ko ang text message thread at nagpapalitan na sila ni Kurt ng malalaswang mga salita.

"Kumain ka na?" tanong ni Alvin.

"Kainin kita," tugon naman ni Marta sa text.

"Seryoso kayo? Si Alvin at ang pinsan ng Dranreb na iyon? Sa mga traydor na iyon ipagpapalit niyo ako?" Ni isang salita ay walang lumabas sa mga bibig nila. Nilapag ko na sa table ang phone ni Marta. Tumayo na ako at sinabing, "Mukhang nakapili na kayo. Pagsisisihan niyo ang naging desisyon niyo."

Magsasalita pa sana sila pero agad na akong umalis dahil wala na akong panahon na pakinggan pa ang mga paliwanag nila.

Kinabukasan, pagkababa ko ng kotse sa tapat ng eskwelahan, may dumating na isa pang kotse.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon