[28] Coping Mechanism

145 6 0
                                    

Dranreb's POV

Sinampal ako ni Amara. "Alam mong may girlfriend ka pa pero hinayaan mong maging girlfriend mo din ako! Akala ko pa naman iba ka sa kanila. Pinaglalaruan mo lang din pala ako!"

Hindi ko na hinabol si Amara habang naglalakad siya palayo dahil alam kong kailangan lang niya ng kaunti pang oras para gumaan ang pakiramdam niya at pakinggan ang mga sasabihin ko.

"Sino siya? tanong ni Clarisse. "Lumipat ka lang. May iba ka na?"

"Clarisse, simula ng lumipat ako dito, wala kang reply sa mga text at chat ko sa'yo. Pagkatapos, babalik ka at iki-claim na boyfriend mo pa rin ako."

"Kaya nga, nandito na ako. Gumawa ako ng paraan para magkasama tayo ulit. Lumipat ako dito para sa'yo."

"I'm sorry, Clarrisse, pero may girlfriend na ako."

"Pero umalis na siya. Ayaw na niya sa'yo." Hinawakan niya ako sa braso para pigilan akong umalis. "Ako, Dranreb. Ako iyong nandito pa rin para sa'yo at tanggap ka pa rin. Hindi katulad niya. Iniwan ka na niya agad."

"Gagawa ako ng paraan para magkaayos kami. At kung ano mang namamagitan sa atin, matagal nang tapos iyon."

Sinampal niya ako. Dalawang sampal na ang natatanggap ko ngayong araw.

"Wala na rin pa lang silbi ang paglipat ko dito. Well, don't worry. Pwede pa naman akong mag-back out tutal hindi mo naman na ako kailangan."

Pagkatapos, naglakad na rin siya palayo.

Sayang ang araw na ito. Ang araw na ito pa naman sana ang araw na ipapakilala ko si Amara sa mga magulang ko.

Pero wala na, nasira na. Kailangan kong ayusin ito.

Kinabukasan, habang nasa kotse pa ako, tanaw ko na mayroon gulo sa loob ng campus.

Bumaba ako at pumasok sa loob.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko kay Kurt nang makita ko siyang tinatanaw rin ang nagkukumpulang mga tao sa loob ng school.

"Dranreb," pagtawag niya sa akin. "Bakit ngayon ka lang dumating?"

"Ano bang mayroon dito?"

"Halika. Kailangan mo itong makita."

Hinila niya ako sa isang dingding at gulat na gulat ako sa nakita ko.

Ang mga litrato ni Dad kasama ang kabit niya ay nakapaskil kung saan-saan. Nakakalat sa buong campus. Itinuro pa ni Kurt ang ibang parte ng mga dingding at mayroon din nakakabit na litrato doon na kasalukuyan nang tinatanggal ng mga janitor. Pero ang mga estudyante, ang naka-tarpaulin na picture kung saan kahalikan ni Daddy ang kabit niya ang pinagpipiyestahan.

"Panigurado, mag-aaway na naman nito iyong parents ko," saad ko. "Kailangan ko nang umuwi."

Habang naggagala ang mga mata ko, natanaw ko sa malayo si Amara kasama ang mga kaibigan niya. Nag-smirk siya sa akin.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Nakasunod naman sa akin si Kurt. Agad na naglakad si Amara kasama ang mga kaibigan palayo nang makita ako.

Hinabol ko sila at hinarang. Tatakbo pa sana siya nang habulin ko at mahawakan sa braso.

"Ano ba! Bitiwan mo ako!" aniya. Wala namang ibang estudyante o guro na malapit sa amin para mangialam.

"Bakit ka ba ganiyan?" sigaw ko kay Amara.

"Bitiwan mo ako sabi!" sigaw niya.

"Bakit ba tumitigas ng ganiyan iyong puso mo kapag nasasaktan ka?" saad ko. Kumalma siya sa sinabi ko. "Pakinggan mo ako, Amara. Pakinggan mo ako! Hindi mo man lang ako pinakinggan bago mo ginawa ito!"

Napaluha na ako kaya tumigil na siya sa pagpiglas.

"Oo, kami ni Clarisse bago ako umalis sa school na iyon. Pero noong lumipat ako dito, nawalan na kami ng contact sa isa't-isa kaya tinapos ko na kung anumang meron kami noon. Pero hindi iyon naging malinaw sa kaniya dahil hindi naman kami nagkausap bago ko siya isinuko na. Pero sa akin malinaw na 'yun. Hiwalay na kami. Hindi ako nag-cheat sa'yo! "

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"I'm sorry. Let me fix this. Sasabihin ko in-edit ko lang ito kasi galit ako sa' yo dahil akala ko nag-cheat ka."

"No."

"Maraming maniniwala sa akin. Kaya kong mag-hire ng mga graphic artists na mag-aagree sa akin o ituturo kong nag-edit n'un."

"Enough!"

"Trust me."

Umiling ako. "The damage has been done. You shouldn't have done it in the first place."

Lumayas na ako sa harap niya.

Despite what happened, I attend the classes. Hindi ko na lang pinansin si Amara. Uwian nang muli niya akong subukang kausapin.

"Please, Dranreb. Tell me what should I do?" Humawak siya sa braso ko kaya natigilan ako sa paglalakad sa hallway. "Ginawan ko na ng paraan. May nakausap na aking graphic artist. Pinapaviral na namin ang post niya na inutusan ko siyang i-edit ang mga pictures na iyon. Soon, magpo-post na ako ng apology saying na nagawa ko lang iyon dahil nagselos ako. If that's not enough, please tell me what to do."

Hindi ko siya pinansin at hinigit ang braso ko. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng school.

Nagpahatid ako sa driver ko doon sa usual spot ko kapag malungkot ako. My comfort place. Hinahalo ang isang bote ng light beer as if it needs to be shaken. I'm thinking deeply. Pagkatapos maubos ng beer, sumakay na ulit ako ng kotse pauwi sa amin. On my way home, nabasa ko ang apology post ni Amara. Tulad ng sabi niya, nagso-sorry siya roon at inaamin na pina-edit nga lang niya ang picture dahil nagselos siya. She also promised not to do it again.

Maya-maya, naka-receive ako ng text mula sa kaniya.

"Dranreb, I know, hindi mo ko basta-basta mapapatawad sa ginawa ko. Pero okay lang. I'll give you time. Just tell me what to do para makabawi at para mas mabilis mo akong mapatawad. Next month, it will be my birthday. It is a lot of time for you to think and to forgive me, so I am hoping you can attend. I'll send you the invitation. I hope I can see you there."

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon