[16] Marta And Alvin's Past

138 8 0
                                    

Alvin's POV


Uwian nang abangan ko si Marta sa labas ng classroom niya. Dinadaldal sila ni Ms. Amara. Mabuti na lang at busy siya sa kinu-kwento niya kaya hindi ako nakita. Nagtago rin ako ng kaunti sa gilid. Mabuti na lang at nakita ako ni Marta kahit papaano.

Hindi siya nagreply sa text ko kahapon sa kaniya. Pero umaasa akong baka sakaling kapag nagpakita ako'y pumayag siyang makipag-usap sa akin.

"Hindi ko akalain na marami pala siyang kuto. Andami niyang oras na mag-comment ng mga masasama sa mga post ko pero wala naman pala siyang pang-salon. Inggit na inggit siguro iyon dahil halos weekly ako nasa salon. Siya ata isang dekada nang hindi nakakapunta--"

"Ah, Amara, hindi pala muna ako makakasabay sa'yo ngayon," pagputol ni Marta sa pagku-kwento ni Amara.

Nagtago ako sa gilid. Mukhang papayag na siya pero hindi dapat ako makita ni Amara dahil paniguradong magdududa siya.

"At bakit naman?"

"May pinapadaanan kasi sa akin si mommy. May kailangan lang akong kunin," tugon ni Marta.

"Okay. Get lost then." Sabay naglakad na si Amara na si Julia na lang ang kasama. Naiwan doon si Marta kaya unti-unti na akong lumabas sa gilid.

Nag-text siya sa akin.

From:Marta
Sa dating tagpuan na lang tayo magkita, hindi niya tayo pwedeng makita rito.

Nauna na akong maglakad. At nang makalayo, sinubukan ko siyang lingunin at nakasunod naman siya. Nang makapasok sa park na may ilog sa gilid at maraming damo dahil malawak, tumigil na ako sa paglalakad at inantay siyang makalapit sa akin.

"Ano ba iyong gusto mong sabihin? Hindi ako pwedeng magtagal," aniya.

Ewan ko kung sinadya ng pagkakataon na mangyari ito. Pero ito talaga ang gusto kong mangyari. Kulang lang ako ng lakas ng loob. Mabuti at itinulak ako ng tadhana na gawin ito. Mabuti at kinailangan ni Dranreb ang tulong ko. Kasi kung hindi, baka hindi ko rin ito nagawa.

"Marta, pasensya ka na kung hindi kita ipinaglaban noon. Pero ngayon, handa na ako."

"Iyan din ang sinabi mo noon. Hindi natin kaya si Amara."

Aalis na sana siya pero hinigit ko ang kamay niya.

"Iba noon. Hindi ko pa nare-realize na hindi ko kayang mawala ka. Ngayon, handa na ako sa anumang gawin niya sa akin. Ipaglalaban na kita. Mahal pa rin kita, Marta."

"Ganoon rin ako, Alvin. Pero sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin. Hindi ko pa kayang labanan si Amara at saka mga bata pa tayo."

"Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para siguruhin ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Pero ito na ang tamang pagkakataon para kumawala ka sa kaniya. Hindi mo siya kawalan. Kawalan ka niya. Tandaan mo iyan."

"Maraming beses ko nang sinubukang gawin, Alvin. Alam mo 'yan. Hindi ako galit o takot sa kaniya. Hindi mo man maintindihan. Pero sa tuwing iisipin kong iwan siya, naawa ako sa kaniya."

"Pwes. Kung naawa ka talaga sa kaniya, huwag mong hayaang maging ganiyan siya. Mas makakabuti sa kaniya kung iiwan mo siya. Makakatulong iyon sa kaniya para ma-realize niya iyong mga mali niya. Huwag mong hayaang maging preso ka niya dahil lang naawa ka sa kaniya. Mas maawa ka sa kaniya kapag hinayaan mo siyang maging ganiyan."

Sandali siyang natahimik.

"Proprotektahan kita mula sa kaniya. Pangako ko iyan."

"Susubukan ko, Alvin. Susubukan ko."

"Huwag mo nang subukan. Gawin mo na. Please, Marta, para sa akin na rin." Inabot ko ang kamay niya.

"Pag-iisipan ko."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Sana mai-konsidera mo."

Pagkatapos niyon, kumain kami sa isang restaurant na malapit pagkatapos maglibot sa park na iyon.

Na-miss ko siya. Na-miss ko ang kakulitan niya. Na-miss ko iyong ganito. Iyong magkasama kami. Iyong pareho kaming masaya sa isa't-isa. Iyong hindi kailangang mag-iwasan. Parang tulad ng dati lang.

Inihatid ko rin siya sa bahay nila pagkatapos. Kaunting panahon na lang siguro ang hihintayin. Naniniwala naman ako na ikokonsidera niya iyon. Ginawa ko talaga ang lahat mapasaya lang siya. Baka sakaling ma-realize niya na iba ang saya kapag magkasama kami.

Paglipas ng isang araw, habang break time sa school, nakita ko si sir Dranreb at Kurt na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila.

"Tulad nga ng sabi ko, hindi ako itinanggi ni Julia. Pagkatapos ng ginawa ko, ang tapang ko kaya nu'n, hinarap ko ang mga magulang niya. Kahapon, pinadalaw ako. Nag-usap kami. Mabuti na lang at napunta kay halimaw ang topic namin. Alam mo ba ang sabi ko sa kaniya?"

Nag-clear siya ng throat bago nagsalita ulit.

"Julia, malaki ka na. Dapat ka nang mabuhay ayon sa sarili mong kagustuhan at hindi sa kung ano ang idinidikta ng ibang tao lalo na ang mga taong may pangalan na Amara."

Sandaling tumigil si Kurt sa pagsasalita bago muling itinuloy.

"Ganoon! Ganoon ang sinabi ko sa kaniya!"

Tawang-tawa sa kaniya si Dranreb. Tumingin siya sa akin at nagtanong, "Ikaw, Alvin, kamusta ang pagco-convince mo kay Marta?"

Naupo ako sa tabi nila. "Nag-usap kami kahapon. Mabuti na lang at pumayag siya na makipag-usap. Kinumbinsi ko naman siya na layuan na si Amara. Kaso ang sabi niya, bigyan ko lang daw siya ng kaunti pang panahon. Pero naniniwala naman akong gagawin niya iyon."

"Sana. Sana nga gawin niya dahil alam kong iyon din ang makakabuti para sa lahat. Hindi lang sa kaniya o sa inyong dalawa."

Biglang may lumapit na lalaki kay sir Dranreb.

"Master Dranreb, miyembro ho ako ng ram group. Nandito ho ako para sabihin na umaanib na po ako sa grupo niyo," saad niya.

"Sir, panigurado, kilala niya ang lider nila. Ano kaya kung ipahanap natin siya at ipahuli?" suhestiyon ko.

"Mabuti nga kung ganoon. Kapag sinabi mo sa amin kung sino ang lider ng ram group, sisiguraduhin kong hindi mawawala ang scholarship mo rito," sabi ni sir Dranreb sa kaniya.

"Si Jared Martinez po ang lider namin."

Napatingin sa akin si sir Dranreb bago sinagot ang kausap. "Sige. Ituro mo sa amin kung sino siya. Kakausapin namin siya at baka sakaling makumbinsi namin na kumawala na kay Amara at nang matapos na ang pagre-reyna-reynahan ng halimaw na iyon."

"Sumama ho kayo sa akin."

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon