[20] Block Mail

153 5 0
                                    

Dranreb's POV


"Matakot?" saad niya habang nakataas ang kilay kay Ms. Dina. "Baka nakakalimutan mo, hawak ko pa ang sikreto mo."

Bigla kong naalala iyong araw na may ipinakita siyang litrato kay Ms. Dina nang minsan namin siyang sundan.

Akala ko pa naman tapos na ang kasamaan niya dahil wala na ang mga grupo niya. Hindi ko akalain na gagamitin niya pa rin ang mga pang-blockmail na hawak niya para manakot pa rin ng mga tao rito. Hindi pa rin pala tapos ang misyon ko na paamuhin ang halimaw na ito. Hindi ko hahayaang maipagpatuloy niya ang ginagawa niya. Dahil bilang anak ng may-ari ng eskwelahan na ito, tingin ko'y obligasyon ko pa rin na maramdaman ng sinuman, estudyante o guro o staff man iyan ng school na ito, na ligtas sila o kumportable sila.

Dahil wala na si Ms. Dina, naglabasan na ang lahat ng mga estudyante sa room. Inirapan pa kami ni Amara bago siya lumabas. Hinabol ko siya.

"Talaga bang hindi ka titigil sa ginagawa mo?" Natigilan siya pagkarinig sa boses ko. Unti-unti siyang humarap.

"Hindi," matipid niyang sagot at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Ano bang gusto mong mangyari? Bakit ginagawa mo lahat ng iyan?"

Tumigil ulit siya at saglit na humarap para sabihing, "Wala kang pakialam."

"May pakialam ako."

Tuluyang tumigil si Amara sa paglalakad at dahan-dahan na humarap.

"May pakialam ako kasi eskwelahan namin ito."

"Alam ko. At kahit na kaya kong bilhin itong eskwelahan na ito, hindi ko ginawa. Kasi isa lang naman ang gusto ko—ang igalang ako ng mga estudyante rito. Pero anong ginawa mo? Sinira mo iyon. Dumating ka. Nangialam ka. Sinira mo lahat."

"Hindi mo kailangan manakot para lang igalang ka nila."

"Talaga? Anong paraan ang naiisip mo para galangin nila ako?"

"Maging disente ka lang. Tiyak gagalangin ka nila."

Biglang humalakhak si Amara. "If that worked for you, it didn't work for me... especially in this institution of yours. Na kahit mga teachers niyo, they can't control them. That is why ako na ang gumawa. Pero nangialam ka and now everything is gone. At alam ko mababalik lang iyon kapag nawala ka na rito?"

"Really? Kicking me out of our own school?"

Ngumisi siya. "After all, siguro naman alam mo na what I am capable of and what is not."

Ano kaya ang plinaplano niya?

Hindi na ako nakasagot kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad palayo.

Biglang dumating si Kurt.

"That monster is up to something. Kailangan nating puntahan si Ms. Dina. If we have to destroy lahat ng power niya inside this school, baka mas madali na matanggal siya ng power outside," sabi ko.

"Anything, bro. Alam mo namang suportado kita sa lahat."

Pinuntahan namin si Ms. Dina ni Kurt sa faculty.

Pagpasok namin sa loob, nakatulala lang siya roon habang nakaupo sa table niya.

"Ms, Dina, ako na ang humihingi ng paumanhin sa asal ng babae na iyon. Hayaan mo. Gagawan namin ng paraan."

"Talaga?" Biglang lumiwanag ang mukha niya. "I-eexpel niyo na ba siya sa school na ito?"

Napatingin ako kay Kurt bago sumagot. "Hindi ho iyon. Pero mag-iisip kami ng paraan. Pero para magawa iyon, kailangan namin ng cooperation mo."

Inilayo niya ang tingin sa amin at umiling. "Hindi na. Isang malaking kahihiyan ito sa akin kapag nagkamali kayo. Mawawalan ako ng lisensya kapag nalaman ng lahat ang hawak niya. At ang masama pa roon, baka hindi lang lisensya ang mawala sa akin. Baka pati na rin ang pamilya ko. Kaya nakikiusap ako, hayaan niyo na lang. Huwag na kayong makialam. "

"Nagawa ko hong pabagsakin ang mga grupo na binabayaran niya noon dito sa loob ng eskwelahan. Ako din ang tuluyang makapagpapabagsak sa kaniya. Magtiwala ka lang," saad ko.

"Kung akala mo nasa loob lang ng eskwelahan na ito ang kapangyarihan niya, nagkakamali ka. May hawak siyang pang-blockmail sa akin. Hindi lang sa akin. Sa halos lahat ng tao rito. May mga tao siya sa labas. At sigurado akong may mga sikretong tao pa rin siya rito sa loob. Huwag kang magpakampante. Hindi basta-basta si Amara. At isa pa, matalino siyang tao. "

"Pwes. Hindi ako natatakot sa kaniya, ma'am. Ayaw mo bang matigil na ang ginagawa niya? Hindi lang sa'yo kundi para na rin sa iba?"

"Syempre gusto pero natatakot rin ako."

"Kailangan nating makaisip ng paraan para itigil niya iyon," tugon ko.

"Ano bang naiisip mong paraan?"

"Isa lang," dagdag ko. "Kailangan nating hanapan din siya ng butas na puwede nating itapat sa mga sikretong ipinanlalaban niya sa inyo."

"Paano?

"Kailangang mapasok natin ang buhay niya."

"Parang napaka imposible naman ata niyon, Dranreb. Maraming taong pumoprotekta sa kaniya. Kita mo naman," saad ni Kurt.

"Kung magiging girlfriend mo siya, posible iyon."

"Ano po?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ms. Dina.

"Tama. May punto siya."

"Ano?! Gusto niyong ligawan ko ang halimaw na iyon?"

Tumayo si Ms. Dina sa harap ko. "Iyon lang ang paraan para tuluyan na natin siyang mapatigil. Maaring makatulong ka rin sa kaniya para mapagbago mo siya."

"Pero wala akong sinabing gusto ko siya. Paano kung baliktad pa ang maging epekto?"

Napaupo ulit si Ms. Dina. "Pasensya na sa naging suhestiyon ko. Akala ko kasi may gusto ka sa kaniya. Nahuhuli kasi kita sa klase na tumititig sa kaniya."

"Ano? H-hindi totoo iyan." Nauutal tuloy ako. Sa totoo lang, tinitingnan ko lang naman siya para obserbahan siya. Hindi ko lang minsan namamalayan na napapatagal na pala ako ng tingin.

"Sige. Hayaan mo. Iisip na lang ako ng ibang paraan."

"Tama. Kami rin ho. Iisip na lang ng ibang paraan."

Palabas na ako ng faculty pero iniisip ko pa rin iyon sinabi ni Ms. Dina.

"Insan, pag-isipan mong mabuti iyong sinabi niya. Para sa akin, magandang idea iyon para mabago mo siya. Sige bro, alis muna ako," ani Kurt.

"Sige, bro."

Naglalakad ako sa hallway at nag iisip-iisip nang makita kong naglalakad sa grounds si Amara mag-isa.

Tumakbo ako pababa ng hagdan para habulin siya.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon