[22] Amara's House

163 5 0
                                    

"Ang laki ng bahay niyo. Nasaan ang mga kasama mo rito?"

"Iyan sila." Ikinumpas niya ang kamay niya sa mga maids at bodyguards. Busy iyong iba kaya wala rito."

"Ang ibig kong sabihin, iyong parents mo? Nasaan sila? Nasa trabaho?"

"Ah, sila. Wala sila dito."

"Ah, nag out-of-town o nangibang bansa?"

"Nasa ibang bahay sila."

"Nice. Maaga ka nilang tinuruan na maging independent. Inihiwalay ka na nila agad sa kanila. Pero ang laki ng bahay mo, mag-isa ka lang pala dito."

Napansin kong nilalaro ni Amara ang mga daliri niya. "Ang ibig kong doon sabihin, may sarili na silang mga pamilya. Doon sila umuuwi."

Nagsalubong ang kilay ko. Nag-serve na ang maid ng tig-isang juice para sa amin.

"Ang totoo niyan, twelve pa lang ako noong maghiwalay sila. Ngayon, may kani-kanila na silang bagong mga pamilya."

Hindi ko akalaing nakakaawa din pala kahit papaano ang buhay niya.

"E ikaw, bakit hindi ka sumama sa kahit isa sa kanila?" tanong ko. Napayuko siya at nag-isip. "Sorry kung masyadong pakialamero iyong tanong. Ayos lang naman na hindi mo sagutin. Gusto ko lang din malaman kasi boyfriend mo na ako. At gusto ko walang sikreto. Sinisigurado kong ganoon din naman ako. Kahit anong itanong mo."

Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot, "Wala lang. Siguro kasi umaasa pa rin akong magkakabalikan sila hanggang ngayon."

Kinuha ko na lang ang juice na nasa table sa harap namin at binawasan iyon.

"Siya nga pala, Amara, saan nanggagaling iyong pera mo?"

"Sa kanilang dalawa. Pero hindi naman natatapos sa sustento ang pagiging magulang, hindi ba?" saad niya. May lungkot na sumilip sa mata niya na idinaan na lang niya sa ngiti.

"Oo, tama ka roon. E 'di sinong nag-aalaga sa'yo?"

"Sila." Kinumpas niya ulit sa mga maids at bodyguards ang kamay niya. "Sila na ang pamilya ko. Kasama iyong mga mababait kong drivers na wala rito."

"So wala kang tumatayong magulang? O guardian?"

"Wala," matipid niyang tugon. "Kaya walang pumipigil sa gusto kong gawin. Maraming pinapadalang pera iyong parents kaya nabibili at nagagawa ko lahat ng gusto ko. Walang pumipigil sa akin. Walang nagli-limit. Hindi ako napapagalitan. Takot ang mga maids na pagsabihan ako pero iyong mayordoma ko walang takot iyon sa akin. Alam niya kasing mas takot akong mawala siya kasya mas takot siyang tanggalin ko siya. Pero kulang pa rin. Hindi niya naman ako pwedeng pagalitan tulad sa lebel kung paano magalit ang isang magulang. Alam niya naman na may limitasyon siya at hindi niya inaabuso iyon. Iyon ang maganda sa kaniya."

"It must be really hard for you. Ang mga bagay na hindi nabibili ng pera," saad ko.

"Wala ako," pagdugtong niya sa sinabi ko. "Oo, alam ko. Kaya nga sinubukan ko silang bilhin. Pero hindi pala talaga sila mabibili ng pera."

"Ako. Hindi mo naman ako binili, ah."

Kanina pa siya nakayuko pero napatingin siya sa akin nang sabihin ko iyon. Napangiti siya.

Hindi ko akalain na ganito pala ang buhay ng babaeng inakala kong halimaw. Siguro nga no monster is born talaga. They are made by how others or how life treated them. Tama ang naging desisyon ko na kilalanin ko siya.

"Dahil diyan, igagawa kita ng cookies," saad niya.

"Nagba-bake ka?"

"Oo, pero ginagawa ko lang iyon kapag may special akong bisita."

Ngumiti ulit siya sa akin. Para siyang anghel sa mga ngiting iyon. Hindi ko lubos akalain na pwede pa lang maging anghel ang tingin ko sa isang halimaw.

"Sige. Dito ka lang. Kung gusto mo, magcomputer ka muna para hindi ka ma-bored. Igagawa lang kita ng cookies."

Ikinumpas niya iyong computer nila.

"Sige. Mabuti pa nga habang nag-aantay." 

"Maglaro ka muna kahit anong games gusto mo. Lahat naman na andiyan siguro kasi iyong isang bodyguard ko rin ang gumagamit niyan."

Naglakad na siya papunta sa kusina nila. Naupo ako sa harap ng computer nila. Tama nga siya at nandoon na halos lahat ng games. Hindi naman adik sa online games ang bodyguard niya na gumagamit nito. Sabagay kung ganito nga naman kabilis ang PC ay talagang nakaka-enganyo na maglaro. Bubuksan ko na sana ang isang online game na matagal ko na ring hindi nilalaro nang may bigla akong maisipang gawin.

Pumunta ako sa mga files ng computer na iyon. Una akong nagtingin sa Pictures folder.

Hindi ko alam ang mga social media accounts niya kaya hindi ko alam kung paano siya mag-selfie. Pero mas okay na dito, dahil nandito lahat ng pictures niya pati iyong mga hindi niya ipinopost sa social media accounts niya. At saka baka may mga bagay ako na makita na hindi dapat i-share sa iba o sa kahit sinuman dahil sensitibo. Magagamit ko iyon laban sa kaniya kung sakali.

Pagka-click ko ng pictures niya, napabungisngis ako. Pero sinigurado kong mahina lang. Sapat na para hindi niya marinig.

Marami kasi siyang mga selfie dito na pa-cute. Matagal na siguro ito at hindi niya lang binubura. May mga selfie rin dito ang bodyguard niya kaya napalakas ang bungisngis ko dahilan para mapatingin sa akin ang isa nilang maid. Inayos ko ang composure ko para hindi niya ako pagdudahan.

"Nakakatawa 'yung game. Andaming bugok," sabi ko na lang at nakumbinsi ko naman siya dahil bumalik siya sa trabaho niya.

Nag-browse pa ako sa mga pictures niya pero sayang dahil wala man lang akong nakitang pic na naka-bikini siya or more than that sana. Sayang.

Nag-browse ako sa internet pagkatapos ay nangalikot ako ng mga folders. Tingnan ko ang search history at baka may mahanap ako.

Wala namang kahina-hinala bukod sa...

'Jeremy Jossom shirtless'.

Iyong artista at model na iyon? Sino kaya sa kanila ng bodyguard niya ang nag-search nito? Ayaw kong manghusga pero sabi niya ay iyong bodyguard niya ang madalas na gumagamit nito.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala pa rin akong mahanap. Nag-search na lang ako sa main window nang may folder na lumitaw sa mga suggested searches na talagang pumukaw ng atensyon ko.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon