[8] No More Lion Group

224 7 0
                                    

Amara's POV

Nasa labas na kami ng opisina ng direktor pero hindi pa rin ako handang pumasok sa loob. Kinakabahan ako dahil paniguradong nagsumbong na sa kaniya iyong magaling niyang anak.

"Julia, Marta, handa na ba iyong mga pang-blockmail natin sa kaniya?" tanong ko.

"Handa na," tugon nila.

Doon lang napanatag ang loob ko kaya pumasok na kami.

"Oh, kamusta, Mr. Jaime Castillo? Nakalimutan mo na bang may mga ebidensya pa rin ako ng kabet mo?"

"Amara, hinayaan kitang maghari-harian sa eskwelahan ko. Hinayaan kitang takutin ang mga estudyante at kahit mga teachers pati ang mga tao ko. Pero ang idamay ang anak ko, makakalaban mo na ako."

Nagulat ako sa naging tugon niya. Wala nang bakas ng panginginig. Mukhang talagang apektado siya.

Maya-maya lang, isa-isang pumasok ang mga miyembro ng lion gang ko. Nilakihan ko ng mata iyong lider nito nang sandaling pumasok siya.

At ang pinakahuling pumasok, si Dranreb na nang-aasar ang ngiti.

"Anong ginagawa niyo dito?" bulong ko.

"Isinumbong kami ng traydor na ito." Sabay turo sa isa nilang kasama.

"Pero tinakot niya lang ako," sagot niya sabay turo kay Dranreb.

"Dad, gusto kong i-expel mo silang lahat," request niya.

"Okay, son. We'll do that," tugon ng daddy niya.

"What?" sigaw ko. "Hindi mo pwedeng gawin ito sa akin, Mr. Jaime Castillo."

"Gagawin ko iyon dahil iyon ang dapat. Ikaw, gawin mo kung ano ang gusto mo. Wala na akong pakialam."

"Talaga lang ha," sagot ko sa kaniya.

"I can stop you in any form, in any way, or in my own ways. Hindi na ako natatakot sa'yo. You don't know what I can do. Pasalamat ka nga iyon lang ang ginawa ko. Baka naman gusto mong ikaw ang i-expel ko."

"Argh!" sigaw ko sabay layas sa harap nila. Tumigil ako sa harap ni Dranreb. Nginitian niya ulit ako ng nang-aasar.

"Hindi pa tayo tapos."

"Alam ko pero malapit na. Isipin mo lagas na ang lion group mo. Mamaya, magigigising ka na lang, wala ka nang grupo. At pag dumating iyong araw na iyon, wala akong ibang gagawin kundi tawanan ka."

Nilakihan ko siya ng mata at saka naglakad palabas kasunod ang dalawa kong alagad.

"Hindi! Hindi maari!" sigaw ko noong nasa labas na kami at malayo na sa opisina ng director. Nagdadabog pa ang mga paa't kamay ko. "Hindi ang isang tulad mo ang magpapabagsak sa akin!"

"Kumalma ka, Amara," saad ni Julia.

"Paano ako kakalma? Hindi na natatakot sa akin iyong direktor ng school na 'to. Mawawala na iyong lion group ko. Pagkatapos, iyong lalaking iyon, sinusubukan pa ako! Sabihin mo nga sa akin kung paano ako kakalma!" Hingal na hingal akong tumigil. "Bakit pa kasi siya bumalik dito? Ang tagal ko itong inangkin, ang tagal kong naging reyna dito, pagkatapos siya lang ang sisira. Hindi ako makapapayag! Hahanap ako ng paraan."

"Anong gagawin mo? Ipapa-bully mo na naman siya? Para ano? Para malagasan ka na naman ng isa pang grupo?" pagmamagaling na Marta.

Bigla akong nagkaroon ng ideya.

"Bakit ko pa kailangan gumamit ng ibang grupo kung pwede ko namang gamitin iyong nalagas na grupo ko? Buo pa rin naman sila. Natanggal lang sa eskwelahan na ito."

"Ano na naman bang binabalak mo?" tanong ni Julia.

"Chill ka lang. This time, wala na akong sabit dito."

Kinuha ko iyong phone ko sa bag na hawak niya at nagsimulang maghanap sa contact. Agad ko itong tinawagan nang sandaling mahanap ko.

"Hello?"

"Hello, ma'am," sagot ng lider ng lion group. "Ma'am, bakit niyo naman ho kami hinayaang matanggal? Saan na ho kami nito pupulutin? Akala ko ba kayo ang bahala sa amin."

"Pasensya na pero masyadong kasing pa-epal iyong Dranreb Castillo na iyon. Pero don't worry, because it's payback time. Makakagawa rin ako ng paraan para makabalik kayo. Magtiwala lang kayo sa 'kin at mag-antay."

"Talaga, ma'am? Please, gawan niyo agad ng paraan. Hindi ho namin pwedeng sabihin ito sa mga magulang namin. Hindi nila pwedeng malaman."

"Huwag kang mag-alala. May plano na ako."

"Ano ho ang plano niyo? Sabihin niyo sa amin ang kailangan naming gawin."

"Gusto kong tambangan niyo siya sa labas, iyong medyo malayo na sa school at hindi gaanong matao. Dito sa Mariano street ang daan niya panigurado. Tambangan ninyo at takutin na ibalik kayo sa school. Magandang idea, hindi ba?"

"Masusunod po, ma'am."

Ibinaba ko na ang phone at saka muling nag-evil laugh.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now