[34] Monster's Tears

174 4 0
                                    

Bumaba ako ng grounds para doon maghintay. Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang naglalakad papalapit.

"Ano bang gusto mo?" bungad niya.

"Ikaw. Ano bang problema mo? Bakit mo ko iniiwasan? Hindi ba dapat pinag-uusapan natin 'to?" Hinawakan ko siya sa kamay. "Dalawa tayo dito, hindi ba?"

Inalis niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak. "Dalawa tayo? Wala namang tayo, e."

"Anong sinasabi mo? You said that. You agreed na maging tayo."

Nanlaki ang mata ko sa bigla niyang pagngisi. "At naniwala ka naman? Ginawa ko lang iyon because it's part of the plan para matigil na ang pagrereyna-reynahan mo rito. Sa tingin mo talaga pwede kang magkaroon ng seryosong relasyon in a snap? Grow up, Amara. You're not a child anymore to believe in fairytales."

"Why are saying this to me now? Ano bang problema mo?"

Inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Gusto mong malaman kung ano ang problema ko?"

"Oo. Baka matulungan kita."

"Ikaw. Ikaw ang problema ko! You ruined my family!"

"Can you help me understand?"

"Huwag ka ngang umakto na akala mo inosente ka. Kasi nakakainis. Hindi bagay sa'yo. Kasi napakasama ng ugali mo! Halimaw ka!"

"Hindi totoo yan!"

"Hindi? Kung hindi, bakit ikinalat mo sa buong campus iyong picture ni Dad at ng kabit niya. Hindi mo ba naisip na baka hindi lang si Dad ang masira mo pati ang pamilya ko?"

"What do you mean? I already turned down that woman's post."

"And you think it helped? Bago mo pa ma-turn down iyon at ma-blockmail ang babae na iyon, my parents had a fight already. And guess what, my Mom left."

Nanginginig ako at hindi halos makasagot sa kaniya. Mali ako. Nagkamali ako sa ginawa ko n'un. Nagpadala ako sa emosyon ko. I know. But it was not my intention for it to happen. It was never my intention. I didn't think well.

Nagsalita na ulit siya before I even reply. "Oo nga pala. Nagtaka pa ako na maiisip mo 'yun. Halimaw nga, e. Ibig sabihin, walang pakialam kung may masisira, kung may masasaktan. You're heartless. You're selfish. You only think of yourself. And more importantly, you're a monster."

Aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa braso upang pigilan. "Dranreb, I'm sorry. Patawarin mo ako. I was wrong. Please. Magbabago na ako. Aayusin ko 'to. Please!"

Tinanggal niya ang kamay ko at nagpatuloy siya sa paglalakad. Gusto ko sana siyang habulin kaso parang biglang nanghina ang tuhod ko. Napaupo ako at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Biglang dumating sina Marta at Julia.

"It will all be fine, Amara. We'll bring you to Mang Kanor na lang, okay?"

"You need to rest," ani Marta.

Inalalayan nila ako hanggang sa kotse. Sumama sila sa akin hanggang sa bahay.

Hindi sila nagtatanong sa akin. Hinayaan lang nila akong umiyak. They saw what happened earlier. They saw how angry he was to me.

"Naghiwalay 'yung parents ni Dranreb dahil sa ginawa kong pagkalat ng pictures ng Dad niya at kabit nito. Ayaw na niya sa akin."

Hinaplos-haplos nila ako sa likod at niyakap.

"Ito lang kaya naming gawin para mapagaan loob mo," ani Julia.

"I'm sorry we weren't much of help."

Hinawakan ko ang mga kamay nilang dalawa na humahaplos sa akin. "You are. You both are. Iyong pag-stay niyo pa lang dito. Malaking bagay na."

"We'll stay with you, Amara," sabi ni Marta.

"Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi na magalit sa akin si Dranreb." Bigla kong naisip iyong mga files sa computer sa baba. "Alam ko na kung anong dapat kong gawin. Baka sakaling mabawasan ang galit niya dahil dito."

Tumayo ako at pumunta sa baba. Sumunod naman sila.

Pagkababa ko sa sala, agad kong binuksan iyong PC namin. Pinindot ko iyong folder na may pangalan na "Secret".

Ang folder na naglalaman ng mga sikreto na makakasira ng buhay ng mga tao na may pangalan dito.

"Buburahin mo na?" tanong ni Marta.

"Oo. Dapat nga matagal ko nang ginawa."

Hinawakan ako sa balikat ni Julia. "Tama 'yan. Makakatulong 'yan para mabawasan ang galit ni Dranreb."

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko bago ngumiti sa kanila. Pagkatapos ay cl-in-ick ko na ang delete button para sa folder na iyon.

Kinabukasan, pagpasok ko ng school, naisipan kong mag-washroom muna. Paglabas ko, nasalubong ko si Dranreb na naglalakad. Papasok na siguro siya ng room.

Nagkatinginan kami. Napahinto ako.

"Gusto ko lang sabihin na binura ko na lahat ng pictures na pang-blockmail ko sa mga tao doon sa PC namin. Pati recycle bin, na-clear up ko na."

Huminto siya para siguro'y pakinggan ng buo ang sasabihin ko. Pero kahit papaano'y nakalagpas na siya sa akin. Likod na niya ang nakaharap.

"Para saan pa? The damage has been done. Hindi na maibabalik ng pagbura mo sa mga litratong iyon si Mommy sa amin. Kaya nonsense na para sabihin mo sa akin ang mga bagay na iyan."

"Gusto ko lang sanang malaman mo na kaya kong magbago. Kaya kong i-sacrifice ang mga bagay na iyon para sa'yo."

"Para sakin?" Hinarap na niya ako. "Bakit apektado ba ako ng lahat ng tao na nandoon kung ilalabas mo 'yun? Alam mo kahit hindi mo naman iyon burahin. Kung totoong kaya mong mag-sacrifice, sana pinigilan mo iyong sarili mo na ilabas ang mga pictures ng nag-iisang tao na kabilang doon sa listahan mo na pakialam ako! Pero 'yun pa ang pinakahindi mo nagawa. Kaya, don't ever talk to me again. Kayong dalawa ni Daddy, hindi ko kayo mapapatawad kapag hindi na bumalik si Mommy sa amin."

Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi ko mapigilan na mapaluha sa mga sinabi niya kaya bumalik na lang ulit ako ng washroom. Hinugasan ko ang mata ko. Hindi ako lumabas doon hanggang sa maging okay ako.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now