[12] Seduction

186 8 0
                                    

Ngumiti siya sa akin sa kabila ng itinawag ko sa kaniya na para bang masaya pa siya na ganoon ang tingin ko sa kaniya.

“Hi pogi!” saad niyong Julia. Lumapit siya kay Kurt.

“Patay ka, tyong,” pang-aasar ko sa kaniya. “Mukhang type ka niya.”

“Ah, hi ganda,” pabalik na bati ni Kurt sa kaniya.

Bigla itong nagtititili. “Tinawag niya akong maganda. Akalain mo iyon. Ikaw tinawag kang halimaw,” pang-aasar niya sa lider nila.

"Tumigil ka nga. Para kang hindi nakakakita ng lalaki," saway ni Marta sa kaniya.

Tinitigan lang siya ni Amara at para na siyang makahiyang bigla na lamang tumupi.

"Sorry." Nag-peace sign pa si Julia.

Lumapit si Amara sa akin at hinawakan ako sa braso. Saglit siyang nag-stay sa ganoong posisyon. Mas lumapit pa siya.

“Alam mo pwede naman maayos itong lahat kung susunod ka lang sa gusto ko,” bulong niya sa tenga ko.

“No. No way! Hinding-hindi ako magpapaalipin sa’yo!”

“Manahimik ka! Hindi pa ako tapos!” salungat niya habang nanlalaki ang mga mata.

“Dude, oo nga, nakakatakot siya,” bulong ni Kurt.

“Sabi ko sa’yo halimaw yan,” sagot ko.

Hinawakan ako ni Amara sa mukha. “Hindi ka ba naakit sa akin? Itong gandang ito? Pamatay ito! Wala pang hindi naakit sa akin. Walang sino mang hindi maakit sa akin.”

“E sa hindi naman talaga ako naakit sa’yo. Kasi iyong pangit ng ugali mo, nagre-reflect sa mukha mo!”

Bigla siyang sumigaw at naghahahagis ng gamit.

“Talagang sinusubukan mo ako! Wala pang tumatanggi kay Amara Andres at hindi ako papayag na ikaw ang mauuna!” nangingigil ang mga panga niyang sabi.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

“Kung gusto mo talaga akong kalaban, pwes, hindi kita uurungan. Hihintayin ko na lang iyong araw na susuko ka at magmamakaawa ka sa akin. Maniwala ka, darating iyong araw na iyon,” dagdag pa niya.

"Asa ka pa." Inilibot ko ang mata ko sa mga alagad niya. "Sa lahat ng miyembro ng grupo na ito na sumasang-ayon sa offer na ginawa ko kanina, pakawalan niyo ako,” sigaw ko sa kanila.

Nagtinginan silang lahat.

"Anong offer?" Magkasalubong ang kilay na sabi ni Amara. Mababakas rin sa tinginan nina Marta at Julia na wala silang ideya o hindi nila narinig ang binaggit ko sa mga alagad ni Amara bago sila dumating.

Wala pang kahit isa ang kumikilos sa kanila. Maging ako ay kinakabahan na walang na-tempt sa offer ko at manatili ang loyalty nila sa Amara na ito. Sana kahit isa may bumaligtad. Maaring sa paraang iyon ay hindi katakot ang iba na bumaligtad rin.

Medyo nag-alangan sila pero laking gulat ni Amara nang lumipat sa likod ko ang ilan sa kanila.

Halos lahat sila’y sang-ayon sa gusto ko. Kaya ang ibang miyembro na hindi sang-ayon, wala nang nagawa kundi sumama na sa amin. Iniwan nila iyong tatlo na nakatayo sa harap namin.

"Anong ibig sabihin nito?" Halos maputol ang litid na sigaw ni Amara. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa inyo? Ito ang igaganti ninyo?"

"I'm sorry, Ms. Amara. Nagpapasalamat kami sa lahat ng ginawa niyo para sa amin. Pero importante sa'min ngayon ang makabalik sa eskwelahan na iyon para maipagpatuloy ang pag-aaral namin at hindi ma-dissapoint ang mga magulang namin."

"E kung i-expose ko kayo sa mga magulang ninyo? At i-expose ko ang mga ginawa ninyo sa loob ng eskwelahan na iyon para matanggal ang mga full scholarships ninyo?" Bakas sa mukha ni Amara ang labis na galit. "Kung hindi lang naman ninyo nabubuhat ang school sa larangan ng sports, I'm sure, hindi kayo kakailanganin ng eskwelahan na iyan. Mga hampaslupa!"

"Ms. Amara. Lahat ginawa namin para sa'yo. Oo, utang na loob namin kung bakit nabigyan ng napakalaking budget ang sports society at kaya ginamit mo kami. Ginamit mo ang utang na loob namin para gawin lahat ng gusto mo. Hanggang sa makontrol mo na ang buong eskwelahan. Pero hindi na kami papayag na pagsalitaan mo pa kami ng ganiyan," sagot ng isa pa sa kanila.

"Tama. Handa ka naming harapin. Anuman ang gawin mo sa'min. Pero sa tama na namin gusto kumampi," pagsali ng isa pa.

"Tama!" sigaw ng isa ulit sa kanila sabay tanggal ng ski mask. Nagsunuran silang lahat na gawin iyon.

"Pagsisisihan niyong lahat ito!"

Nagtaas-noo si Amara bago nag-walk out. Nagpatugtog pa ang isa sa dati niyang mga alagad para maging dramatic ang pag-alis ng dati nilang reyna.

"Itigil mo na nga iyan," saway sa kaniya ng isa sa kanila.

“Totoo bang pababalikin mo kami sa school?” tanong ng isa sa kanila.

“Totoo iyon. Loyalty lang ang kapalit at sisiguraduhin kong hindi mapapabagsak ni Amara ang sports society at hindi mawawala ang scholarship ninyo,” sagot ko sa kanila.

"Nako. Salamat po! Sa katunayan, karamihan sa amin ay hindi talaga kakayanin ang tuition ng eskwelahan na iyon. Ang iba naman sa'min ay sadyang malaki lang talaga ang utang na loob kay Ms. Amara." Siya iyong lalaking unang sumagot kay Amara na ayaw ma-dissapoint ang mga magulang nila. "Master, ako po si Mark, lider ng Lion Group. Nasa inyo na po ang loyalty ng grupo ko.”

“Ako naman po si Bon, lider ng wolf group. Nasa inyo na ang loyalty ng grupo ko.” At siya naman iyong nagsabing malaki ang utang na loob nila kay Amara pero hindi pumayag na pagsalitaan sila ng ganoon.

“Wow. Astig, dude! May grupo ka na,” pagbati ni Kurt. Tinapik niya pa ako sa balikat.

“Simula ngayon, kayong dalawang grupo, ang wolf at lion group ay sa akin na."

“Masusunod po, master Dranreb.” Nag-bow silang lahat.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon