[4] Instant Boyfriend

300 7 0
                                    

Kumapit ako sa braso niya at naglakad-lakad kami sa grounds.

Isang babae ang lumapit sa gilid namin at lumuhod. Naramdaman kong nagulat iyong bago kong boyfriend.

"Ms. Amara, please iba na lang po. Boyfriend ko po kasi siya," nagmamakaawa nitong sabi.

"Wala akong pakialam. Simula ngayon, break na kayo. Dahil kung hindi ka papayag, reregaluhan kita ng black cat slip. Gusto mo ba?"

"Please, Ms. Amara, hahanapan ko na lang po kayo ng iba."

"Anong akala mo sa akin, aso? Kung saan-saan lang pupulot ng jowa? Hoy! Hindi ako ganoon. May class ako, noh!"

Nilayasan na namin iyong babae dahil mukhang aagawan pa niya ako. Iyong haliparot na iyon.

Naku! Ang dami na talagang ahas sa mundo. Minsan luluhod pa sa harap mo.

Mabuti na lang at daig sila ng maganda. Kaso daig ang maganda ng malandi. Daig naman ang malandi ng mas malandi. Daig naman ang mas malandi ng pokpok. Pero lahat iyong talbog kay Amara! Ang modernong Maria Clara!

Nag-bell na. Pero dahil may bago na naman akong boyfriend, naisipan kong maggala muna kasama siya.

Pinalabas kami ng guard pero kami lang ang pwede. Naiwan sina Marta at Julia. Sumakay kami ng kotse at nagpunta kami ng bago kong boyfriend ng mall tapos kumain doon. Nag-picturan din kami sa picture booth to flex my new boyfriend.

Naglaro pa kami sa arcades at kung saan-saang shops nagpunta. Binilhan ko na lang rin siya ng damit at relo.

At nang magsawa na ako sa bago kong laruan, bumalik na kami ng school. Inaabangan lang ako nina Marta at Julia na bumalik sa may gate. Dumiretso kami sa classroom. Nasa loob na iyong guro pero chill lang kaming tatlo na pumasok.

"First day of class and yet you are late," sabi nito sa amin. Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa kaniya.

Mukhang hindi pa kami kilala ng teacher na ito. Ayaw ko sa lahat iyong pinapagalitan ako dahil walang gumagawa nito sa akin.

"Sa susunod, hindi ko na kayo tatanggapin sa klase ko. Mga irresponsable!"

Umupo kami sa harap at nakinig sa mga pinagsasabi niya. Pero hindi ko iyon naririnig dahil nagpapaplano na ako ng puwede kong gawin sa kaniya.

Hindi ko rin siya pinapakinggan sa lessons niya dahil math ang subject niya. Ang boring pa niya magturo.

Humanda siya sa akin.

Nang matapos iyong klase, agad kaming lumabas upang kausapin ang mga lider ng group ko. Nag-meeting kami sa garden sa likod ng school.

"Bakit hindi mo binigyan ng black slip?" tanong ni Sid, lider ng shark group.

"Hindi sapat iyon. Pakiramdam ko may koneksyon siya dito sa loob ng school. Kaya tulad ng mga ginagawa natin sa mga opisyal sa eskwelahan na ito, kailangan hanapan din natin siya ng butas."

"Wala ho ba siyang butas?" pabalang na tugon ni Mark, lider ng tiger group.

"Kamamyakan mo na naman pinapairal mo!" Binatukan ko siya. "Alam niyo na ang gagawin niyo. Sige na. Magsilayas na kayo sa harap ko. Ang babaho ninyo!"

"Tandaan, malapit ang bunganga sa ilong," pang-aasar ni Bon, lider ng wolf group.

"Gusto mo nito." Pinakitaan ko siya ng black slip.

"Tara na. Sabi sa inyo, e. Mainit ulo ni Madam." Pinangunahan ni Red, lider ng Ram group, ang pag-alis nila.

Nagtago kami sa gilid noong dumaan iyong teacher namin sa math. Hindi ko pa alam ang pangalan niya at wala na akong pakialam na alamin pa.

Pagkatapos ng naging trato niya sa akin.

Hinintay namin siyang makalagpas bago namin siya sinundan. Pagkalabas niya ng eskwelahan, sumakay siya ng taksi.

Agad kaming bumaba at dumiretso sa kotse na nag-aantay sa amin sa labas.

"Kuya driver, sundan mo iyon," utos ko sa drayber namin habang itinuturo ang taksi na kakaalis lang.

Tumigil ang taksi sa harap ng isang bahay na may green na gate. May isang bata na agad lumabas at niyakap iyong teacher na iyon.

May isang lalaki din, siguro ay asawa niya, na lumabas at niyakap siya.

"Oh! What a happy family! Pwe! Ang sakit niyo sa mata! Kuya driver, tara na nga. Umalis na tayo dito," sabi ko habang pinapanood namin sila mula sa loob ng kotse.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang lider ng shark gang.

"Hello. Alamin niyo lahat ng impormasyon tungkol sa teacher na iyon. Lahat. Birthday niya, kung kailan siya pinanganak, kung paano siya umutot at kung anong amoy."

"Okay po."

Pagkababa ko ng phone, nag-evil laugh ako. Biglang may utot.

"Ano ba 'yan, Julia," saad ko. "Salaula ka talaga."

"Hindi ako. Baka si Martha."

"Huh? Baka si kuya driver?"

"Hindi po ako, ma' am. Kauutot ko lang po kanina."

Bigla akong nagtulog-tulugan para hindi ako masisi.

Kinabukasan, habang nasa cafeteria kami sa loob ng school at nag-uusap, may narinig kaming mga bulong-bulungan.

Hindi namin marinig kaya pinalapit namin iyong isang babae.

"Anong mayroon at bakit parang ang ingay ng buong campus? Kanino pa may usap-usapan. Ano? May bago ba?"

"Hindi niyo pa po alam? Andito na kasi si Dranreb Castillo, iyong gwapong-gwapong anak ng may-ari ng eskwelahan!" Sabay tumili siya.

Pinasakan ko ng maliit na donut iyong bibig niya.

"Tumigil ka muna sa katitili. Tatanungin pa kita." Tumango naman siya habang nginunguya ang donut. Aba. Ang hampaslupa na ito'y feel na feel ang libreng donut na binili ko.

"Iyong anak ng may-ari ng eskwelahan? Hindi ba maganda naman iyong school na pinapasukan niya? Bakit naman siya lumipat dito?" tanong ni Marta.

"Nagkaroon daw kasi siya ng 89 na grade. Hindi ba't 90 dapat ang pinakamababa doon?"

Napatiginin ako sa malayo saglit.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now