[23] Secret Folder

167 7 0
                                    

Isang folder na may pangalang 'Secret'.Ang larong 'Seraphim' sana ang ise-search ko pero letrang S at E pa lang ay lumabas na ang folder na 'yun.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid. Mukhang busy naman ang lahat. Ginalaw ko ang mouse at dahan-dahan na cl-in-ick ang folder na iyon.

Nanginginig ang kamay ko dahil baka kapag binuksan ko ang folder na 'to ay biglang sumabog iyong PC nila. Pero hindi ako natakot, inalis ko ang daliri ko sa madiin na pag-click at inantay ang susunod na mangyayari.

Nang magbukas, nakita kong mayroon pang mga folder sa loob na may pangalan ng iba't-ibang tao.

Nag-browse ako at napasinghap nang makita ko ang pangalan ni Daddy. Tatawagin ko sana si Amara kaso naisip kong ako na lang kaya ang dumiskubre kung ano ang laman nito.

Pagkapindot ko ng folder na iyon, may mga pictures iyon na laman. Pagkatapos manlaki ng mata ko sa nakita ay napakapit ako ng mahigpit sa mouse. Pakiramdam ko'y parang bigla na lamang humiwalay ang puso ko sa dibdib ko.

Ito marahil ang mga litratong ginagamit niya para pang-blockmail sa mga tao.

Binuksan ko iyong printer nila. Sana hindi muna siya bumalik.

Agad akong nag-print ng ilan sa mga litratong nandoon. Halos ayaw kong hawakan ang mga litrato na iyon.

Ito na nga siguro ang sinasabi niyang hawak niyang alas kay Daddy. Kaya pala takot din si Daddy kay Amara. Alam niya na nagkaroon siya ng ibang babae. Hindi niya sinabi ito sa amin. Alam na kaya ito ni Mommy? Panigurado ang buong eskwelahan ay hindi pa alam ng lahat. Baka wala pang may alam.

Pero hindi ko matatanggap ito, kailangang kumprontahin ko si Daddy tungkol dito.

Binura ko iyong folder ni Daddy. Pagkatapos, pinatay ko iyong printer at PC nila. Kinuha ko ang mga litratong iyon bago lumabas ng bahay nila. Agad akong sumakay ng kotse at ginising ang nakatulog ko nang driver para makaalis na kami.

Binilang ko iyong na-print ko. Lima na lang. Parang natatandaan ko kanina'y anim ito. 'Di bale na nga. Baka kapag bumalik pa ako'y maabutan na niya ako. At saka, baka nagkamali lang talaga ako ng bilang.

Habang naglalakad papasok sa loob ng bahay, tinanong ko ang kasambahay namin na kumuha ng gamit ko. Hindi kasing gara ng bahay nina Amara ang bahay namin. Bungalow-type lang ito na may malawak na bakuran.

"Nandiyan na po ba si Daddy?" tanong ko.

"Andiyan na ho, sir."

"E si mommy?"

"Wala pa ho."

"Mabuti naman," buntong hininga ko.

Pumasok ako sa loob at ipinakita kay Daddy iyong mga hawak kong pictures. Naabutan ko siyang nagkakape sa kusina.

"Nakikipagyakapan. Nakikipag-holding hands. Nakikipagdate. At higit sa lahat, talagang hindi ko matanggap," Ibinagsak ko ang mga pictures na iyon sa mesa bago ipinagpatuloy ang sinabi, "nakikipaghalikan sa kaniya. Bakit Dad? Kulang pa ba talaga si mommy?"

"Binigay ba sa'yo ito ni Amara? Ginagawa niya ito para sirain tayo at hindi tayo magtagumpay na pabagsakin siya ng tuluyan."

"Maayos na kami ni Amara. At iyang mga litrato na iyan, nakuha ko sa isang folder sa computer niya."

"Dranreb, matagal na iyan. Nagbago na ako."

"Pero Dad kasi... Kahit matagal na, hindi ko matanggap. Umabot ka sa puntong kaya mo siyang halikan, ang hirap isipin kung paano mo 'yun kinaya. Ano pa? Ano pa ang nangyari sa inyo?"

"Dranreb, huwag na natin itong halungkatin. I'm sure natutuwa si Amara na nangyayari sa atin ito ngayon."

"Please, Dad! Huwag mo na siyang gamiting dahilan. Alam ba ito ni Mommy?" Matagal siya bago sumagot pero iling lang ang naging reply niya. "Hindi na kita tatanungin pa pero kapag hindi mo ito sasabihin sa kaniya ngayon, ako ang magsasabi sa kaniya. Deserve niyang malaman ito."

"Hindi ka ba natatakot na masira ang pamilya natin?"

Tinalikuran ko siya ng slight. "Ikaw ba, Dad? Hindi ka natakot nu'n noong ginawa mo iyan? Deserve ni Mommy na malaman ito. At mas kaya ko pang mabuhay na sira ang pamilya natin kaysa mabuhay sa kasinungalingan mo."

"Hihingi ako ng tawad. Pangako aayusin ko ito."

Dire-diretso lang ang lakad ko palabas habang sinasabi niya iyon.

Pumunta ako sa lugar kung saan ako lagi pumupunta para makalimot. Dala ang isang bote ng light lang na alak. Iyong driver ko ang pinabili ko kasi hindi pa talaga ako pagbebentahan nito.

Walang espesyal sa lugar na ito para sa ibang tao. Simpleng damuhan lang. Tahimik. Hindi alam ng karamihan sa mga tao. Kitang-kita pa ang mga bituin dito at perfect mag-stargazing. Dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa at makapag-isip. Naupo ako sa may damuhan.

Tahimik kong pinagmamasdan ang langit at mga bituin habang umiinom ng light na alak. Bukas lang din wala na itong nararamdaman ko. Palagi naman akong ganoon. Isang araw lang. Isang tahimik na araw lang. Nakabantay naman sa hindi kalayuan ang driver ko.

Bigla akong may narinig na naglalakad sa damuhan. Pinakinggan ko iyong yabag niya. Hindi siya tunog ng paa ng isang mabangis na hayop o ng kahit anong hayop.

Tunog siya ng yabag ng isang tao.

Sa pagkakaalam ko, si Kurt lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Hindi ko talaga sinasabi ito kahit kanino para hindi ako masundan. At saka kapagka nandito ako, pinapatay ko iyong phone ko para walang istorbo. Pero kamalas-malasan ko, noong minsang bigla akong nawala at naghanap sila, nakita ako ni Kurt dito kaya alam na niya. Siya lang naman din kasi ang alam ng driver ko na mapagkakatiwalaan ko at hopeless ako noong time na iyon.

Humarap ako sa kung sino man ang taong iyon. Panigurado si Kurt ito.

Nang makita ko siya, nagulat ako dahil hindi ito si Kurt.

Beauty and Her Beastsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن