[24] Dranreb's Comfort Place

160 5 0
                                    

Amara's POV


Binabantayan ko iyong cookies na malapit nang maluto nang maisipan kong silipin ulit si Dranreb my labas. Kaso, wala na siya sa kinauupuan niya kanina.

Lumabas ako para hanapin siya pero hindi ko na siya nakita. Nakapatay na iyong computer.

Umalis na siya. Hindi man lang nagpaalam. Siguro'y kakausapin ko na lang siya bukas. Sayang naman itong cookies na b-in-ake ko para sa kaniya. Pabalik na ako ng kusina nang may masipa akong papel sa sahig.

Pinulot ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ko ito.

Ang picture ni Mr. Jaime Castillo kasama ang babae niya. Siguro ay nakita ito ni Dranreb at pr-in-int niya kaya siya umalis nang hindi nagpapaalam.

Kailangan ko siyang puntahan sa kanila para maipaliwanag ang lahat.

Pumunta ako sa kusina dali-dali para hubarin ang suot kong apron at gloves.

"Manag puring!" pagtawag ko sa mayordoma na katulong ko kaninang mag-bake. Lumabas siya mula sa banyo.

"Yes, bebe?"

"Pasabi kay Mang Kanor na pahanda ng kotse at may pupuntahan ako. Tapos kayo na ang bahalang magligpit dito ni Manang Ditas."

"E paano itong cookies?"

"Paki-ref na lang muna. May kailangan lang akong puntahan."

"Sige. Mag-ingat ka at gabi na. Magdala ka na rin ng isang bodyguard."

Tumango ako at nagpalit ng damit sa kwarto sa taas. Pagbaba ko, nakahanda na ang kotse at nasa manibela na si Mang Kanor kaya pinuntahan na namin ang bahay nina Dranreb.

Tinawagan ko si Julia.

"Hello?" bungad niya pagkasagot ng tawag.

"Hello, Julia. Si Amara ito."

"The number you have dialed is not yet in service. Please try again next year," saad niya pero alam kong siya naman iyon dahil walang ka-accent accent. Ginaya niya pa pati ang end tone ng telepono kahit cellphone naman panigurado ang gamit niya.

"If the number being dialed won't answer the phone. The phone will explode."

"Uy, Amara, ikaw pala iyan. Hindi ka naman kasi nagsasalita. Musta na?"

"Kasama mo ba si Kurt?"

Hindi agad siya nakasagot. "Oo, bakit?"

"Pakausap naman."

Nag-usap pa sila bago sinagot ni Kurt iyong phone. Hindi ko masyadong maintindihan pero rinig ko.

"Hello, Amara? Bakit?"

"Alam mo ba kung nasaan si Dranreb ngayon."

"Kausap ko si tito at pinapapuntahan niya rin sa akin ngayon. Paalis na ako. Baka nasa tambayan na naman niya siya."

"Ah, huwag ka na pumunta. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yun. Ako na ang pupunta."

"Hmm. Matanong ko lang, bakit mo nga pala siya hinahanap? Ano na naman balak mo?"

"Mamaya ko na lang ikukuwento. Wala akong masamang balak. I swear. Magtiwala ka. Kung hindi mo pa alam o hindi pa niya nasasabi, kami na."

"Talaga? Hindi pa niya nasasabi." Bakas sa pagkakasabi niya ang pagkagulat. "Sige. Ise-send ko sa'yo 'yung location."

"Salamat."

"Oh, wow. Marunong ka pala magpasalamat."

"Of course."

Ibinaba ko na ang tawag at ni-locate ang ibinigay na location ni Kurt.

"Mang Kanor, dito na lang pala tayo pupunta. Wala siya sa bahay nila," sabi ko habang ipinapakita ang location na iyon sa phone ko. Nakita ko ang kotse niya na nakaparada at tumabi roon ang kotse namin. Nakatayo sa labas ang driver niya.

"Ms. Amara? Ano hong ginagawa niyo rito?" tanong niya sa akin.

"Pwede ko ba siyang makausap."

"Sige lang ho. Sabihin niyo na lang, hindi ko kayo napigilan kaya nakalapit kayo."

"Sige. No problem."

Natanaw ko si Dranreb na nakaupo sa damuhan at may iniinom na kung ano. Alak ba 'yun? Umiinom siya. Hindi niya siguro matanggap iyong nakita niya. Kailangan ko nang ipaliwanag sa kaniya ang lahat.

Unti-unti akong naglakad papunta sa direksyon niya. Napalingon siya nang siguro'y marinig ang mga yabag ko.

"Amara? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Dranreb, iyong picture na iyon matagal na iyon. Pero kas—"

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag," pagputol niya sa sinasabi ko. "Hindi mo naman kasalanan na nakuhaan mo sila ng ganoong litrato. At saka, sorry din dahil nangialam ako ng computer mo."

"Okay lang 'yun. No problem. Word of the day ko, no problem." Natawa ako ng kaunti.

"Halika nga dito. Tabihan mo ko."

"Dranreb naman, e. Huwag dito!" Napa-stamp pa ako ng feet pagkasabi n' un.

"Grabe ka, Amara. Hindi ko akalaing ganiyan ang iniisip mo sa akin."

"Nagbibiro lang! Sige, tatabihan na kita diyan."

Naupo ako sa tabi niya tulad ng sabi ko.

Bigla niya akong hinila at niyakap.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon