[9] Trap The Monster in the Elevator

195 7 0
                                    

Dranreb's POV


Pagkalabas ng mga mokong na grupo ng Amara na iyon, humarap ako kay Dad at lumapit.

"Ah, Dad, maraming salamat nga po pala," bulong ko. Nahihiya kasi ako sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Ngayon, may mabuti siyang nagawa kaya nahihiya ako.

Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko at masayang-masayang sinabi, "Walang anuman. From now on, babawi ako sa'yo."

Napangiti niya rin ako sa sinabi niya. Maya-maya, biglang tumunog iyong telepono ko. Tumatawag iyong kasabwat ko sa lion group ng babaeng halimaw. I mean, Amara.

"Dad, excuse lang ho. I have to take this call."

Lumabas ako at doon sinagot ang tawag.

"Hello, Alvin? Napatawag ka?"

"Sir, may pinaplano na naman ho si Ma'am Amara."

"Ano 'yun?"

"Balak niya pong patambangan kayo sa Mariano street. Kaya kung ako sa inyo, huwag ho kayong dadaan doon ngayong gabi."

"Okay, salamat. Makukuha mo rin ang bayad mo sa akin bukas. Pagpatuloy mo lang ang pag-eespiya mo riyan."

Binabaan ko na siya. Pumasok ulit ako sa opisina ni Daddy.

"Ah, Dad. When you go home, please take an alternative way. Sabi kasi ng friend ko, mayroon daw carnapper around Mariano street. Hindi pa sila nahuhuli ng pulis at binabalak pa lang. So for the mean time, sa iba ka muna dumaan."

"Okay, son, maraming salamat dahil nasabihan mo ako."

Ngumiti ang daddy niya at yumuko na ulit sa mga pinipirmahan nito.

"Ah, Dad."

"Yes, anak?"

"Okay lang po ba ilipat niyo ako sa section kung nasaan si Amara?"

"Why? Hindi ba't na--"

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"I think that's the only way para magkabati kami."

"Sure ka?" Ngumiti lang ako at tumango. Nagbuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Okay, ikaw bahala. Basta kapag may ginawa sa'yo ulit sa'yo si Amara, sabihin mo lang and expect an immediate action from me."

"Salamat po, Dad."

"Okay, sige. Magpapa-print lang ako ng schedule ng section niya. Pagnakuha ko na iyon at naibigay sa'yo, pwede ka nang umakyat sa susunod nilang klase.

Habang nag-aantay, naglaro muna ako sa phone ko para hindi ako ma-bored. Ilang sandali pa ang lumipas, isang babae ang dumating na may dalang papel.

"Sir, ito na po iyong pinapa-print niyo," sabi niya.

"Pakikuha na lang, anak. Salamat." Ngumiti at tumango siya sa babae bago ito lumabas ng opisina niya.

Agad kong tiningnan ang iniabot sa aking papel kung nasaan ang schedule ng klase ni Amara. Isang klase na lang ang natitira bago matapos ang araw niya rito sa school. Nasa left wing, fourth floor ang classroom. Nagpaalam na ako kay Dad kahit may sampung minuto pa na natitira.

"Akyat na po ako sa klase ko. Mag-ingat ka po umuwi. Huwag ka munang dadaan sa Mariano street."

"Sige. Ingat ka rin mamaya pag-uwi."

Lumabas na ako ng opisina niya at naglakad papunta sa susunod kong klase. Naririnig kong nag-uusap ang mga estudyante sa likod ko pagkatapos ko silang lagpasan. Pinipigil nila ang mga sarili nilang kiligin.

Nakapagtataka lang dahil kanina ay halos harangan nila ang buong daan ko. Pero ngayon, parang takot na silang lumapit sa akin at kahit pagtili'y pigil pa.

Alam ko na. Pinagbawalan siguro ng Amara na iyon ang mga estudyanteng ito dahil gusto niya akong ma-solo. Halimaw talaga ang ugali ng babaeng iyon

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makita kong tumatabi ang mga estudyante sa daan. At nang malinis iyong daan, nakita kong dumadating iyong Amara na naman na iyon kasama pa ang dalawa niyang kampon.

Humingi siya ng tissue sa babaeng nasa kanan niya. Nag-smirk siya ng makita ako at itinapon sa akin iyong tissue na ginamit niya.

Tumigil sila sa harap ng elevator ng building sa left wing. Paakyat na sila. Lumapit ako doon. Nilakihan lang niya ng mata iyong nasa loob ng elevator tapos nataranta na ang dalawang taong nandoon na lumabas.

Pagpasok ni halimaw, siningitan at tinulak ko iyong dalawa niyang kampon para matumba. Pumasok ako sa loob at agad na pinindot ang close door button. Hindi ko inalis ang daliri ko roon. Naiwan iyong dalawa niyang alagad sa labas. Pinindot ko ang fifth floor button nang umandar na pataas ang elevator.

"Anong ginagawa mo?"

Humarap ako kay Amara. Halos lumuwa ang mata niyang nakatingin sa akin.

"Buksan mo ito at baba ako!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Bakit mo ba ako ipinasok dito ng kasama ka. Nahihibang ka na ba? Sumagot ka!"

Hinampas niya pa ako pero hindi pa rin ako nagsalita. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakahawak ako sa baba ko at tumatango-tango.

"Anong binabalak mo! Pagsisisihan mo 'to!"

Naririnig ko sa kaniyang paghinga ang kaba na nararamdaman niya. Sobra siyang kinakabahan sure ako.

Biglang bumukas iyong elevator. Nasa fifth floor na pala kami. Hinila ko siya sa labas at kinorner sa dingding.

"Hindi ko kailanman pagsisisihan ito."

Hindi ko isinara ang elevator upang walang makagamit.

"Wala ng tao sa fifth floor. At kahit anong gusto kong gawin sa'yo, pwedeng-pwede!" dagdag ko sa sinabi.

Babae pa rin pala itong halimaw na ito. Akala ko kasi hindi siya natatakot o wala siyang kinatatakutan.

Matapang lang naman siya kasi alam niyang may kasama siya. Alam niyang may grupo na magtatanggol sa kaniya. Pero ngayon, wala, kaya bakas na bakas sa hitsura niya ang sobrang takot.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig. Ipinatong ko ito sa dibdib ko.

Unti-unti kong idinikit ang mukha ko sa tainga niya para bumulong. Hinahabol niya ang hininga niya sa takot.

"Hindi ba ito naman ang gusto mo? Hindi ba gusto mo akong angkinin? Gawin mo na, Amara. Ito na ang pagkakataon mo."

May nakita akong mga paparating na lalaki mula sa hagdan. Hinintay kong makalapit sila upang matandaan ko ang iba sa kanila.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon