[27] The Other Girlfriend

148 5 0
                                    

Kinaumagahan. Nakaupo lang ako sa sala habang naghihintay sa pagdating ni Dranreb. Susunduin niya raw kasi ako papasok ng school. Iyon ang sabi niya kahapon. Nakaayos na ako kaya ang pagdating na lang niya ang hinihintay ko.

Maya-maya lang, narinig ko na ang boses niya. Tinatanong siguro sa mga maids kung nasaan ako. Dumating na siya. Nag-ayos ako ng buhok at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin kung maayos pa ba ang itsura ko. Kailangan lagi akong maganda sa paningin niya.

"Good morning, beautiful."

"Good morning, Dranreb."

"Let's go?"

Tumango ako.

Inalalayan niya ako pasakay sa kotse niya.

"Siya nga pala, tungkol sa mga pictures ni Dad sa PC mo, sinabihan ko siyang kailangan na iyon ni Mommy na malaman. Itinago niya kasi iyon sa amin. Nagkausap na sila kagabi."

"Kamusta? Anong sabi? Anong nangyari?"

Napabuntong-hininga muna siya. "Syempre nagalit si Mommy. Inaway niya si Daddy. Naiintindihan ko kasi normal na reaksyon lang naman iyon. Umalis siya ng bahay."

"Huh? Paano ka na? Paano na 'yung family mo?"

"Sinuyo naman agad siya ni Dad. Sinundo niya at sumama naman pauwi."

Napa-exhale na lang ako. "Mabuti naman kung ganoon."

"Ang sabi na lang ni Mommy, bigyan lang daw siya muna ng time para maka-recover doon sa nalaman niya. Si Dad naman nangako na gagawin niya lahat para makuha ulit ang loob ni Mommy."

"Baka nga kaunting time lang ang kailangan ng Mommy at magkakaayos din sila. Sana."

"Sana nga. Sana."

Hinawakan ko siya sa kamay. "Let's hope for the best. Malakas ang pakiramdam kong mas matindi pa rin ang love nila sa isa't-isa."

Hinigpitan niya ang hawak pabalik sa kamay ko at nag-half smile.

Maya-maya, nakarating na kami ng school. Hanggang sa pagbaba ng kotse, inalalayan niya ako. Tumatabi sila lahat sa daanan namin habang papasok kami ng gate.

Wala ng masyadong nagulat. Siguro dahil kumalat na rin ang balita.

Iba pala pakiramdam kapag siya na ang kasama kong naglalakad sa gitna ng maraming tao. At iba pala ang pakiramdam kapag respeto na ang dahilan nila kaya sila tumatabi at hindi na dahil sa takot sila o tinatakot sila.

Pagpasok sa loob, dumiretso kami sa canteen para kumain muna.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.

"Parehas na lang sa gusto mong kainin."

Nagtataka siyang tumingin. "Bakit ayaw mong mamili ng sarili mo na lang? Paano kung hindi mo magustuhan iyong pipiliin ko?"

"May tiwala naman ako sa taste mo."

"Buttered chicken ako. Yun na lang din sa'yo?"

"Oo. Favorite ko 'yun. Sabi ko naman sa'yo, may tiwala ako sa taste mo. Lalo na 'yung taste mo sa babae. Panalo 'yun."

"Sus." Pinirat niya pa ang ilong ko.

"Huwag baka bumalik sa dati." Natawa naman siya. "Joke. Baka maniwala 'yung iba na niretoke iyan."

Napatawa ako ng malakas dahilan para may ilan na mapatingin sa akin.

"Sige na. Bibili na ako."

"Dranreb, wait lang." Paalis pa lang siya nang tinawag ko.

"Ano 'yun?"

"Mami-miss kita. Joke lang." Nag-peace sign pa ako.

Nakangiti siyang umiling sabay naglakad na upang bumili.

Habang papunta sa bilihan, may isang babaeng biglang lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Dranreb, tama nga at nandito ka," sabi ng babae.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko kilala ang babaeng iyon. Mukhang bago lang siya dito.

Gusto ko sana siyang sugurin dahil hindi niya ata kilala ang binabangga niya. Pero noong nakita kong hinalikan niya si Dranreb, bigla nanghina ang tuhod ko.

Wala akong ibang choice kundi ang umalis. Nakita niya akong paalis kaya siguro hinabol niya ako.

"Amara, sandali lang." Hinila niya ako at iniharap sa kaniya.

Biglang dumating iyong babaeng bigla na lang yumakap at humalik sa kaniya kanina.

"Siya si Clarisse. Siya iyong girlfriend ko sa dati kong school pero kasi--"

Nakataas iyong kilay ng Clarisse habang pinapakilala siya.

Sinampal ko si Dranreb. "Alam mong may girlfriend ka pa pero hinayaan mong maging girlfriend mo din ako! Akala ko pa naman iba ka sa kanila. Pinaglalaruan mo lang din pala ako!"

Tumakbo ako palayo sa kanila. Tinawagan ko iyong driver ko para makauwi na. Walang humpay ang mga luha ko sa pagdaloy sa pisngi ko.

"Ma'am, ano pong problema?"

"Please, mag-drive ka na lang. Huwag mo na akong pansinin."

Pagdating ko sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko at iniyak lahat doon. Wala akong masandalan sa ganitong mga pagkakataon. Ang nag-iisang tao na akala ko'y hindi ako iiwan, siya pa lang magiging dahilan para maramdaman kong mag-isa na naman ako.

Tinawagan ko si Marta at Julia at pinapunta sila sa bahay.

Pagdating nila, sa kanila ko na inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Niloko niya ko. May girlfriend pa pala siya pero ginawa niya rin akong girlfriend. Hindi ko alam kung papaano ipaliwanag pero isa lang malinaw ngayon. Manloloko siya," saad ko.

"Narinig mo na ba iyong explanation niya?" tanong ni Marta.

"Ano pa bang sasabihin niya, nahuli ko na siya?" sagot ko. "Saka umamin na rin siya."

"Sana pinakinggan mo pa rin," sabi naman ni Julia.

"Hahanap lang iyon ng paraan para makalusot siya sa kalokohang ginawa niya. Humanda siya dahil gaganti ako."

"Amara, ano na naman ang gagawin mo?" tanong ni Marta.

"Please, Amara, pag-isipan mo itong mabuti. Huwag kang basta padalos-dalos."

"Ibabalik ko sa kaniya iyong sakit. Triple pa."

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon