[37] Come Back

302 5 0
                                    

Dranreb's POV


Nasa baba ako at dinidiligan ang mga plants namin sa loob ng bahay nang biglang tumunog ang doorbell. Tumakbo ang isa naming maids para puntahan ang tao na iyon sa gate.

Baka pumunta si Amara? Ano kayang kailangan niya?

Maya-maya lang, bumukas ulit ang pinto pero hindi ang maid namin ang nakita ko na pumasok. Kundi, isang tao na hindi ko inaasahan pero matagal ko nang hinihiling na bumalik.

"Mom!" Hindi ko na nabitawan ang spray bottle na gamit ko pandilig sa mga halaman dahil sa pagmamadali na lapitan at yakapin siya. "Dad, bumalik na si Mommy!"

Mabilis na bumaba ng hagdan si Dad. Natigilan siya halfway nang makita si Mommy.

"Sheryl?" ang tangi lang niyang nasabi.

"I came back for my son. But it doesn't mean, I already forgive you."

"I understand. Basta mag-stay ka lang dito kahit para kay Dranreb na lang."

Hinawakan ako ni Mommy. "Do you want me to stay in your room or in the guest room?"

"Anywhere, Mom. This is stilk your house anyway."

Binitiwan na niya ako. "I'll stay na lang in the guest room. Ang laki-laki na ng baby ko. People at your age needs some privacy na rin."

Saglit niyang tinapunan ng tingin si Dad. Pagkatapos, umakyat na siya sa taas. Sinundan ko naman siya. Nilagpasan niya ang nakatigil pa rin doon na si Dad. Habang ako, tumigil naman sa harap niya para sabihing,

"Ayos lang 'yan. Makukuha mo rin siya ulit. Huwag mo lang siyang susukuan at huwag ka lang magsasawa na suyuin siya.

"Don' t worry, anak. Gagawin ko ang lahat para mabawi siya ulit," tugon niya.

"Just tell me if you need me or you want me to do anything for her. I'll be here. I'll support you. Perhaps, pareho naman nating gusto na mag-stay siya. So, why not help each other."

Tinapik ako ni Dad sa balikat. "Thank you. You've always give me hope."

Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso na ring umakyat sa taas.

Kinabukasan. Pagpasok ko ng school. Agad kong hinanap si Amara.
Umakyat ako sa room pero wala pa siya. Nag-antay ako pero medyo napaaga ata ako ng dating. Thirthy minutes pa bago ang first class namin.

Bumaba na lang ako sa mga benches malapit sa gate para abangan siya na pumasok. Dito, sigurado akong malalaman ko agad kapag dumating na siya. Hindi kasi ako mapakali. Patayo-tayo at medyo palakad-lakad. Hindi ko na kasi mapigilang ikwento sa kaniya ang nangyari. Sobrang saya ko. At, alam kong magiging masaya rin siya sa ibabalita kong ito.

Tatawagan ko na sana siya nang may biglang tumawag sa akin.

"Dranreb!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Tumatakbo siya papalapit sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at agad ko siyang niyakap. Kalahating segundo rin kaming nasa magkayakap na posisyon. Ayaw ko kasi siyang bitiwan.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" pagtataka niya.

"Bakit ba kasi antagal mo?" Kumalas ako mula sa pagkakayakap.

"Tagal? Ang aga-aga pa nga. Saka ganitong oras talaga ako pumapasok. Bakit late na ba ako? O kanina ka pa rito?"

"Kanina pa ako naghihintay."

Naupo ako. Tumabi naman siya sa akin.

"Bakit mo naman ako hinihintay?"

"May maganda kasi akong balita sa'yo," tugon ko. Nahawa siya sa mga ngiti ko na malapad.

"Mhkhang good news iyan base sa ngiti mo."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Amara, bumalik na si Mommy."

"Talaga?"

"Oo. Kahapon lang. Grabe 'yung saya ko."

Natuwa rin siya at bigla niya akong niyakap. Kumalas rin siya agad mula sa pagkakayakap.

"Ay sorry. Medyo natuwa lang. Mabuti naman at nagkabalikan na sila."

"Okay lang. Para namang hindi pa tayo nagyakap kanina."

Napakamlt siya ng ulo. "Oo nga pala. Pero sobrang saya! Bumalik na siya!"

Hinawakan niya ako at aambahan na halikan ako dahil siguro sa sobrang tuwa na nararamdaman din niya. Natawa na lang ako dahil hindi naman niya itinuloy at humingi ulit ng sorry.

"Pero tingin mo, Amara, hindi kaya senyales ito?"

"Senyales na alin?" Kumunot ang noo niya.

Hinawakan ko siya sa kamay. "Senyales na dapat magkabalikan na tayo."

Bigla siyang bumitaw.

"Bakit? Anong problema, Amara?"

"Hindi ba't hindi totoo 'yung namagitan sa atin dati? Gusto ko sana magsimula tayo roon sa totoo na."

Napayuko ako. "Honestly, nasabi ko lang naman 'yun kasi galit ako. Pero ang totoo, may naramdaman talaga ako sa'yo. From the first time I saw you. just thought desperate ka kaya hindi ko itinuloy na magkagusto sa' yo. Isa pa, magkaaway tayo. Aaminin ko, it all started as part of a plan pero totoong minahal kita. Totoong napamahal ako sa'yo."

"I hope, you're serious."

"I am. I swear."

"Fine.Pero ayaw ko nang maging easy girl. Gusto ko nang maramdaman ang pakiramdam ng nililigawan."

"Okay. Pwede ba kitang ligawan, Ms. Amara Andres?"

"Hmmm." Napahimas pa siya sa baba niya. "Pag-iisipan ko."

"Parang hindi ako pinilit dati na maging boyfriend, ah."

"Grabe ka ha. Tsaka dati 'yun. Iba na ngayon. Maria Clara na ako ngayon. Dalagang pilipina."

"So, ayaw mong ligawan kita?" Hindi siya agad sumagot. "Okay, sige. Iba na nga lang liligawan ko."

"Wala akong sinabi na ayaw kong ligawan mo ko! Kelan ka ba mag-iistart?"

"Ngayon na."

"Okay!"

Napangiti kaming pareho at saglit na natihimik.

"Pwede na po ba kitang ihatid sa classroom?"

"Hala! Late na tayo!" Bigla siyang tumakbo. Hinabol ko naman siya.

"Tulungan na kita sa gamit mo!"

"Hindi na, Dranreb. Kaya ko na 'to!"

"Para nga mabilis ka makaakyat ng hagdan."

"Okay. Catch!"

Hinagis niya 'yung bag niya. Mabuti na lang talaga at alerto ako kayanasalo ko kahit pa hindi ko iyon inasahan. Nakakatuwa talaga itong babae na 'to.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now