[30] Amara's Parents

155 5 0
                                    

Pagpasok namin sa loob, natigilan siya sa paglalakad nang makita niya na nandoon pa si Dad.

"Oh, didn't expect you're still here," ani Mom.

"I asked her to stay Mom," ako na ang sumagot.

"Mabuti pa kumain na ako. I won't stay long. I have a meeting scheduled an hour from now. You know, how busy I am, Amara."

Naglakad siya para mag-occupy ng seat malayo kay Dad. Nasa isang long table lang naman kami. Ang ibang table occupied ng mga naging birthday staff ko.

"And I want to ask you to stay too."

Natigilan siya. Hindi pa siya nakakaupo. "Pero, baby girl, you know how busy I—"

"Mom. Pumayag si Dad. I hope I could get the same answer from you. Can't you do what he can? Isang araw lang ang hinihingi ko."

Naupo muna siya bago sumagot. "Okay fine. I'll stay too."

Inutusan ni Mom ang mga maids na paghandaan siya ng makakain. Tumabi naman ako kina Julia at Marta. Para somehow parehong malapit at malayo ang distansya ko sa parents ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Julia. Siguro napansin niya ang nakabusangot kong mukha.

"Wala pa rin kasi si Dranreb. Sayang 'yung pagkakataon na napapayag ko pa ang mga magulang ko na mag-stay. Mamaya pipilitin na nila akong makaalis sila. Baka hindi ko siya maipakilala."

"Subukan mo kayang tawagan. Baka  may nangyaring masama na sa kaniya," suhestiyon ni Marta.

"Sabay-sabay bang darating yung mga boyfriends niyo at si Dranreb?" tanong ko.

"Si Kurt nagpaalam na sa akin. May emergency raw."

"Si Alvin naman. May lagnat kaya hindi makakapunta."

Kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong tawagan si Dranreb. Nag-ring ang phone pero walang sumasagot.

Sinubukan ko sa ikalawang paglakataon. Nag-ring dalawang beses ngunit pinatay niya rin ang tawag.

"Anong nangyari?" tanong ni Marta.

"Pinatay niya yung tawag."

"Baka may ginagawa o nangyari. Subukan mo ulit," sabi naman ni Julia.

Sinunod ko ang payo ni Marta pero pinatay ulit ang tawag. At sa huling try ko, hindi na matawagan ang telepono niya.

"Baka na-realize niya na hindi niya talaga ako gusto. O baka niloloko at pinapaasa niya lang talaga ako."

"Huwag ka mag-isip ng ganiyan, Amara. Baka may rason siya."

"Oo, Amara. Tama si Julia. Baka may rason siya."

"E paano kung wala? Kasi sinabi ko na sa kaniya ang tungkol dito. Impossibleng hindi niya alam. Pakiramdam ko. Umiiwas siya."

Biglang lumapit sa akin si Mom.

"Alis na ako. Mala-late na ako sa meeting."

"Ah, ako rin, sweetheart. Kailangan ko nang bumalik."

Humalik sila isa-isa bago sila hindi sabay na naglakad palabas ng pinto. Malapit na sila sa pinto nang bigla akong sumigaw. Natigilan sila. Tumakbo sila pabalik para lapitan ako.
 
"Are you okay?" tanong ni Mom kasi nauna siyang makabalik. "What happened?"

"Do you think I'm okay, Mom?" tugon ko. "Sa lahat ng mga anak niyo, ako ang una niyong naging anak. But why do I feel like I'm always at the back seat? Bakit pakiramdam ko nasa hulihan ako palagi ng listahan ng mga priorities niyo? Minsan lang ako humiling sa inyo. Minsan lang ako makiusap. Kahit kalahating oras, you can't even stay in this house with each other! Ganoon ba ako kahirap pagbigyan para kahit kalahating oras lang, tiisin niyong makita ang isa't-isa?

"Hindi pa ba enough ang mga binigay namin sa'yo para masabing hindi ka huli sa prioridad namin?" sagot ni Dad. "I spent hundred thousands to buy all those gift. And 'yung sustento namin sa'yo, was it not enough? You could even buy people with it."

"Ito ba ang sinasabi niyong binigay ninyo sa akin?" Lumapit ako sa mga regalong ibinigay nila at hinawakan ang isa sa mga iyon. "Pwes. Hindi iyan ang kailangan ko!"

Pinagbabato ko ito.

"Amara, enough!" sigaw ni Mom.

"Kayo. Kayo ang kailangan ko! You're giving me things that I don't need. But the things that I said I need, you can't even give it to me. Ang simple-simple lang n'un. Hindi na nga ako nagrereklamo sa tuwing may mga special occasions na bukod sa ibang araw na natin isini-celebrate ay magkaibang oras o araw pa kayong dumadating. I am always the one to adjust but it is not a big deal for me. Pero 'yung sandaling oras na hindi naman kakainin ang buong araw niyo, hindi niyo man lang maibigay sa akin. Minsan na nga lang kayo magpapakita ganito pa ang gagawin niyo. Kung hindi niyo na kayang maging mag-asawa, sana maging magulang naman kayo sa akin."

Naglakad ako papunta ng hagdan.

"Amara," narinig ko pang tawag ni Mom habang umaakyat ako ng hagdan. Hindi ko na siya pinansin. Pumasok ako ng kwarto ko at doon ako nagkulong. I cried everything there. They ruined my birthday. As always. They make me sad on my birthday. They never fail. They always did.

Bigla ko tuloy naaala iyong eight birthday ko. That was the last time na buo ang family namin. We went to Disneyland in Singapore. Sobrang saya ko n'un. I didn't expect na may kapalit pala talaga kapag naging sobra kang saya. How I wish na hindi na lang kami pumunta ng Disneyland noong time na 'yun. How I wish I didn't have to be that happy during that time. How I wish it was just a simple birthday na lang sana. Baka buo pa rin kami hanggang ngayon.

Kinabukasan. Papasok ako ng school nang makita ko si Dranreb. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Alam kong naririnig niya ko pero hindi siya tumitigil sa paglalakad para kausapin ako.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now