[13] The Last Group

167 5 0
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Alvin.

“Hello, sir?”

“Hello, Alvin. Pwede ka nang bumalik sa school bukas pero bilang isa sa mga kaalyado ko.”

“Talaga po? Naku! Maraming salamat po!”

“Sabihan mo 'yong mga miyembro ng shark group. Kung gusto nilang makabalik sa school, kailangan lang nilang kumampi sa akin.”

“Masusunod po, sir.”

Pagkatapos, ibinaba ko na iyong cellphone.

Sa tingin ko’y sapat na ang maiipon kong tao para kalabanin ang natitirang grupo ni Amara sa loob ng campus. Iisa na lang iyon — ang Ram group. Kapag nagkataon pa na kumampi sa akin ang Shark group, mapipilitan ang grupo na iyon na sumuko na lang panigurado.

Kinabukasan, habang naglalakad kami sa hallway ni Kurt, nakita namin iyong halimaw at dalawang alagad niya kausap iyong math teacher namin, si Ms. Dina Ver Giene.

"Kilala ko iyon, ah?" saad ko.

"Sino? Si halimaw? Kilalang-kilala mo talaga."

"Tara. Sundan natin."

"Kung ipahamak ka na naman niyan. Baka mamaya, hindi ka na makatakas ulit."

"Tara na."

Nauna na ako kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod. Nagtago kami sa gilid at palihim silang sinundan. Pumasok sila sa isang room na walang ibang tao kundi sila lang. Nagtago kami sa gilid para mapakinggan ang usapan nila at para hindi rin nila kami makita.

Nag-abot ng isang envelope iyong isang alagad ni Amara na si Marta kay Ms. Dina.

Hindi ko iyon makita kaya napilitan kaming medyo lumabas para matanaw ang mga pictures na iyon. Napasinghap kami pareho nang makita namin ang mga naka-print sa mga papel na iyon.

Mga pictures nila ng principal na magkasama. Inililipat niya iyong mga papel. Parang isang video na ini-stop-stop ang pagkakakuha ng mga litrato at bawat detalye ay naka-print sa mga papel na iyon. Simula magkaharap silang dalawa hanggang sa magkayakap na sila.

"Siguro naman sapat na ang mga iyan para tigilan mo na ang pagpapansin sa akin."

"Paanong?" Nanginginig si Ms. Dina kaya nabitawan niya ang mga litrato.

Nagtago kaming muli ni Kurt sa gilid para hindi kami mahuli. Nagtinginan kaming dalawa at parehong napailing. Parehong hindi akalaing ginagawa iyon ni Ms. Dina at ng principal at ganoon ang ginagawa ni Amara para hawakan sa leeg ang mga tao sa eskwelahan na pag-aari nila.

"Hindi mo nga talaga ako kilala, Ms. Dina Ver Giene. Iyon dapat ang naging number one assignment mo bilang guro. Dapat kinilala mo ako."

"Walang hiya ka."

"Oopps. Careful ka sa mga salita mo. Baka gusto mong dagdagan ko pa iyan. Mabait ako, Ms. Dina. Ayaw ko lang may kumakalaban sa akin. Gusto mo bang ilabas ko iyan sa pamilya mo?"

"Please. Huwag! Nakikiusap ako." Lumuhod siya sa harap ni halimaw.

"Iyon naman pala, e. Then, sumunod ka."

Naglakad na palabas ng room na iyon sina Amara kaya tumakbo kami ni Kurt para makalayo roon at makapagtago. Hindi na namin sila nasundan pagkatapos niyon.

"Grabe pala talaga iyong babae na iyon."

"Sabi ko sa'yo, halimaw talaga 'yun," pagsang-ayon ko kay Kurt.

Nasa grounds kami nang muli naming makita sila Amara. Nasa paligid ko lang ang mga bago kong grupo na nalikom ko. Nakakalat sila pero madami sila. Alam ni Amara kung gaano sila karama. Lalo pa ngayon na napapayag na rin namin ang Shark group na sumama sa amin. Sa katunayan, nakapasok na rin nga sila ngayong araw dahil agad silang nagkumpirmang aanib nang malaman ang kondisyon na kaya kong ibigay sa kanila. Hindi nila iyon matatanggihan.

Tumigil si Amara sa harap namin. May inabot sa kaniya si Julia. Maya-maya pa, hinagisan kami ni Amara ng black slip.

"Mas mautak pa rin ako sa'yo," saad niya bago tuluyang naglakad palayo.

Maya-maya, may mga lalaking nakatakip ng itim na mask ang lumitaw palibot ng campus. May mga dala silang basket na puno ng itlog.

Noong magbabadya na silang magbato, pumalibot na humarang sa amin ni Kurt iyong mga bago kong grupo. Nakayuko kaming nagtago sa likod nila.

"Ano Dranreb Castillo? Pumapayag ka na ba sa gusto ko?" narinig kong sabi ni Amara. Nakamikropono siya.

"Hindi!" Pasigaw kong tugon.

Sumunod na naramdaman kong sumirit sa amin ay isang malakas na tubig na galing panigurado sa mga hose.

Lumapit sa amin si Alvin na basang-basa na. "Sir, anong gagawin natin ngayon?"

"Talagang hindi tayo titigilan ng Amara na iyan."

Nang marinig kong may mga pumipito, doon lang tumigil ang pagbabasa sa amin.

Nang sumilip ako, wala na iyong mga lalaking naka-mask at ang mga guwardiya ay nagtatakbuhan. Marahil ay hinahabol na ang mga walang hiya.

Alam ko naman na hindi nila iyon mahuhuli dahil maliliksing kumilos ang mga iyon.

"Kailangan kong umisip ng paraan para matalo siya. Ang lakas niya ay ang mga taong nagpapaalipin sa kaniya. Kaya kung tatanggalin natin ang mga taong iyon, paniguradong babagsak siya."

"Hindi ba't tatlong grupo na ang nakuha mo mula sa kaniya?" tanong ni Kurt.

"Nawala na ang tatlo niyang grupo. Isa na lang ang natitira sa kaniya pero mukhang mahihirapan tayo na kunin sila."

"Bakit naman?" tanong ko kay Alvin.

Agad naman siyang sumagot muli. "Dahil ang pinakapinuno ng mga grupo ay ang Ram group. At sa pagkakaalam ko, ito rin ang unang grupo niya kaya mukhang iba ang loyalty ng grupo na iyon sa kaniya."

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon