[14] The Plan

159 8 0
                                    

Saglit akong naglakad-lakad ng kaunti para mag-isip. "Kung tatanggalin kaya natin iyong dalawang alalay niya? Malaki ang tiyansa na manghina siya kapag doon natin siya inatake. Tingin mo?"

"Paano mo naman iyon gagawin?" tanong ni Kurt.

"Dalawang babae ang kasama niya. Ano ba ang kahinaan ng isang babae? Pag-ibig, hindi ba?" tanong ko sa kanila. "Kaya, iyon ang gagawin natin."

"Pag-ibig?" pagtataka ni Kurt. "Hindi ba Watsons?"

"Sa totoo lang," biglang sabi ni Alvin. "May past na kami ni Marta."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Magaling! Kung ganoon, kailangan mo na lang siya suyuin ulit. Ano bang nangyari kaya nag-break kayo?"

"Ano pa ba? E'di si Amara. Takot kasi siya roon."

"Ngayon oras na para bawiin mo naman ang ipinagkait sa'yo ni Amara. Oras na para singilin mo ang kinuha niya sa'yo. Win her back. Win her again. At ikaw naman, Kurt. Take advantage sa pagkabaliw ni Julia sa'yo. Panigurado, kung magagawa niyo iyon ng maayos, magtatagumpay tayo."

"Sige, insan, ako nang bahala kay Julia. Type ko rin naman talaga siya. Ako nang bahalang magpalayo sa kaniya sa halimaw na iyon."

"Salamat, insan!"

Tinapik ko siya sa balikat.

Nakangiti ako ng malapad. Mukhang malaki ang tiyansa na magtagumpay ito. May advantage na kami sa parehong babae na iyon.

"Siya nga pala, kung makukuha natin iyong dalawa. Malaki ang tiyansa na malaman natin iyong mga miyembro ng ram group," dagdag ko.

"Mukhang malaki nga ang magiging advantage kung sakaling makuha natin iyong dalawa," pagsang-ayon ni Kurt.

"Pero kung gagawin natin iyon, sir, kinakailangan natin ng mga impormasyon nila Marta at Julia. Halimbawa, kung saan sila nakatira para mapuntahan namin sila," suhestiyon ni Alvin. "Kasi sa totoo lang, hindi  ko rin alam dahil saglit lang rin ang naging tagong relasyon namin dahil nabuko rin agad kami ni Amara."

"Tama. Tama," pagsang-ayon naman sa kaniya ni Kurt.

"Sige. Lahat iyon kukuhain natin. So as soon as possible, dapat makuha na natin iyong dalawa dahil paniguradong hindi tayo titigilan ni Amara."

Naglakad kami papunta sa opisina ni Dad at kinuha ang lahat ng impormasyong ng dalawa na pwede naming makuha.

Mukhang umiinit na ang bakbakan. Sisiguraduhin kong babagsak ka rin Amara.

Inabot kami ng ilang oras na kumukuha lang ng impormasyon tungkol sa dalawa. Kailangan kasi naming maging handa. Bumili muna ako ng kape para sa dalawa. Pagbalik ko, naririnig ko na ang printer na tumutunog.

"Kape muna kayo," saad ko pagbalik ng opisina ni Daddy. Inilapag ko ang mga iyon sa mesa at kumuha ng isa.

"Uy, thank you, sir," ani Alvin.

"Thank you, insan. Inuulit ko lang i-print ito para may kopya kayo."

"Good. Bigay ko lang ito kay Dad."

Pinasok ko sa pinakakwarto ng opisina niya si Daddy bitbit ang kapeng binili ko para sa kaniya. Dahan-dahan lang ang pagpasok ko dahil makapal ang patong-patol na papel na nasa mesa niya. Binabasa niya iyon at pinipirmahan.

Alam niya ang ginagawa namin pero hinahayaan niya kami dahil naniniwala siyang tama naman ang ginagawa namin kahit sa medyo maruming paraan. Kahit papaano gumaan ang loob ko dahil sinusupportahan niya kami.

"Kape ka muna, Dad."

"Salamat, anak. Lagay mo na lang muna dyan. Pasensya na. Marami lang kailangan tapusin pa."

"No problem." Ngumiti ako sa kaniya.

"Kamusta pala ang ginagawa ninyo? Do you need help?"

"We're fine, Dad. Nakita ko nagpri-print na si Kurt so baka tapos na rin."

Tumango-tango siya. "Sige. Mauna ka na rin muna umuwi. I really just have to finish this."

"It's okay, Dad. Sapat na for now iyong hinahayaan niyo kaming gawin ito kahit pwedeng ma-drag ang pangalan mo if malaman nila ito."

"Anything for you, my son."

Ngumiti na ako at hindi na siya inistorbo pa sa trabaho na kailangan niya pa tapusin.

"Ano, kamusta?" tanong ko pagbalik ko sa dalawa.

"Okay na. Na-print ko na. Ito nga pala." Inabutan niya kami ng tig-apat na page ng papel. "Makikita niyo dyan ang tig-dalawang page ng mga information na nakalap natin kina Julia at Marta.

"Ito na ba lahat iyon?"

"Mga information nila dito sa school, sa family nila at mga ilang information na nakuha natin sa mga social media accounts nila."

Ini-scan ko ang papel na iniabot niya para mabilis na basahin ang mga impormasyon.

"Tamang-tama dahil nakatira si Julia sa subdivision kung saan nakatira ang isa sa mga tita ko. Mahusay, hindi ba?"

"Napakahusay. Kung ganoon, hindi ka pala mahihirapan na makakapasok doon sa subdivision na iyon."

"Tama. Ang mga magulang niya ay mga biglang yaman dahil nanalo sa lotto at naging matalino lang sa paghawak ng pera. Ang kailangan ko na lang gawin ay makumbinsi sila na kami ni Julia. Sa ganoon, hahayaan nila akong dalawin siya at mapaibig siya."

"Wala ka talagang kupas, insan." Tinapik ko siya sa balikat. "Makakabawi rin ako sa'yo."

Nagtaas siya ng palad sa harap ko. "Oops, no need. Gusto ko rin itong gawin, insan. Hindi mo ko kailangan bayaran."

"Ako sa totoo lang, gusto ko rin ito. Kaya kahit hindi mo na ako bayaran. Sapat na 'yung full scholarship na ibinigay niyo sa akin. Alam kong balimbing ako dahil tinalikuran ko si Ms. Amara para sa inyo pero ito, willing talaga akong gawin ito para mabawi si Marta."

"Naiintindihan kita, Alvin. You are merely surviving. Pero ito alam ko, deserve mo naman ng full scholarship dahil kahit papaano kumampi ka pa rin sa alam mong tama. Hindi katulad ng ram group na napakahirap buwagin."

"Mabubuwag rin natin sila, sir. Magtatagumpay tayo sa plano natin."

"Sana nga." Tumango-tango ako. "Sana nga para matapos na ang pagrereyna-reynahan niya rito."

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now