[31] Dranreb's Reason

173 5 0
                                    

Dranreb's POV


Naglalakad ako sa hallway papasok sa classroom nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mabosesan ko siya.

Binilisan ko ang paglalakad ko nang magpatuloy siya sa pagtawag. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa harap ko. Wala akong nagawa kundi ang harapin siya.

Ayaw ko sana siyang kausapin dahil baka masabi ko lang na sinadya ko talagang hindi pumunta sa birthday niya. Pinaasa ko lang siyang pupunta ako.

"Bakit hindi ka naka-attend ng birthday ko?"

At dahil sa tanong niyang iyon, bigla ko na naman tuloy naalala iyong mga nangyari bago niya ako yayaing pumunta sa birthday niya hanggang sa araw na ito.

"Bukas, birthday ko. Punta ka sa bahay," Naalala ko pang sinabi niya sa akin noon bago kami pumasok ng classroom.

Tinanggap ko ang iniabot niyang invitation. "Oo, pupunta ako."

Uwian na n'un nang yayain ako ni Dad na sabay nang umuwi sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagsimulang mag-browse sa mga social media accounts ko. Pero habang nagba-browse, isang mainit na balita ang agad kong nasagap. Isang post ang viral ngayon sa social media.

Tungkol ito sa ginawa ni Amara noong nakaraan sa school. Tungkol ito sa kabet ni Dad. Hindi na effective ang pagbawi ni Amara sa ginawa niya dahil ang babae mismo na naging kabit ni Dad ang naglabas ng patunay.

Ang sabi ni Pamela Cruz sa post niya:

Mahirap kang kalabanin dahil sa impluwensya mo. Pero ngayon na isang babaeng may impluwensya na rin ang nag-post ng mga nakaw nating sandali, gagamitin ko na ang pagkakataong ito para patotohanan ang sinasabi niya. Opo, hindi edited ang mga pictures na iyon. Marahil ay binawi lang ni Amara Andres ang nagawa niya kaya nagbayad siya ng graphic artist na pwedeng umamin sa pagsiwalat niya ng katotohanan na gusto na niyang bawiin. Pero heto. Ipo-post ko ang mga patunay na nagkaroon kami ng relasyon.

May mga pictures at screenshot ng conversations nila na naka-attach sa post.

Hindi na ako magtataka kung pagdating ng bahay ay mag-aaway na naman ang mga magulang ko. Malaki ang tiyansa na alam na ni Mom ang tungkol dito. Malaki ang tiyansa na masira ang pamilya ko dahil sa ginawa ni Amara. Hindi siya nag-iisip sa possibleng kahinatnan ng ginawa niya. Sa akin siya galit pero bakit kailangan idamay niya si Daddy?

"Dad, nakita mo na ba?" saad ko. Ipinakita ko sa kaniya ang post.

Napakapit siya sa ulo at napatanaw siya sa bintana pagkatapos mabasa at makita iyon.

"Hindi pa nga ako napapatawad ng mommy mo, may ganiyan na naman," aniya.

"Bakit gusto kang idiin ng Pamela Cruz na ito? Akala ko ba isang beses lang? Ano itong mga pictures, Dad? Gaano katagal naging kayo? Bakit kailangan magsinungaling ka sa amin?"

"Obviously, she wants me to marry her. She's after our wealth. I thought it was just a playful affair for her. It was for me. Hindi ko alam na ambisyosa pala siya. How will I fix it now?"

"Dad, fix it! Harapin mo si Mom! Ginawa mo ito kaya panindigan at pagbayaran mo."

"Paano kung hindi niya matatanggap?"

"Would you just let our family fall apart?"

"I'll try."

Nang makarating ng bahay, halos hindi makahakbang papasok ng pinto si Daddy. He saw Mom waiting on the sofa like she already knew it. Her facial expression were sturdy.

"Dranreb, your Dad and I needs to talk. Pwede bang doon ka muna sa room mo at huwag kang mangialam?"

Sinunod ko na lang si Mom at ibinigay ang buong tiwala ko kay Dad na magagawan niya ito ng paraan. Naniniwala akong maayos niya ito. I can't keep my eyes off them hanggang makaakyat ako sa taas. They waited for the door to bang as I close it before sila nagbangayan.

Sa pag-aantay na tawagin nila akong bumaba para kumain, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako umaga na. Lumabas ako ng kwarto. At pagbaba ko, tulog si Dad sa sofa at maraming bote ng alak ang nakapaligid sa kaniya.

Umakyat ako ng kwarto para tingnan kung nandoon pa ang mga gamit ni Mom. At napaupo ako sa sahig nang makitang wala na.

Bumaba ako at dali-daling ginising si Dad.

Nang maalimpungatan, agad ko siyang sinabihan. "Bakit mo siya hinayaang umalis? Dad, bakit?"

Bumangon siya at naghanap mula sa mga nakakalat na alak ng may laman pa. Uminom muna siya bago sumagot.

"Ano ba! Enough!" dagdag ko sa sinabi. Inagaw ko ang hawak niyang bote.

He started crying.

"Hindi niya matanggap. Ayaw niyang makinig sa paliwanag ko. Hanggang sa napagdesisyunan niyang umalis na lang, hindi ko na siya mapigilan tutal kasalanan ko rin naman. I can't do anything. I am the only one to blame. I'm sorry."

I started crying too. "It is all your fault!"

"I know, son. I know."

Dad began to hug me but I tried to resist. "Bakit mo hinayaang masira ang pamilya natin?"

"I'm sorry, Dranreb."

"Kasalanan mo lahat ng 'to! Hindi kita mapapatawad kapag hindi na bumalik si Mom dito! Hindi kita mapapatawad!" Nasusuntok-suntok ko na siya kaya napapiglas na siya sa pagyakap sa akin.

I glared at him before a swiftly climbed back the stairs. Nagkulong ako sa kwarto ko.

"I hate him!" Nasuntok ko pa ang pader.

Bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Kurt. Agad ko itong sinagot.

"Pre, nabalitaan ko na 'yung nangyari. You want to talk? I'll buy you any drinks you want."

"Sige. Magkita tayo."

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon