[29] Seventeenth Birthday

146 5 0
                                    

Amara's POV


Ilang days bago ang birthday ko, tinanggap ni Dranreb ang invitation ko nang i-abot ko 'yun sa school. Ayos na rin kami at nakikipag-usap na siya sa akin paunti-unti. Naiintindihan ko naman. I'm happy na hindi ko na kailangan pang mamroblema kung makaka-attend siya because he surely will.

Tomorrow's my seventeenth birthday. Dalawang tao na lang ang pino-problema ko kung makaka-attend.

Tinawagan ko sina Mommy at Daddy na pumunta dito bukas. Sinagot naman nila agad ang phone call ko. Una si Mommy then next si Daddy. Pareho naman silang nag-confirm na makakapunta.

Mukhang magiging masaya iyong birthday ko. Siguro pagkakataon na rin ito para ipakilala ko si Dranreb sa kanila.

Kinabukasan, ang saya-saya ko. Ang ganda ng gising ko. Ang aliwalas ng sinag ng araw na tumama sa bintana ko. Bumangon ako at nasilip na naghahanda na sila sa may garden.

Tumulong na rin ako sa pagdedecorate tutal gustong-gusto kong maging perfect talaga ang birthday ko.

"Ako na diyan, manang Ditas," saad ko sabay kuha ng puting tela na ilalagay bilang pambalot sa mga mesa.

"Sigurado ka, ma'am? Dapat nasa kwarto mo na lang ikaw nagpapahinga at nagpapaganda."

"Manang, hindi ko na kailangan magpaganda. Baka mawalan na ng career ang mga artista."

Natawa siya at hinayaan na lang ako. Ibang bagay na lang ang inasikaso niya.

Simple lang ang ayos dahil intimate lang din naman ang magiging birthday ko. May mga iilang mesa na may bulaklak at candles. Actually, more on flowers and candles ang dekorasyon ng birthday ko hindi lang sa mesa nakakalat kundi sa paligid. Kaya abala sa flower arrangements ang mga maids na dinidiktahan o tinutulungan ng mga na-hire kong florist.

Pagkatapos tumulong sa baba, umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at maghanda. Dumating naman sa oras ang na-hire kong make-up artist at nagsimula kami agad matapos kong maligo. Pagkatapos, bumaba na siya at nagbihis na ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa whole body mirror namin. Nakasuot ako ng pink na floral dress na may konti pa-see through lalo sa balikat at legs.

Kailangan maganda ako kasi dadating si Dranreb. Pero hindi lang din naman ito para sa kaniya, kailangan ko din paghandaan ang pagdating ng parents ko. Last time kasi na pumunta sila dito noong bago pa magpasko. Hindi pa magkasabay na pumunta. Magkaibang araw.

Mabuti na lang at dadalawin ulit nila ako.

Nakatanggap ako ng text kay Daddy.

"Anong oras pupunta ang mommy mo?" sabi niya sa text.

Kagabi, natanggap ko na ang parehong tanong kay Mommy. At dahil hindi ko pa alam ang isasagot kay Mommy, nagdesisyon siyang gabi na lang pumunta.

Nireplyan ko naman si Daddy.

"Gabi na siya pupunta."

Tulad ng inaasahan ko, magkaibang oras na naman sila pupunta katulad din ng mga nagdaang birthday ko. Pero ayos na rin ito, ang mahalaga a-attend sila at hindi na magkaibang araw tulad noong nakaraan.

Maya-maya, bumaba na rin ako pagkatapos.

Naunang dumating sina Julia at Marta.

"Happy birthday, Amara." Pareho nilang sabi bago nag-abot ng regalo. Niyakap nila ako at nakipag-beso.

"Sobrang ganda mo," ani Marta.

"Actually, iyon din ang sasabihin ko. Naunanhan lang ako nito," sambit ni Julia.

Ngumiti ako at sinabing, "Thanks sa pag-remind."

Nang makarinig naman ako ng busina ng kotse, alam kong si Daddy na iyon. Kotse niya iyon. Tumakbo ako palabas ng pinto para salubungin siya.

Pinalabas niya sa mga guards mula sa kotse niya ang mga regalo niya bago lumapit sa akin para saglit na yakapin ako.

"Happy birthday, sweetheart."

"Salamat po, Dad. Tara po. Maraming pagkain doon sa garden baka gutom na kayo," alok ko.

"Sana naman nag-rent ka ng sosyal na venue. Bakit naman sa garden mo i-cecelebrate ang birthday mo?"

"Ano ka ba, Dad, ayos lang."

"Kumain ka na ba?" tanong niya habang sinusundan niya ako papuntang garden.

"Hindi pa."

"You should eat too. Sabayan mo na ako."

"Tara. Marta at Julia, sumabay na kayo." Kumumpas ako ng kamay para tawagin sila kahit nakasunod naman sila sa amin.

Pinagsilbihan kami ng mga maids ng pagkain bago kami sabay-sabay na kumain.

"Nga pala, anong oras darating ang mommy mo?" Bigla niyang naitanong. "Wala kasing oras. Ang sabi mo lang, gabi. Mamaya magkasabay pa kami rito."

Ayaw niya talagang nagkikita sila.

"Mga 6pm daw, Dad," saad ko.

Tumingin siya sa wrist watch na suot niya.

"I need to go, Amara. Marami pa pala akong kailangang tapusin sa office."

"Pero, Dad, kararating mo lang."

"I'm really sorry, sweetheart." Tumayo na siya sa upuan niya. He barely touches his food.

Hinawakan ko siya sa braso. "Dad, please, kahit ngayong birthday ko lang. Please stay?"

"Pero—"

"Dad, please." Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya.

"Okay. Okay fine. I'll stay."

"Yay! Thank you." Niyakap ko siya.

Habang nakayakap sa kaniya, may narinig akong sunod na bumusina. Inaasahan ko nang darating si Mom ng oras na ito. Pero biglang pumasok sa isipan ko na si Dranreb ang dumating. Kaso nagsabi naman siya na medyo mala-late. Napatakbo ako papunta sa pinto kung tama ba ang kutob kong napaaga si Dranreb o si Mom ang napaaga ng dating.

Hindi pa man siya nakakalabas ng kotse ay alam ko nang si Mom iyon. Kilala ko ang kotse niya.

At tulad ni Dad, ipinabuhat niya rin ang sandamakmak na regalo na dala niya.

Nakatayo lang ako habang naglalakad siya papalapit sa akin. Ngumiti siya habang nakatingin ako sa kanya.

Hinalikan niya ko sa pisngi bago binati. "Happy birthday, baby girl."

"Thank you, Mom. Have you eat?" sagot ko.

"Actually, I haven't eat since morning."

"You must be really hungry. Come join us."

Pagpasok namin sa loob, natigilan siya sa paglalakad nang makita niya na nandoon pa si Dad.

Beauty and Her BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon