[21] Pretend Boyfriend

153 5 0
                                    

"Amara, sandali lang," sabi ko. Tumakbo ako para harangan ang daanan niya.

"Ano na naman ngayon? Anong kailangan mo?"

Nagkamot ako ng ulo. "Naisip ko lang. Ayaw ko na kasing makipag-away pa sa'yo. Gusto kong itigil na natin ang alitan natin. Gusto ko sanang magbati na tayo."

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?" Nanlilisik ang mga mata niyang sabi.

"Naalala ko lang. Hindi ba dati gusto mong maging tayo?"

"O ano naman ngayon?"

"Baka ang pagpayag ko sa gusto mo na iyon ang maging sagot para tumigil ka na sa pag-atake sa mga teachers at staff ng school na ito."

Bigla siyang nahiyang tumingin sa akin. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Payag na ako, Amara. Sinasagot na kita."

"A-ano?" Nanlalaki nag mga mata niyang tumingin.

"Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang maging tayo. Simula una, simula pagdating ko rito, ito na ang gusto mong mangyari. Ito na. Pumapayag na ako."

"B-bakit ka naman biglang nagdesisyon niyan?"

Napakamot ulit ako ng ulo. "Iyon na nga. Tulad ng sabi ko, gusto ko nang matigil iyong gulo sa pagitan natin. Kung ito lang ang paraan para mapatigil na kita dahil sa totoo lang, wala na akong ibang alam na paraan, handa akong gawin."

"Ayoko nang napipilitan ka lang."

"Hindi. Hindi ako napipilitan. Ang totoo niyan, nagagandahan talaga ako sa'yo. Well, lahat naman nagagandahan sa'yo."

Napahawi siya ng buhok at napakagat ng labi. Mukhang nadadala na siya sa mga salita ko. Hindi ko alam na ganito pala ako kagaling.

"Seryoso ka ba diyan?"

"Totoo. Walang halong biro."

Nag-isip siya saglit. Ngunit sa pag-aakala kong papayag na siya, bigla siyang umalis sa harap ko.

"Kapag naabutan mo ako, tayo na."

Bigla siyang tumakbo palayo ng mabagal. Kaunting kalabit lang pala ay bibigay na siya. Hindi ko akalain na ganoon siya kadaling mauto. Taliwas sa inaasahan kong mahihirapan akong suyuin siya.

Takbo siya nang takbo habang pasunod pa lang ako sa kaniya nang bumangga siya sa grupo ng kababaihan na pasalubong sa daan niya.

"Aba! Tingnan mo nga naman kung sinong nasa harap natin ngayon," sabi ng isa sa kanila.

"Bakit? Na-starstruck ka ba sa ganda ko?" sagot niya nang sandaling maabutan ko sila.

"Aba! Tingnan mo ang isang ito. Ang kapal ng mukha. Mayaman ka lang ka lang kaya bata ka pa lang naretoke ka na."

"Excuse me! Hindi nireretoke ang bata. Bobita."

"Hoy! Ang yabang mo kanina. Binato mo pa ako ng itlog," sabi ng isa pa sa kanila. "Kala mo papalampasin ko 'yun bruha ka!"

Bigla siyang sinabunutan ng babae na iyon hanggang sa tumulong na ang mga kasama nito na sabunutan rin siya.

Agad akong pumito para tawagin ang atensyon ng grupo ko.

"Pigilan niyo ang mga babaing iyan sa pagsabunot sa kaniya. Dalian ninyo."

Halos ayaw nilang papigil. Wala pa naman masyadong nakapaligid na mga alagad ko. Gigil na gigil sila kaya lumapit na ako para tulungan ang umiiyak nang si Amara. Iniwan nila siyang nakahandusay sa sahig. Tumigil lang sila nang lumapit na ako at ako na mismo ang nagtulak at nag-alis ng mga kamay nila.

"Simula ngayon, wala nang pwedeng manakit sa girlfriend ko!" sigaw ko. "Dalhin ang mga iyan sa guidance!"

Sari-sari ang mga sinabi ng mga babaeng iyon pero iisa lang ang reaksyon. Gulat.

"A-ano?"

"G-girlfriend?"

"Kailan mo pa naging girlfriend iyan? Seryoso ka?"

"Hindi ako makapaniwala."

Inialis na sila sa harap namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Amara na nakaupo na sa sahig. Tinulungan ko siyang makatayo sa pag-offer ng kamay ko na buhatin siya patayo. Tinulungan ko rin siyang ayusin ang buhok niya. Mabuti na lang at nakahiram ang isa sa mga alaga ko ng suklay na ginamit ko sa buhok niya para mas mabilis na maayos.

"Salamat." I glance at her dahil hindi ko ineexpect na sabihin niya iyon sa akin. Knowing her. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusuklay. "Ngayon lang may nagligtas sa akin na hindi ko inuutusan o binabayaran."

"Wala iyon. Ganoon naman talaga ang mga boyfriend, hindi ba? Pinoprotektahan ang mga girlfriend nila."

"Ibig sabihin, official na nga."

I bob my head as a confirmation. "Mabuti pa, ihatid na rin kita sa bahay niyo para ma-ensure ko na safe ka hanggang sa pag-uwi mo."

"Salamat. Ang bait mo."

"Mabait na boyfriend para sa'yo."

Ginantihan ko ang ngiti niya habang naglalakad kami papunta sa kotse ko. Naupo kami pareho sa backseat. Siya na ang nagturo ng direksyon sa driver ko papunta sa kanila.

Dalawang gate ang dinaanan para marating ang mansyon nila. Una ay ang gate ng subdivision. Pangalawa ay ang gate ng mismong bahay nila. Masasabi kong hindi nga talaga rin biro ang yaman ng babaeng ito. Pinagbubuksan pa siya ng malalaking pinto sa pagdating niya. Dalawang maids ang agad na bumuntot sa kaniya. Bukod pa iyon sa maid na kumuha ng bag niya. Iniwan ko na lang kasi ang bag ko sa kotse na itinabing i-park sa lima nilang kotse.

"Halika, pasok ka muna," pag-aya niya sa akin. "Anong gusto mong kainin?"

"Kahit juice na lang. Busog pa naman ako."

"Sige. Maupo ka muna. Fresh juice lang kasi ang meron kami kaya paantay na lang."

Naupo kami sa sala nila na may chandelier sa kisame at gawa sa marmol ang karamihan sa mga gamit. Maging ang dingding at sahig.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now