[7] The Lion Group

231 8 0
                                    

Dranreb's POV

Sabog ang itsura kong pumasok sa opisina ni Daddy. Basa na ang sahig dahil tumutulo ako. Malagkit na ang buhok ko gawa ng mga itlog na binasag sa ulo ko. Idagdag pa ang harina na isinaboy sa akin. Kung hindi lang dahil sa boses ko, baka hindi na rin ako nakilala dahil puti-puti dahil dito ang mukha ko.

"Dad, you need to expel her!"

"Anong nangyari sa'yo? Sinong gumawa nito?" agad niyang tanong.

"Anong klaseng eskwelahan ito? Bakit hinahayaan mong mayroong maganitong estudyante dito? Bakit hinahayaan mo ang bullying dito? Anong klase kang school director?" Sandali akong tumigil. "Ano pa nga bang aasahan ko? Pagiging ama nga, hindi mo magampanan ng maayos. Pagiging direktor pa kaya."

"Huwag na huwag mong idadamay dito ang pagiging ama ko, Dranreb." Dinuro niya ako. "Dahil kahit nakagawa ako ng kasalanan, alam kong naging ama ako sa'yo."

"Kailangan kong maligo." Sabay layas ko sa harap niya at punta sa banyo sa loob ng opisina niya.

Hinubad ko ang uniform ko saka pumwesto sa ibaba ng shower. Bigla ko na naman naalala ang nangyari sa akin sa labas. Walang hiyang babae iyon.

Kung akala niya pwede siyang magreyna-reynahan sa eskwelahan na pag-aari namin, maling-mali siya. Humanda siya dahil hindi ako papayag na mapasailalim ng masama niyang pamumuno.

Binuksan ko na ang shower. Nilinis ko ang sarili ko ng mabuti.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, humarap ulit ako kay Daddy. Mabuti na lang at may damit ako sa opisina niya kaya iyon muna ang isinuot ko.

"Amara ang pakilala sa akin ng babaeng gumawa niyon sa akin. Siguro kilala mo siya and I have this feeling na tino-tolerate mo siya."

Napayuko si Daddy. Sabi ko na at tama ako.

"My son, hindi sa ganoon..."

"Ngayon mo sa akin patunayan na isa kang magaling na direktor," pagsingit ko na sa hindi niya maituloy na sasabihin sana. "I want you to stop that bitch and his troops from bullying your students especially me!"

Lumabas ako ng office niya at pabagsak pang isinara ang pinto. Uuwi na lang ako sa bahay. Naglalakad ako nang may marinig akong sumusunod sa akin.

Ang kalabanin ako ang isa sa magiging pinakamaling desisyon na gagawin nila.

Bigla na lang may dalawang lalaki na humawak sa magkabilang braso ko at isang lalaki naman ang humawak sa katawan ko.

Iniharap nila ako sa apat pang lalaki.

"Dad!" sigaw ko.

"Kami ang hari sa eskwelahan na ito. At kahit Daddy mo, hawak sa leeg ng pinakaboss namin," sagot ng isa sa kanila.

"Wala akong pakialam. Dad! Guard!" sigaw ko pa rin.

May dumating na dalawang guard.

"Hulihin niyo sila," utos ko sa kanila.

Hindi kumilos iyong dalawang guard kaya nagtawanan na ang mga lalaking ito na tumambang sa akin.

"Alam mo bang kahit sila, hawak sa leeg ni Amara."

"Kapag hindi niyo sila hinuli, bukas na bukas din, wala na kayong ipapakain sa pamilya niyo."

Pumito sila at nagtawag ng iba pang guwardiya.

Nagtakbuhan na ang mga mokong pero nahawakan ko ang damit ng isa sa kanila. Nagpatuloy naman sa paghabol ang mga guwardiya sa iba pa.

Naiwan sa akin ang isa sa mga mokong na iyon na nahila ko. Takot na takot siya at nanginginig.

"Huwag po. Nadamay lang ako rito," saad niya.

"Bakit niyo sinusunod iyong babaeng iyon?"

"Siya ho kasi nagpapaaral sa amin sa magandang eskwelahan na 'to. Pagkatapos, binabayaran pa niya kami."

"Mukhang nadamay ka lang dito," sabi ko sa kaniya. "Babayaran kita ng doble sa ibinabayad sa'yo ng boss mo kung makikipagkompromiso ka sa akin."

"Paano ho kung ayaw ko?"

"Una, ipapatanggal kita sa eskwelahan na ito. Pangalawa, sisiguraduhin kong hindi ka makakapasok sa kahit anong eskwelahan. At huli, sisiguraduhin kong magugutom kayo ng pamilya mo dahil ipapatanggal ko sa trabaho ang mga magulang mo. You want to talk about connections? Tingin mo ba ganoon talaga makapangyarihan iyang Amara na iyan? Mag-isip ka. Alamin mo kung kanino ka dapat mas matakot."

"Sige. Sige payag na akong makipagkompromiso sa'yo. Ano ba iyong gusto mo?"

"Gusto kong sabihin mo sa akin lahat ng pangalan ng alagad ng Amara na iyan."

Napalunok muna ang lalaki bago magsalita. "Mayroon ho siyang apat na grupo: ang ram, wolf, shark at lion group. May tig-isang lider ho iyon. Miyembro lang ho ako ng lion group. Bawat isa sa mga grupo na iyon may kaniya-kaniyang role na ginaganapan sa tuwing magbibigay si Amara ng black cat slip."

" Black cat slip," nakakunot-noo kong tanong.

"Kung matatandaan mo iyong matigas na papel na isinampal niya sa'yo, iyon 'yon. Lahat sila takot mabigyan niyon dahil alam nila ang mangyayari sa kanila kapag natanggap nila iyon. At, iyon ang ginagamit ni Amara bilang panakot, bilang alas niya para walang kumalaban sa kaniya."

"Nabanggit mo ang tungkol sa role. Anong role ito ng bawat grupo ang tinutukoy mo?"

"Bawat grupo kailangan palaging may stock at access sa mga kailangan. Ang Ram grouo ang in charge sa pagbabato ng itlog sa bibiktimahin namjn. Ang wolf naman sa harina. Ang shark sa mga tubig especially mga access sa hose. At ang lion group naman, binubuo ng mga taong may kakayahan na makipagbugbugan tulad namin."

"Kaya ba kayo ang ipinadala niya?"

"Sa totoo lang po, hindi siya ang nag-utos sa amin kundi ang lion group leader ang nagplano nito. Madalas ho ay hindi siya ang nagdedesisyon kundi ang mga leader ng bawat grupo. Ginagawa lang nila kung ano ang tingin nilang magugustuhang resulta ni Amara para mas malaki ang ibayad sa kanila, sa amin. "

Kung ganoon, mautak din pala ang babaeng iyon. Hindi lang siya basta nagre-reynahan sa eskwelahan na ito. Alam niyang may advantage siya kaya niya iyon ginagawa.

Nakabuo siya ng grupo. Iyon ang bumubuhay sa black cat slip na ginagamit niya. At kung mabubuwag ko ang mga grupo na iyon, paniguradong matitigil ang pagrereyna-reynahan niya sa eskwelahan na hindi niya rin naman pag-aari.

Kaya iyon ang gagawin ko. May araw ka rin, Amara. Kapag nagtagumpay ako rito, luluhod ka sa tunay na hari ng eskwelahan na ito.

"Patunayan mo ang pakikipag-alyansa mo sa akin at pro-protektahan kita. Sabihin mo sa akin lahat kung sino-sino ang mga nasa lion group."

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now