[6] School Director's Office Invitation

261 7 0
                                    

Dumiretso kami ng washroom at nag-ayos pagkatapos. May mga alagad naman na akong nakabantay sa labas ng opisina ng direktor kung sakaling lumabas na si Dranreb baby.

Hindi pa siya pumapayag. Mas lalo tuloy akong nacha-challenge sa kaniya.

"You really did that sa anak ng direktor ng eskwelahan na ito?" tanong ni Julia. "Hindi ka natatakot sa pwedeng mangyari?"

"Oo nga, Amara. You will not like it when parents get angry for their sons or daughters," pagsegunda sa kaniya ni Marta.

"Do you think I'll now kung gaano? No one's gets angry for me." Saglit akong natigilan. "Tanging ang mga grupo lang na binuo ko. You two can't even get angry for me."

"We can't even get angry to you nga tapos to other people pa kaya."

"At saka, how can we get angry for you ngayon? Everyone's afraid of you. Kung dati nga wala kaming nagawa, right?" ani Marta.

"Pero at least, may ginawa pa rin kayo. And, that was your best decision." Kinuha ko iyong foundation sa bag ko at nagsimulang maglagay nito. "Anyway, antagal na rin noon. Not a good thing to reminisce."

Ewan ko kung idol ba ako ng dalawang kasama ito o robot ba sila na kung ano ang gagawin ko'y gagawin din nila o sadyang gaya-gaya lang talaga sila.

Noong nag-foundation kasi ako, ginawa rin nila.

At napansin ko lang, mahahaba rin ang buhok nila tulad ko. Magkakaiba lang ng ayos at saka kulay.

Ngayon kasi nakakulot lang ang dulo ng buhok kong natural brown ang kulay. Si julia naman, naka-straight lang iyong itim niyang buhok. Habang si Marta naman, naka-big curls ang dark brown niyang buhok.

Magkakasingtangkad lang kami kaya hindi masagwa tingnan kapagka magkakasama. Parehas na mapuputi pero ako ang pinakamaputi. At siyempre ako ang pinakamaganda.

Bilugan kasi ang mukha ni Marta. Iyong kay Julia naman, medyo pahaba pero hindi naman masagwa. Samantala iyong akin, tama lang ang laki. Saktong-sakto sa leeg ko na tipong nagsasabi na akin na akin talaga itong mukhang ito.

Napabuntong-hininga ako. "Two days na pala akong walang post sa IG feed ko. Baka ma-miss ako ng half million followers ko. Picturan mo ako. Doon tayo sa library para kunwari nagbabasa ako."

"Siya nga pala, anong gagawin mo sa sobrang daming message sa IG mo? Hindi ko pa sinasagot dahil sabi mo gusto mo personal mong mabasa each. Nako, tingnan mo. Padami na ng padami ang mga hotties na nagme-message sa'yo. Bigyan mo naman ako ng isa!" sabi ni Julia.

"Keep them coming. Kapag na-bored ako, gagawin kong instant boyfriend ang isa sa kanila dyan."

"Kahit isa lang, please palimos."

"Kung bet ka nila. Hindi ko naman mapipilit kung mukha ko talaga ang gusto nila."

Nakasimangot na nagbuntong-hininga si Julia.

Lumabas na kami ng banyo para pumunta ng library. Pagdating doon, kumuha ako ng isang libro at naupo sa may mesa. Umawra-awra lang naman ako na kunwari nagbabasa. Kailangan ko kasing maging mabuting example sa mga kabataan. At sure ako na kapag nakita ng mga schoolmates ko na ganito ang post ko, mai-inspire sila sa akin lalo.

Pagkatapos ng photoshoot namin sa library at nakalabas na, lumapit sa akin ang isang alagad ko at sinabing, "Pinapatawag ka ni Mr. Jaime Castillo."

I expect that.

Beauty and Her BeastsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora