[5] The King Has Arrived

295 7 0
                                    

"Sige na. Mawalang-galang na at umalis ka na," pagpapalayas ko sa kaniya bago ko hinarap ang dalawa. "So andito na nga ang unico hijo ng West High Academy."

"Anong balak mo sa kaniya, Amara?" tanong ni Marta.

"Kailangan maging boyfriend ko siya. Dahil kung hindi, matitikman niya ang mga paraan at alas ni Amara Andres."

"You mean, gagamitan mo siya ng black cat slip?" tanong ni Julia. "Amara, baka nakakalimutan mong sila ang may-ari ng eskwelahan na ito."

"Kung kinakailangang gamitan ko siya ng black slip para lang sumunod siya sa akin, gagawin ko. Baka nakakalimutan mo din na marami pa akong alas kay Mr. Jaime Castillo, his daddy. Mapapaikot ko siya sa mga palad ko na parang isang fidget spinner."

Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang lider ng Lion Group.

"Hello. Kilala niyo si Dranreb Castillo, hindi ba?"

"Yes, ma'am."

"Ang gusto ko. Hanapin niyo pagkatapos sabihin niyo sa akin kung nasaan siya."

"Masusunod po, ma'am."

Pagkababa ko ng telepono, nag-evil laugh ulit ako. Kaso habang nag-eevil laugh ako, may tumawag.

Sinira ang moment ko. Bastos!

"Hello, ano ba 'yun?"

"Ma'am nakita ko na po si Dranreb Castillo. Nandito po siya sa grounds at kasalukuyang pinagnanasaan ng mga estudyante. Lahat. Mapababae man o lalaki."

"O bakit parang ang ingay diyan sa side mo?"

"Ma'am, nakikigulo din po kasi ako e. Ang gwapo!"

At talagang tumili pa siya mula sa kabilang linya. Binabaan ko agad siya.

Nakakarindi iyong sigaw niya. Daig pa iyong sirena ng ambulansiya. Bastos na 'yon.

"Nasa grounds daw siya. Tara, puntahan na natin."

Kinuha namin iyong mga gamit namin at nagsimulang maglakad.

Pagkadating namin sa grounds, napakaraming estudyante. Lahat talaga ay pinuntahan siya. Lahat gusto siyang makita maging ako. Pero dahil kailangan nilang lumayas sa dinadaanan ko, sa takot pa rin nila sa akin kahit nandito na ang unico hijo, unti-unti pa rin na lumilinis ang daanan ko.

Natatakpan pa ng ilang mga estudyante si Dranreb kaya hindi ko pa siya makita.

Dumukot ako sa bag ng napakaraming black cat slip at inihagis iyon sa taas ng mga taong nakapalibot pa rin sa kaniya.

Para sa sandaling bumagsak ang mga iyon, magulantang sila.

Nang makita nila ang mga black slip na iyon, unti-unting nalinis ng mga taong nakapaligid iyong lugar na kinatatayuan ni Dranreb at unti-unti ko na siyang natatanaw.

At nang wala nang kahit isang tao na malapit sa kaniya, nakita ko na rin siya.

Talaga ngang kakaiba ang karisma niya. Napakaganda ng tindig. Maamo ang mukha. Mukhang malinis at mabango. Mapungay ang kaniyang mga mata na kahit sino'y talagang mapapatitig at hindi mapipigilang mahulog sa kaniya.

Nanlalaki ang mga mata niyang pinagmasdan ang mga taong bigla na lang lumayo sa kaniya. At ako naman na papalapit ng papalapit sa kaniya, agad din nakuha ang atensyon niya. Magkasalubong ang kilay niya akong hinarap.

"Hi, Ako si Amara. Simula ngayon, ikaw na ang bago kong boyfriend," sabi ko sabay abot ng kamay ko. Nakangiti at nagpapa-cute ng sobra.

"Ano ka hilo?" pabalang niyang sagot. Bahagyang nakapikit ang mata ko ngunit dumilat ng pagkalaki-laki na parang luluwa na nang marinig ko iyon.

"Anong sabi mo?!"

"Anong akala mo sa akin, laruan? Na kapag gusto mong bilhin, agad mong makukuha. Pwes, manigas ka."

Tumalikod na siya sa akin at maglalakad na sana.

"Aba, sinusubukan mo ko ah."

Agad akong kumuha ng black slip sa bag. Hinila ko siya at isinampal ko ito sa mukha niya.

"Bakit mo ginawa iyo ?" pagalit niyang tanong sa idinikit ko sa kaniya.

"Iyon ang nakukuha ng mga taong ayaw sumunod sa akin. Iyan ang ticket mo to darkness."

Nag-evil laugh ako.

"Dranreb, pumayag ka na sa gusto niya, please!" saad ng mga babaeng nasa gilid niya. At nagkaisa pa sila.

"At bakit ko naman gagawin iyon? Sino ba siya? Kami ang may-ari ng eskwelahan na ito! Sino siya para masunod dito?"

Naglakad ako sa kaniya palayo ng mga isang metro. Ilang segundo ang lumipas na nakatingin lang kami sa isa't-isa. Maya-maya, may mga nambato na sa kaniya ng itlog.

"Ano 'to? Tumigil kayo! Bakit niyo iyon ginawa?" pagrereklamo ni Dranreb.

"Ano papayag ka na ba sa gusto ko?" sigaw ko.

"At bakit ko gagawin iyon? Siyempre, hindi!"

May mga lumapit sa kaniya at pagkatapos ay sinabuyan siya ng harina.

"Dranreb, pumayag ka na, please," pagpilit ng mga babaeng nasa gilid niya. "Hindi ka niya titigilan."

"Never!" sigaw niya.

"Amara, please tama na," pagmamakaawa ng mga babae at beki sa paligid na siguro'y gwapong-gwapo sa kaniya.

"Sige. Kung gusto niyo siyang samahan. Go!" sigaw ko. "Squirtle, aqua jet now!"

Nakapunto pa ang kamay ko kay Dranreb. At dahil malapit kami banda sa garden, may bigla na lang sumirit na tubig sa kaniya mula sa mga hose. Hawak iyon ng mga miyembro ng grupo na binuo ko.

"Tama na!" nakasigaw pa siya kahit malakas ang sirit ng mga tubig na sinasalag niya. "Guards! Tulong?"

Nakatingin ang mga gwardiya pero walang ni isa na gumagalaw sa kanila. May isang gagalaw na sana pero pinandilatan ko at nakuha naman siya sa tingin.

"Pagbabayaran mo 'to! May araw ka rin!" Sabay takbo niya paalis. Sa opisina ng school director ang takbo niya. Base iyon sa direksyon na pinuntahan niya. Alam ko rin na doon siya pupunta.

Kahit magsumbong ka pa, Dranreb. Hindi mo ako kaya. Kararating mo lang habang ako ay matagal nang reyna rito.

"Hayaan niyo na siya," sigaw ko sa miyembro ng lion group dahil hahabulin pa sana nila para bugbugin. Sayang naman ang gwapo niyang mukha.

Alam ko naman na mapag-iisipan niya rin ang gusto ko at alam kong papayag din siya. He just needs time to realize that I am the queen.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now