[19] Julia And Marta's Confession

205 6 0
                                    

Bumaba muala kotse na iyon na tumigil una ay si Dranreb. Kasunod niyon ay iyong Kurt at ang traydor na si Julia. Pagkatapos ay si Alvin, dati kong alagad at ang traydor din na si Marta.

"Dumating na pala ang mga traydor na makakati kasama ang mga nag-iisip na kaya nila akong pabagsakin. Nagsama-sama pa sila. Anyway, what do I expect? Hindi nila ako kaya nang mag-isa lang kaya kailangan talaga nilang mag-join forces."

"Hindi mali na itama namin ang mga maling ginagawa mo, Amara. Napatalsik na namin ang mga grupo mo dito sa loob ng school. At para sa amin, tapos na ang laban," ani Dranreb.

"Tama. Hindi mo pwedeng kontrolin lahat ng tao dahil lang mayaman ka at may pera at impluwensiya ka. Para sa'yo rin ang ginawa namin."

"Palibhasa, wala kayong alam. Hindi ko sila kinokontrol. Sa katunayan, tinutulungan ko sila. Binibigyan ko sila ng pera."

"Pero halos puro hindi magaganda ang inuutos mo sa amin," pagsingit ni Alvin.

"Aba. Magsasalita ka pa. Wala kang utang na loob. Matapos mong gawin ang mga pinagagawa ko sa'yo at tumanggap ng pera, ito ang gagawin mo? Kung alam ko lang, hindi na sana kita tinulungan noon."

"Tama na, Amara. Please! Itigil mo na iyan," pagsingit rin ni Julia.

"Isa ka pa! Mga wala kayong utang na loob. Ito? Ito ang igaganti niyo sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa inyo?"

"Please, Amara. Para sa'yo rin ito. Wala ka nang dapat katakutan. Please. Gawin na natin sa tamang paraan. Hindi mo na kailangang pwersahan na manakot ng ibang tao. Eventually, mawawala rin naman ang takot na iyon kaya huwag mo na silang buhayin doon, sa takot," sambit naman ni Marta.

"Kahit ano pang sabihin niyo, wala na akong pakialam. Ngayon alam ko na ang mga tunay niyong kulay. At alam ko nang sa mga taong katulad ninyo na ako umiwas. Thank you na rin at hindi nagtagal ay ipinakita niyo ang tunay niyong anyo. Mga traydor at manggagamit."

"Hindi totoo iyan. Tinuring ka naming totoong kaibigan kahit mga alalay lang ang tingin mo sa amin."

"Tama iyon," pagsegunda ni Marta.

"Alam niyo, sobrang mapili ako sa mga taong makakasama ko. At para piliin ko kayong maging mga alalay ko, isang malaking opportunity ang ibinigay ko sa inyo. Higit pa sa pagkakaibigan ang ibinigay ko pero sinayang niyo. Now, get out of my life and never come back again. Isinusuka ko na kayo."

"Tama na, Julia. Maybe now is not the right time yet," saad ni Kurt at hinila na siya papasok ng school.

"There will never be a right time anymore. They lost their chance and there is no way they'll gain it again. I swear!"

Sunod-sunod na dumiretso na lang sila sa loob at hindi na pinansin pa ang sinabi ko. Napapalingon naman sa akin sina Marta at Julia. May lungkot on the way they look but all I felt is that I was betrayed. Walang effect iyon sa akin.

Tumatabi ang mga tao pagdaan nila. Sumunod akong naglakad papasok pero imbes na tumabi ay nagsiharangan pa sila sa daan ko at inunahan akong maglakad.

"Tumabi nga kayo!" sigaw ko sabay tulak sa ilang mga babae na nakaharang sa daan ko.

Humarap sila sa akin na nanlilisik ang mga mata.

"Aba! Akala mo kung sino ka! Wala ka nang kapangyarihan dito!"

Susugod na sana sila nang biglang lumitaw ang mga natitirang loyal na alagad ko sa harap ko. Mga nakasibilyan na lang sila dahil napatalsik na rin maging sila ni Dranreb. Mga sikretong alagad ko na lang ang natitira sa loob.

Inabutan ako ng itlog ng isa sa mga alagad ko. Kinuha ko iyon at ibinato sa isa sa kanila.

"Para iyan sa pagharang sa daanan ko," saad ko.

"What the! How dare you do this to me?" Nanlilisik nag mata niyang tugon.

"May reklamo ka?"

"Humanda ka sa amin sa loob ng school," sabi ng isa sa kanila. "Kakalbuhin ka namin."

"Tama. Wala kaming ititira sa ulo mo kahit bunbunan mo."

"Subukan niyo. Aabangan namin kayo sa labas," ani Jared.

Umirap na lang ang mga babaeng iyon at dumaan na sa gate ng school papasok.

"Salamat at nandiyan pa rin kayo. Hayaan niyo. May reward kayo sa akin dahil sa loyalty niyo."

"Wala ho iyon, ma'am. Hindi ka namin tatraydurin kahit anong manyari. Paninindigan namin iyon bilang pinakauna at pinakatapat mo grupo."

Maya-maya lang din, pumasok na ako sa loob at dumiretso ng room.

"Tingnan mo. Mukhang kawawa. Walang kaibigan. Walang kahit ano. Mukhang tanga lang."

Tawa sila ng tawa habang pasilip-silip ang tingin sa akin. Kumuha ako ng black slip sa bag at inihagis iyon sa kanila. Laking gulat ko nang pulutin iyon ng isa sa kanila at pinunit ito sa harap ko.

Napasinghap ako. Pagkatapos, nagpatuloy sila sa pagtatawanan.

Biglang pumasok sina Dranreb at Kurt at iba ko pang mga traydor na alagad din sa loob ng room.

Kasunod nila ay ang teacher namin na si Ms. Dina. Lahat sila tumayo para batiin siya except sa akin. Pagkaupo nila ay lumapit siya sa akin.

"Tumayo ka at batiin mo ako," sabi niya.

"Ayoko."

Nagpameywang siya. "Tapos na ang pagrereyna-reynahan mo sa eskwelahang ito, Amara. Isa ka na lang ding ordinaryong mag-aaral dito. At bilang guro na mas nakakataas sa'yo, sumunod ka sa akin."

"Sumunod?" saad ko habang nakataas ang kilay sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya. "Baka nakakalimutan mo, hawak ko pa ang sikreto mo. Gusto mong i-presenta ko sa klase nang naka-powerpoint."

Nanlaki ang mata niya at mangiyak-ngiyak na tumakbo palabas. Napangisi naman ako.

Beauty and Her BeastsМесто, где живут истории. Откройте их для себя