[33] An Attempt To Talk

164 6 0
                                    

Amara's POV


Hinabol ko ang kotse ni Dranreb. Alam kong nandoon siya sa loob. Pero sa hindi ko maintindihang dahilan, hindi tumitigil ang kotse niya. Sobrang lakas ng sigaw ko. Siguro naman rinig niya iyon.

Lumapit sa akin si Mang Kanor. "Ma'am, sundan na lang ho natin."

Umiling ako. "Hindi na. Mukhang hindi niya lang talaga ako nakita. At saka, magkikita naman kami ulit. Bukas ko na lang siya kakausapin."

Lumapit sa akin sina Julia at Marta kasama ang mga boyfriend nila.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" Hinaplos ako sa likod ni Julia.

Napansin siguro niya ang nakasimangot kong mukha.

"Wala 'to. Okay lang ako."

"You can tell us anything," ani Marta. Tinanggal ni Alvin ang pagkakaakbay sa kaniya nang lumapit sa akin si Marta.

"Si Dranreb kasi... hindi niya narinig'yung sigaw ko. Sobrang lakas naman na n'un."

"Baka hindi niya lang talaga narinig," ani Alvin.

"Sobrang lakas n'un. Impossible."

"Kurt, ano bang sabi niya? May nasabi ba sa' yo?" tanong ni Julia. "Bakit hindi niya pinansin si Amara?"

"Sabi niya, uuwi raw siya agad. Nagmamadali."

"Bakit daw?"

"Wala siyang sinabi. Pasensya na, Amara."

Nilaro-laro ko ng sapatos ko 'yung maliliit na bato sa parking lot ng school. "Pakiramdam ko kasi iniiwasan niya ako."

"Nakausap mo na ba siya?" tanong ni Marta.

"Nag-usap kami kanina. Wala naman siyang sinasabi pero ramdam ko kanina parang umiiwas na rin siya."

"Kausapin mo na lang ulit siya bukas." Tumango ako sa kaniya. "Umuwi ka na muna kaya para makapagpahinga ka."

"Sige. Tama. Bukas na lang. Ganoon din naman ang naiisip ko. Mauuna na ako."

Sumakay na ako ng kotse at umuwi.

Nagreview ako para sa exam bukas. Nasa kalagitnaan ako nang pagre-review nang mapansin ko ang phone ko. Tawagan ko kaya siya? Hinawakan ko na ito at binuksan nang mapagdesisyunan ko na bukas na lang kami mag-usap. Mas magiging maganda ang resulta ng magiging usapan namin kung sa personal na lang kami mag-uusap. At isa pa, kailangan kong mag-review para sa exam bukas.

Kinabukasan. Inagahan kong pumasok para makapag-review pa ulit. At para na rin may oras pa para makapag-usap kami ni Dranreb kung may dapat man kaming pag-usapan. Pakiramdam ko, meron. Dumaan si Kurt kung saan ako nagrereview. Nasa shed lang kasi ako at daanan din talaga rito. Sinadya ko para makita kung dumaan na si Dranreb pero wala pa.

"Kurt!" pagtawag ko. Dire-diretso kasi siya sa paglalakad. "Nakita mo ba si Dranreb? Pumasok na ba siya?"

"Ahhh." Lumingon muna siya bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Wala pa 'yung kotse niya sa parking. Baka maya-maya lang nandito na' yun."

Nag-antay ako pero hindi pa rin siya dumating. Umakyat ako ng classroom at doon lang siya dumating. Malapit nang magsimula ang exam. Siguro sa break ko na lang siya kakausapin.

Nang magsimula ang exam, inayos ko ang pagsagot para maging proud naman sa akin ang parents ko. Siguro kulang lang ako sa achievements kaya hindi nila ako masyadong binibigyan ng oras. Panigurado, kapag nagkaroon na naman ako ng achievements, matutuwa sila at bibigyan na naman nila ako lagi ng oras. Tulad ng dati. Pagdating sa pagsabit ng medalya o pagtanggap ko ng award, kapag meron ako, nag-uunahan silang mag-commit na makakapunta.

Nilingon ko si Dranreb sa upuan niya. Seryoso siyang nagsasagot ng exam. Pero halata sa itsura niya na nahihirapan siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagsagot at baka mapagkamalan pa akong nangongopya.

Nang dumating ang break, agad akong lumapit kay Dranreb na nasa loob ng cafeteria.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Para saan?" tanong niya habang naglalakad palabas doon.

"Please."

Biglang lumapit si Kurt sa kaniya. "Insan, gusto ka raw makausap ng Dad mo."

"Excuse me," tugon niya bago nagsimulang maglakad palayo.

Hinabol ko siya hanggang sa grounds at hinawakan sa braso para pigilan. "Sandali. Mag-usap naman tayo."

"Hindi mo ba narinig? Ipinapatawag ako ng director ng school na ito. Gusto niya raw akong makausap. Hindi ka ba pwedeng makapag-antay ng turn mo na kausapin kita?"

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa braso niya. "Okay. Sige. Mamaya na lang tayo mag-usap."

"Hindi ko alam kung pwede ako mamaya."

"Sandali lang naman."

Nagsimula ulit siyang maglakad. Sumunod ako.

"Sige. Sasama na lang ako," ani ko.

"Hindi ka pwedeng pumasok doon."

"Hanggang labas lang ako."

Tumigil siya sa paglalakad. "Bakit ba ang kulit mo?"

Nanlaki ang mata ko sa biglaang pagtaas ng boses niya.

"Insan, tara na. Hayaan mo na hanggang labas lang naman daw siya."

Nagpatuloy sila sa paglalakad pero hindi na ako sumunod. Tiningnan ko lang silang maglakad palayo hanggang sa hindi ko namalayan na meron na pa lang luha na tumutulo sa pisngi ko.

"Ang kulit mo kasi Amara, e. Bakit ba kasi pinipilit mo iyong gusto mo? Bawal nga," sabi ko sa sarili.

Pinunasan ko ang luha ko. Naglakad ako pabalik ng cafeteria para kumain na lang. Nagreview ulit ako para sa mga susunod na exam.

Pagbalik ko ng classroom, nandoon na si Dranreb. Nagrereview siya.

Hindi ko alam kung kumain na ba siya. Siguro pinakain na siya doon sa office ng Dad niya. Tiningnan ko ang hawak kong sandwich. Gusto ko sanang ibigay sa kaniya. Pero hindi na. Sigurado namang nakakain na siya.

Nagpatuloy kami sa mga exams.

At nang mag-dismiss, binuo ko na ang loob ko na kausapin siya.

"Hihintayin kita sa grounds. Kahit anong oras ka dumating, maghihintay ako," sambit ko sabay naglakad ng mabilis palabas ng room.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now