[36] A Plea To His Mother

320 5 0
                                    

Biglang dumating iyong sundo ko.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Dapat sana."

Ngumiti siya dahil bakas sa mukha ko ang pag-aalangan. "Uuwi ka pa?"

I look away for a moment to think. "Hindi na."

"Tara balik na tayo sa room?"

"Sabihan ko lang si manong."

Lumapit ako sa drayber ko para sabihin na mamaya na lang pala ako uuwi.

"Tara na," ani ko. Sabay kaming bumalik ng classroom.

"Late na tayo sa next class natin."

"Oo nga. Tara takbo na."

Hinawakan niya ang kamay ko sabay karipas namin ng takbo pabalik ng room.

Lumipas ang mga araw. Naging maayos na kami ni Dranreb. Nag-uusap na rin kami at hindi na siya galit sa akin. Pero madalas pa rin niyang nababangit ang Mommy niya. Madalas niya pa ring nami-miss. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan.

Humingi ako ng tulong kay Kurt. Hiningi ko sa kaniya ang number ng Mommy ni Dranreb. Tinawagan ko ito upang makausap. Magbabaka-sakali na makakagawa ako ng paraan para magkaayos silang pamilya.

"Sino 'to?" bungad niya.

"Si Amara po ito. Classmate ni Dranreb. Ako ho 'yung dahilan kung bakit nasira iyong pamilya niyo."

"Anong kailangan mo?"

"Pwede ho ba kayong makausap?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol ho sana sa mga pictures na iyon."

Hindi siya agad nakasagot. "Magkikita tayo under my condition. Ite-text ko 'yung coffee shop at ayaw ko na may kasama ka, malinaw?"

"Wala hong problema."

Nang ibaba niya ang tawag, nagpalit na ako ng damit. Nakapambahay lang kasi ako. Maya-maya, na-receive ko na ang text niya kung saan ang address na gusto niya kaming magkita. Bumaba na ako ng kwarto at sumakay ng kotse papunta sa coffee shop na iyon.

Pagdating doon, nasa labas pa lang ako ng coffee shop nang ma-recognize ko siya. Nakaupo siya sa tabi ng glass wall ng lugar na iyon. Hawak niya ang phone niya at nakaupo siya sa isang table kung saan dalawang coffee na ang naka-serve. Isa sa kaniya at isa sa katapat niya. Bakante pa ang upuan sa tapat niya. Saktong pang dalawang tao lang ang table na iyon at walang ibang table na katabi. Marahil pinili niya iyon para maging pribado talaga ang maging usapan namin kahit pa sa isang public na place kami nagkita.

Tinitigan ko siya mula sa labas habang papasok ako. Hindi ko pa talaga siya personal na nakikita. Kamukha pala ni Dranreb ang mommy niya. Maganda siya parang isang modelo.

Habang papalapit sa kaniya, ngumiti ako ng matipid. May pinagdadaan siya, silang pamilya actually, kaya ang inappropriate para sa akin na ngumiti ng sobrang lapad. Kahit ang totoo, masaya naman talaga ako na makita siya. Masyaa ako na nagpakita siya at hinarap ako para makipag-usap.

"Mrs. Castillo?" bungad ko. "Good evening."

"Good evening, Amara. Please take a seat."

"Thank you."

Naupo ako sa harap niya.

"I just have one favor. Just call me Ms. Sheryl. I don't want to be considered as a Castillo now. I don't want to hear classifying me as that or hear them calling me that."

"Sure, Mrs. Sheryl. Not a problem."

"Nai-order na rin pala kita. Everyone loves Cappuccino kaya iyon na lang ang binili ko. Pero kung ayaw mo, it's fine. You could take another one." 

"This is fine. I'm good with Cappuccino."

Hinawakan na niya ang baso ng kape niya. "Anyway, ano ang pag-usapan natin? We should start then."

"Actually, I lied that it's about the pictures. Partly, it is."

"What do you mean?"

"I'm here for Dranreb."

"What about my son?" Painom na sana siya ng kape niya nang matigilan siya.

"Una po muna sa lahat, gusto kong humingi ng tawad at makabawi sa ginawa ko. Gusto ko hong gumawa ng paraan para maayos ulit iyong nasira ko."

"Hija, hndi mo kasalanan na ikalat iyon. Kasalanan niya iyon kaya may naikalat ka so you don't have to be guilty."

"I understand. Pero sa totoo lang, he stopped even before ko siya tinakot noon na ikakalat ko iyong mga pictures na iyon. I know nagkamali ho siya pero I am hoping you could forgive him or at least huwag niyong idamay si Dranreb dito."

"Hindi ako galit kay Dranreb. I just can't see his father right now."

"Siguro po nagtataka kayo kung bakit ako nangingialam sa buhay ng pamilya niyo. The reason is, I care about Dranreb. Mahal ko po ang anak niyo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "I want to do this for him. I want to fix his family. I am asking for you to help me, please, ma'am."

Nanatili siyang tahimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I don't know if you're interested to know, Ms. Sheryl. But, I was eight years old when my parents decided to annull their marriage. Noong una, pinagsasalitan nila ako until they meet new partners na soon pinakasalan nila and decided to build their new family with. I was left alone and just decided to be independent at a young age. I decided to live on my own kasama ng maraming maids, bodyguards at ilang drivers. If you could only imagine how hard it was for me. I had to suffer from their failed marriage. Ako 'yung sumasalo ng lahat. Tuwing mayroon ngang special occassion, ang kasama ko mga maids, drivers at guards lang. Minsan pumupunta naman sila pero not on the same day or the same time or maybe before or after na ng ocassion na 'yun. Priority nilang makasama ang family na nila ngayon."

Sandali akong tumigil.

"Ayaw ko ho sana mangyari iyon kay Dranreb. Ayaw ko sanang maramdaman niya iyong naramdaman ko kaya nakikiusap ako sa inyo. Huwag niyo hong hayaang matulad sa akin si Dranreb. Huwag niyong hayaang masira ang buhay niya dahil lang sa isang pagkakamali. I am not forcing you to forgive Mr. Castillo but I know na hindi iyon ang sisira sa marriage niyo or ng relationship niyo sa anak niyo."

Hindi niya napigilan na maluha. "I'm sorry, Amara. I have to go."

Tumayo siya at naglakad palabas ng coffee shop.

Kung hindi man ngayon, sana pagbigyan niya pa rin ang hiniling ko sa kaniya kahit gaano pa man katagal iyon abutin. Kung hindi man mangyari, I'm glad I tried.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now