[1] The Queen Has Arrived

783 12 0
                                    

Amara's POV


Hindi mahirap maging maganda, especially if you are born with it. Ang mahirap ay 'yung maraming nakapaligid na insecure.

Tumigil ang isa sa mga mercedes-benz naming kotse na madalas ginagamit panghatid sa akin sa tapat ng gate ng school. Naunang bumaba si Marta na palaging nakataas ang kilay at si Julia na palaging nakapusod ang buhok at siyang palaging may bitbit ng bag ko. Tumayo sila sa magkabilang gilid ng pintong lalabasan ko bago ko iapak ang paa kong naka-foot spa every week palabas ng kotse. Tinulak ko sila ng kaunti papunta sa magkabilang gilid pagkababa ko. Nakaharang kasi sila sa pagtanaw ko sa pangalan ng eskwelahan na pinapasukan ko.

West High Academy, saad ko. The most expensive school in the country yet hindi lahat ng nandirito ay tunay na mayayaman. Some could just simply afford it. Some ay may connection. And most of them, scholars. This is not actually a school na para sa mga tulad ko—gifted. I am not just well-heeled. I also have the prettiest face as mentioned by my followers and the brightest mind according to my achievements. I passed the toughest entrace exam there is from the North High Academy o school ng mga matatalino as they say but mostly nerds. Yet, I chose to be here dahil baka isipin nila na hindi ko kayang i-afford ang school na 'to. Like, duh? I won't let them think na ganoon ako. At isa pa, I can buy anything here...and anyone. I am the Queen here kaya wala na akong dapat i-reklamo pa. 

Inayos ko iyong pink na heart-shaped sunglasses na suot ko bago naglakad papasok ng gate. I am the only one in the country na may ganitong sunglasses because this is customized by a known fashion brand. Julia and Marta are walking beside me.

"Please put your bag on the conveyor," ani ng isa sa mga security guard.

Itinaas ko ang sunglasses ko for a while to look at him with my bare intimidating eyes. "Excuse me?"

Binulungan siya ng isa pang guard. "I'm sorry for the inconvenience, ma'am. You can go inside now," aniya.

Ngayon ko lang nakita ang guard na iyon. No wonder hindi pa nangangatog ang tuhod niya kapag dadaan ako ng gate. Unlike these students na nakakita sa akin paglagpas ko sa walk-through metal detectors at pagkatapos kong i-tap ang ID ko sa access gate, halos lahat sila ay natitigilan sa paglalakad. Nagsisitabi hanggang sa maging clear ang daraanan ko. Kabisado na nila ako.

Feel na feel ko ang maluwag na daan na nilakakaran naming tatlo papunta sa may school building nang may marinig akong mga bulong-bulungan.

"Look at her skin, kutis porcelana. Kahit lamok, mahihiyang dumapo."

"Her hair looks so smooth and shiny parang sa commercials." Agad ko namang hinawi iyong buhok kong maganda. Parang sa commercial. Dapat lang maging maganda ito because I am paying more than the average salary to take care of this.

"Ang amo ng mukha niya. She looks like a saint."

Pinilit kong ngumiti para magmukha akong mabait nang marinig ko iyon.

Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang isa akong celebrity na tinitingala ng marami. Bakas sa mga mukha nila ang labis na paghanga na akala mo'y wala akong kapintasan mula ulo hanggang talampakan. Feeling ko wala naman talaga.

"Gusto ko pang makarinig ng papuri kung hindi'y may lalabas na halimaw kahit mataas na ang araw," saad ko sa kanila habang patuloy sa paglalakad kasama ang dalawa kong alalay.

Alam kong alam na nila ang tungkol sa bagay na 'yun dahil apat na taon na akong nag-aaral sa eskwelahan na ito at ilang taon na rin akong ganito.

"I'm not sure if it was just her expensive lipstick o sadyang maganda talaga ang pouty lips niya."

"She is so pleasant to look at. Hindi nakakasawa. I could stare at her for a whole day and would still go home unsatiated."

"Masama naman ugali niyan."

Napatigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko nang sandaling marinig ko iyon. Bulong lang iyon pero dahil may animal sense ako'y rinig na rinig ko. Utot nga ng pusa nabibingi ako, tao pa kaya na amoy utot ang hininga? Tumingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang masamang hangin na iyon.

Agad na gumilid ang lahat ng mga estudyante sa gawing iyon puwera sa isang estudyante—ang pinakamakasalanang babae sa balat ng West High Academy.

"Mukhang bago lang siya rito," bulong ni Julia right into my ear.

"Better teach her a lesson, Queen," ani Marta na malapit rin ang pagbulong.

Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng makasalanan at nagtanong, "Bago ka ba rito? How can you say na masama ang ugali ko?" sabi ko sa pinakamahinhin na paraan.

"Ala e, iyon ang sabi ng dalawa kong pinsan na nag-graduate dito. Hoy, batangueno ito. Hindi kita uurungan," matapang pa niyang sagot.

"Julia, halika dito," pagtawag ko sa isa kong alalay na may dala-dala ng LV shoulder bag ko. "Alam mo na kung anong regalo ang ibibigay mo sa kaniya."

Tatlo kaming magkakaibigan at solid na magkakasama. Tatlo lang kami para mukhang mean girls. Dahil kung apat kami, baka mapagkamalan kaming F4.

"Hindi mo ako madadaan sa rega-regalo mo para lang sabihan kang maganda ka. Sasabihin ko ang totoo, masama ang ugali mo!"

May kinuha siya sa bag ko at iniabot ito sa babaeng makasalanan. Isang parihabang itim na matigas na papel na may pusa sa gitna.

"Kung hindi mo pa ito alam, ang tawag dito ay black cat slip. Ang pusa sa gitna nito at ang kulay itim na kulay ng slip na ito ay nagsisimbolo na this is not your lucky day."

Hindi niya iyon kinuha kaya itinapal ko ito sa noo niya. Nanlaki naman ang mga mata niya at napanganga. Sa sobrang oily ng noo niya, dumikit ang black cat slip rito at hindi nalaglag hanggang sa lumayas ako sa harap niya.

"Kung ako sa'yo, huwag ka na magpakita kapag nakatanggap ka niyan sa eskwelahang ito," narinig kong sabi sa kaniya ng ibang mga estudyante.

"E bakit sino ba siya?" tanong ng babaeng makasalanan.

"Siya lang naman si Amara Andres. Anak ng multi-millionaire company owner at ng isang billionaire."

"Hindi ako natatakot sa kaniya!" sigaw pa ni ate gurl. "Kahit mga aswang sa amin, natatalo ko! Kayang-kaya ko 'yang halimaw na 'yan."

Ang malas niya naman dahil hindi niya ko kilala o kinilala man lang. Maghintay lang siya dahil sigurado akong kikiligin siya dahil maiihi siya sa panty niyang Dora the Explorer mula sa mga malalaman niya at siguro na ri'y sa kamalasang matatangap niya today.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now