[10] The Plan He Was Informed

192 7 0
                                    

Nang makalapit ang isa sa kanila, agad niya akong pinagtangkaang suntukin pero na-twist ko ang kamay niya. Tinulak ko si Amara para matumba siya sa daraanan nila.

Agad ko namang hinila sa elevator ang naunang sumugod sa kanila at pinindot ko ulit ang close door button nang hindi inaalis ang daliri ko. Kinabahan ako dahil muntik na nila akong maabutan. Muntik na nilang mabuksan ang sinasakyan naming elevator. Mabuti na lang at hindi.

Hawak ko na ang isa sa kanila. Paniguradong isa na namang grupo ang mawawasak ko.

Sa second floor kami bumaba. Nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya. Mabuti na lang at may guwardiya kami na nakasalubong at nagpatulong akong hawakan siya.

"Alam mo ba kung gaano kami maimpluwensiya? Kaya naming gutumin ang pamilya mo. Kaya kong i-block ka sa lahat ng trabaho na papasukin mo kahit pagbabasura. Kaya kong gawin iyon pati sa pamilya mo." Nagulat siya sa sinabi ko. "Alam ko kung ilan ang bilang niyo. Kung sakaling magkulang man ang isusumplong mo, ibo-block ko lang naman sa pagtratrabaho iyong tatay mo. Kung medyo marami kang hindi sasabihin, baka idamay ko iyong nanay mo. At kung talagang kaunti, buong pamilya ninyo pati ang mga taong tutulong sa inyo idadamay," dagdag ko.

Bakas sa mukha niya ang takot. Lumuhod siya sa harap ko.

"Please, huwag mong gawin iyon. Ano bang gusto mo? Gagawin ko."

"Sasama ka sa akin ngayon sa opisina ng direktor ng eskwelahan na ito at ibibigay mo sa amin ang pangalan ng lahat ng miyembro kung saan kang grupo kasama."

Nagpatulong pa rin ako sa guard na dalhin siya sa opisina ni Dad.

Malapit na tayong maging patas, Amara. At pag nangyari iyon, madali na lang kitang mapapabagsak mula sa pagrereyna-reynahan mo rito.

"Kabilang po ako sa Shark Group at ito ho ang listahan ng mga ka-miyembro ko," saad ng lalaking estudyante matapos naming i-print sa office ni Dad ang mga pangalan na t-in-ype niya sa computer. Ipiniresenta niya ito sa harap ni Dad habang nakatayo ako sa likod niya.

"Nangangako ka ba na ang mga pangalan na iyan ay ang kabuuan na ng grupo kung saan ka nabibilang," tanong ko.

"Opo. Matagal na ako sa Shark Group. Malaki ang pasasalamat ko kay Ma'am Amara."

"Kahit ganoon ang ginagawa niya? Kahit na hindi makatarungan," pagsingit ko sa pagsasalita niya.

"Kung totoo niyo pong kilala si Ma'am Amara, maiintindihan niyo ang sinasabi ko. Tulad nga po ng sabi ko, matagal na ako sa shark group at hindi ko akalain dadating ako sa punto na ito na ilalaglag ko sila. May dalawa lang ho akong pakiusap. Una, proteksyunan niyo ang pamilya ko. Sa tingin ko, wala naman silang gagawin sa kanila pero para na rin sigurado."

Tumigil siya sandali sa pagsasalita. Tinanong siya ni Dad.

"At ano naman ang pangalawa mong pakiusap?"

"Isama niyo na rin ho ako sa mga pangalan na aalisin niyo sa eskwelahan na ito."

Nagbuntong-hininga si Dad. "Sige na, Dranreb. Pwede mo na siyang palabasin. Ako na ang bahala sa mga pangalan na ito."

Pinalabas na siya at inasikaso na ni Dad ang pagpapatanggal sa mga pangalan na iyon. Oras na malaman ni Amara ang tungkol dito ay nakakasigurado ako na maglalabasan ang mga ugat niya sa leeg. Mas mautak pa rin ako sa kaniya.

Pinili ko na hindi na lang muna pasukan ang huling klase dahil sa nangyari. May kalokohan din kasi akong ginawa sa Amara na iyon pero gumanti lang naman ako. Nagpaalam na ako kay Dad na mauuna na lang munang umuwi. Paglabas ko ng opisina, may lalaking nakatalikod na parang pamilyar ang nakatayo sa labas. Tama lang ang tangkad niya at maputi ang balat.

"Kurt?" saad ko.

"Insan!" Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Tagal nating hindi nagkita!"

"Two days? Really? Matagal na iyon sa'yo."

"Alam mo naman kung gaano kita ka-paborito. One day pa nga lang na 'di kita kasama nalulungkot na ako. Ang lungkot ko na roon kaya ayaw ko na roon."

"What do you mean? Aalis ka rin doon?"

Hindi agad siya nakasagot at yumuko. "I decided to transfer here. I can't survive that school without you, without you know someone na makikinig sa akin palagi ang makakaintindi."

"Is that what brought you here?"

"Yup. Kaunting asikaso na lang and I will be an official student of this school. Pero don't worry, bukas, I will be on class already on the same section you attend."

"This will really be exciting. At least now, alam kong mayroon na akong kakampi."

Nagsalubong ang kilay niya. "Did something happen? Kamusta naman pala ang first day mo rito?"

"You won't believe ang naging experience ko. This is just my first day indeed pero ang dami nang nangyari."

"Bakit naman?"

"Well, kung gusto mo, sa bahay na lang natin pagkwentuhan tutal pauwi na rin ako."

"Sure!

"O siya, tara na dahil marami-rami iyong ikwekwento ko sa'yo. Magugulat ka talaga panigurado. Unbelievable pero may part na matatawa ka."

"That must be really interesting."

Naglakad kami papunta kung saan nakaparada ang sasakyan ko at sumakay na kami. Kanina pa nandyan lang iyan dahil wala pa naman talaga akong official schedule at uuwi sana ako ng maaga.

Lumabas na kami ng school at sa kabilang ruta dumaan ang driver dahil alam kong may nakatambang na sa amin sa kabilang daanan.

Beauty and Her BeastsWhere stories live. Discover now