Chapter 01

124 5 5
                                    

"Sis, ano ba talagang problems mo? Kanina ka pa matamlay." Tanong sa akin ni Nicole habang kumakain.

Nandito kami sa room at kaming dalawa lang ang nandito. Lahat ng mga classmate namin sa cafeteria nag break time pero pinilit ko talaga na dito nalang. Natatakot ako baka makita ko yung kambal ni Brale.

Hindi pa din ako maka get over sa nangyari kanina. Nakakahiya!

Napasubsob ako sa lamesa dahil naisip ko na naman iyon. "Nakakahiya." Wika ko habang naiiyak.

"Ano ba iyon?" Tanong nya ulit.

Pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya. Hindi naman kase ako yung tao na sasabihin lahat ng nangyayare sa buhay ko, pakiramdam ko kapag sinabi ko sa kanila hindi sila makikinig. Kaya kahit sarili kung kaibigan minsan hindi alam ang nangyayare sa akin.

Mas gusto kung sarilinin ang lahat.

Ngunit hindi din naman naiiba si Nicole. Sasabihin ko lang sa kanya yung nangyare kanina ngunit hindi ako mag na-name drop. Hindi nya naman siguro malalaman kung sino yung tinutukoy ko.

Umahon ako at tumingin sa kanya. "Nag confess kase ako sa isang guy..." Tumango sya at sinenyas na mag patuloy ako sa pag kwento. "Kaso it turns out na yung guy na iyon ay hindi sya yung nagugustuhan ko. It's his twin." Naiiyak na kwento ko.

Nanlaki ang mata nya at sandaling hindi nakapag salita. Maya-maya ay malakas syang tumawa kaya nag dabog na naman ako at naiyak. Hindi pa sya nakuntento, hinahampas nya pa yung table habang tumatawa.

"Tangina! Anong klaseng katangahan yan, sis? HAHHAHAHA epic gago." Malakas na wika nya.

Hindi na ako nag salita. Hinintay ko nalang na makaahon sya sa kaligayahan nya. Nang huminahon sya tumingin sya ulit sa akin ngunit ng mag tama ang mata namin natatawa na naman sya kaya kinakailangan nya pang tumingin sa harap at iwasan ako.

"Pero teka you don't know your crush? I mean paano mo napagkamalan na iyon yung crush mo. I bet my differences pa din naman sila kahit mag kambal sila right?" She asked.

Umiling ako. "Malay ko ba. Hindi ko naman nalalapitan ng ganun kalapit yung crush ko, e. Saka hindi ko din naman nakikita yung kambal nya kaya't hindi pumasok sa utak ko na makakaharap ko yun." Sagot ko.

Habang iniisip ko yun nag ooverthink na ako. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko ngayon.

"Paano kung pag-usapan nilang kambal yun? Sahihin nung kambal na 'hey, did you know that someone just come to me and confessed while saying I'm you.' naiimagine ko shet. Baka judgerist yung lalaking yon." Naiiyak na sambit ko.

Tumawa sya. "Hindi naman siguro ganun si Drale." Hindi nalang ako sumagot at akmang kakalimutan na ang topic namin ng ma-realized ko ang sinabi nya.

Nanlaki ang mata ko. "Paano mo nalamang sya yun?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Tumawa ulit sya. "Girl, yon lang namang dalawang kambal yun ang lagi nating nakikita, e. Kaya't alam kong silang dalawa ang tinutukoy mo."

Umirap ako at umiwas ng tingin, nang makita nya ang reaksyon ko tumawa ulit sya at mahina akong sinabunutan.

"Huwag mo ng problemahin 'yon. Si Drale naman yun, walang pake sa mundo yun 'no. Mas gugustuhin lang 'non ng mag aral at kumanta." Pag-papagaan nya sa akin.

NANG MATAPOS ang klase namin mabilis akong nag ligpit ng gamit ko upang makauwi na ng maaga. May 5 minutes pa kase bago mag uwian nag papauwi yung last subject namin. Siguro naman hindi ko maabutan yung isa sa mga Villena right?

Ayoko na!!! Gusto ko nalang lumipat ng school shit.

"Una na ako sis." Paalam ko kay Nicole na ngayon ay nag lilinis na.

Huminto sya sa pag-wawalis. "Sige ka, makasalubong mo dyaan si Drale." Pananakot nya kaya wala akong nagawa kung hindi hintayin sya.

Hindi din naman nag tagal ang cleaners nya, nang isang minuto din ang makalipas ng pag-wawalis nya pinasa nya na yun sa kapwa cleaners nya at nauna ng lumabas. Basta makita lang sya sa picture na nag wawalis okay na iyon sa kanya.

Habang nag lalakad kami palabas ng university kinuha ko yung phone ko at nag scroll sa facebook. Nakita ko yung bagong post ni Brale. 5 minutes ago palang ito kaya nag heart react agad ako. Nasa basketball court sya ngayon at may practice ata.

Yung mga kasama nya yun yung tinanungan ko kanina na tinawanan ako ng makita akong tumatakbo paalis. Mga baliw talaga sila! Kita namang pinagtripan lang ako 'non.

Alam nilang si Drale ang nasa locker room ngunit hindi nila sinabi sa akin.

Nag comment ako sa post ni Brale.

Evonna Elise Egui: Pogiiii so much

Pag pindot ko ng sent 'non nagulat ako ng wala pang 10 seconds nag heart react na sya!!! Hindi pa nakontento at nag reply pa sa akin pabalik. Nanlaki ang mata ko doon at napatalon-talon pa sa gulat.

Jay Brale Villena: hahaha thanks.

Wala na akong pake kung pag kamalan akong baliw dito. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay napansin ako ng crush ko sa comment section nya!!!

Omg! Omg!

"Look, Nicole!!!" Humabol ako sa paglalakad at ipinakita kay Nicole ang nangyare.

Nag mamayabang ako na tumingin sa kanya. "He replied to me. Sa tingin ko kami talaga ang para sa isa't isa." Nababaliw na saad ko.

Binigyan nya ako ng pandidiring reaksyon. "Nag reply lang kayo na agad ang para sa isa't isa? Ganun?" Asar nya.

"Palibhasa kase wala kang inspiration dyaan! Tumahimik nalang kung hindi masaya sa buhay, okay?" Balik ko at nag iwas ng tingin.

Ngunit ng pag iwas ko ng tingin nahagip naman ng atensyon ko ang isang lalaki na nag lalakad papasok sa university.

It was Drale. I'm so sure right now.

Dahil base sa paglalakad nya tuloy-tuloy lang ito at kailanman hindi tumingin sa kanyang mga paligid. May hawak syang tatlong kartolina na iba't ibang kulay. Hindi ko alam kung saan nya iyon gagamitin. Hindi nya ata kami napansin dahil lumagpas sya sa akin ng hindi manlang ako tinitignan.

"Ang weird talaga ng lalaking 'non." Mahinang bulong ko.

PAG-UWI ko sa bahay walang sinaing at walang ulam. Alas sais na ng gabi ako nakauwi dahil traffic. Ngunit pagdating ko sa bahay ito ang nadatnan ko kahit may tao naman.

"Walang kanin?" Tanong ko.

Inis na sumulyap sa akin si Papa bago nya ibinalik ang tingin sa tv. As usual, kapag wala syang pasada puro kain tulog, nood lang ang ginagawa nya.

"Edi mag saing ka kung wala. Problema ba yun." Sagot nya.

Pumikit ako ng mariin.

"Bakit hindi ka nag saing, Pa?" Mahina kong tanong.

"Aba. Bakit ako ang aasahan nyo dyaan sa kusina? Obligasyon nyo yan bilang babae. Huwag kang tamad." Walang kwenta nyang sagot.

Kailan pa naging obligasyon ng babae ang mga gawain sa bahay?

Hindi nalang ako sumagot at nag saing nalang. Pagtapos kung mag saing nag bihis muna ako bago lumabas ng bahay para bumili ng ulam namin. Mamaya pang 10 pm ang uwi ni Mama kaya't hindi ko sya pwedeng asahan sa ulam.

Luto na ang binili ko dahil kakapusin ako sa oras kapag ako pa ang nag luto. Kailangan ko pang mag review sa mga lesson namin kanina dahil may short term memory loss ako. Madali kung makalimutan ang mga bagay-bagay.

Pero kahit ganun, kailanman hindi ko makakalimutan kung papaano ako bigyan ng trauma ng sariling pamilya ko.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now