Chapter 42

35 1 0
                                    

KINABUKASAN nag punta naman kami sa Burnham Park. Agad naming trinay lahat ng pwedeng laruin at saktan doon. We went biking, boats and we also tried eating the taho different flavor.

For me this is the best day in my life.

I can't remember kung ginawa na din ba namin ito ni Mama at Papa. At ngayon, yung mga gusto kong gawin namin ng mga magulang ko ginagawa ng mga taong hindi ko naman ka-dugo. They want me to have a best memories that my parents should have do.

"I'll upload all of this in my facebook account. We looked all happy." Masayang sambit ni Tita habang nakaupo kami dito sa beanch.

Umakbay si Tito sa kanya. "We do, hon."

Hindi ko maiwasang pagmasdan sila. Ganyan din dati si Mama at Papa. They are so inlove with each other and when they changed, I realized that love fades...that love is never true in the beginning. Pero ngayon I think mali ako.

Love never fade. Maybe feelings do. But love never. Kung totoo ngang nawawala ang pagmamahal bakit hanggang ngayon may mga mag asawa pa din na going strong? Katulad ni Tita at Tito?

Siguro nawalan ng feelings si Mama kay Papa or it's the other way around. At nag hanap ng makakapalit si Mama. Pero bago ba sya magmahal ng iba hindi nya muna ba sinubukan na hanapin yung pagmamahal na meron sya noon kay Papa? Hindi nya ba sinubukan na pilitin yung sarili nya na ibalik yung feelings na meron sya?

O kahit sinubukan manlang nya na isipin kung papaano sila nag umpisa.

"Hey...you're spacing out." Bumalik ako sa reyalidad ng marinig si Drale.

He's seriously looking at me. Tila ba binabasa ang iniisip ko. "You have a problem. Do you want someone to talk to? I'm here, love." He said.

Umiling ako at ngumiti. "Namamasyal tayo. Huwag na natin isipin yung mga problema. Don't worry, I'm okay." Pag-papagaan ko.

Mukhang hindi sya naniwala sa sinabi ko, nanatili ang seryoso nyang tingin sa akin. Maya maya ay bumuntong hininga sya. "You know I'm always here for you, right?" He asked calmly.

I nodded.

"Don't hesitate to share your problems. I'm here."

I smiled. "Okay. I love you."

"And I love you too."

Madami pa kaming pinuntahan hanggang sa lumipas ulit ang isang araw at kinakailangan na naming bumalik sa Manila. Nakaka-gago 'man isipin pero gusto kong mag stay dito kasama sila. Pakiramdam ko mas safe ako sa pamilya na ito kahit hindi ko naman sila kaano-ano. Nawala ng pansamantala ang mga problema na iniisip ko.

"Are you okay na dito nalang kita ihatid?" I smiled and nodded. "Oo. Dito nalang, baka nasa bahay na din si Mama, e. Hindi pa kami masyadong maayos." I said.

Nag tagal ang tingin nya sa akin. Bumuntong hininga ulit ako.

"Mabigat na ba?" Doon ako lumingon sa kanya.

"Hmm?"

"Your feelings. Is it heavy? Kaya mo pa?"

Natigilan ako. Kaya ko pa ba?

Pakiramdam ko hindi na talaga. Gabi-gabi nalang akong umiiyak. Mula sa school na sitwasyon ko pati sa bahay. Si Drale nalang ang nagiging pahinga ko sa magulong mundo.

Ramdam ko ang pag tulo ng luha ko, agad syang lumapit sa akin at pinunasan iyon. "Hindi ko na kaya, Drale. Natatakot ako araw-araw, paano kung piliin ni Mama yung lalaking yun kesa sa amin ni Papa? Ano ng mangyayare sa akin? Sinong pipiliin ko sa kanila? Saan ako sasama?" Umiiyak na sambit ko.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang