Chapter 30

58 2 0
                                    

SAGANA AKONG pumasok ng school kinabukasan. Ngunit ng maalala ko ang mga nangyare kagabi hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung nalaman iyon ni Ma'am? Paano kung nag sumbong mga kaklase ko at pinatawag ang magulang ko?

What would I do?

Naiisip ko na agad yung disappointed na reaksyon ni Mama. Susumbatan na naman ako 'non.

Laking pasasalamat ko ng pag pasok ko tahimik lang mga kaklase ko, mukhang pilit nilang kinakalimutan yung issue. Nakausap ko kagabi si Nicole, nalaman nya pala yung nangyare at tinanong kung okay ako. Nung makabalik daw sya sa room kagabi at nalaman ang nangyare sinabunutan nya din daw si Stacy na ikinagalit ko.

She shouldn't do that! Baka masali pa sya sa gulo imbis na kaming dalawa lang ni Stacy.

Kung hindi nga lang daw sya inawat ni Jo baka nakalbo nya na si Stacy.

"Guilty si Pres. Hindi pumasok." Tumawa si Dini matapos sabihin iyon.

"Gago, gulat ako sinampal si Elise. Lakas pa naman kala ko kung ano." Komento ng isa sa mga kaklase namin.

"Hahaha, ganun talaga kapag insecure sa'yo. Kahit tatayo kalang kinaiinisan ka na."

"Matagal ko na nararamdaman tension nilang dalawa, e. Lagi ba naman masama tingin ni Pres kay Elise."

"True ka dyaan. Kagabi lang ata hindi napigilan ni Pres kamalditahan nya."

"Buti nga dumating si Brale! Nahinto nya yung away, sakto pag alis nila ni Elise saka dumating si Ma'am."

Tumingin lahat sa akin ang mga kaklase ko ng mabanggit si Brale. Ayan na naman yung mga malisyosong tingin nila sa akin.

"Oo nga, Elise. Saan ka dinala ni Brale kagabi, ha? Naku..." Tanong ni Jo.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Hahagis ko sa'yo 'tong bag ko kung hindi ka titigil sa pang-aasar." Banta ko sa kanya.

Tumawa sya ng malakas.

"Mamaya anniversary nyo na pala ni Brale, Elise, ah. Hindi ka nag sasabi dyaan." Komento nila.

Umiling ako. "What? Walang ganun!" Sagot ko.

"Sus. Ikaw lang ang may crush kay Brale na nalalapitan at nakakausap mo, yung ibang may gusto sa kanya hanggang admire from afar lang." Si Nikki.

Tss. Ganun din naman ako dati.

"Thanks to me. Don't worry, hindi ka makakaalis sa senior high ng hindi nag kaka-boyfriend, Elise. Asahan mo yan." Mayabang na sambit ni Jo.

Tinarayan ko sya. Yabang!

"Elise. Pinag pala sa lahat." Nag tawanan sila.

Hindi din katagalan dumating na si Nicole, agad nya akong nilapitan at kinamusta. Galit na galit pa din sya kay Stacy hanggang ngayon, mas lalo syang nagalit ng makita ang mga sugat ko. Buti daw ginantihan nya din kagabi kaya natawa nalang ako.

Nang pumasok si Ma'am sa room natahimik kaming lahat. Nag start na agad ng klase si Ma'am that's why I think she doesn't know about yesterday. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Baka kase mag sumbong sya kay Mama, ayaw ko naman umabot pa sa guidance office ang away na yun.

Buong klase ay ganado akong nag recite, walang Stacy na makikipag kompetensya sa akin. Wala 'ding tataray sa akin sa tuwing mag re-recite ako. Magaan din ang aura ng room namin dahil walang bida-bida na President.

Nang mag breaktime hindi kami nag sabay kumain ni Drale dahil nasa faculty sya at tinutulungan yung isa sa mga subject teacher nya. Sinabi ni Drale na susunduin nalang nya ako dito para sabay kaming pumunta sa practice at huwag na ako umalis sa room namin at inantayin nalang sya kaya ginawa ko ang sinabi nya.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now