Chapter 45

56 0 0
                                    

This is the last chapter of MMC. Thank you for staying with Drale and Elise. Sunod na chapter nito is Epilogue which is Drale POV. I love you, guys!! Thank you for reading my story.


















Pag-pasok ko palang sa university namin ramdam ko na agad ang sobrang daming pagbabago. Dahil puro mukha ng The Great Dawn Band ang nasa school. Lahat may tarpaulin. Natuwa pa nga ako dahil kahit papaano may nakikita din akong mukha ko na kasama nila. May nakalagay na congratulations and goodluck sa future.

Kaso sayang, e. Hindi na ako kasama sa future na 'yan.

Pumasok muna ako sa room at inilagay ang bag ko bago niyaya si Nicole na hanapin namin si Drale. Nauna kaseng pumasok yun, hahanapin daw nya si Coach para kausapin about sa magiging schedule nila.

"Grabe, napaka supportive ng school natin sa GDB. Lahat ng expenses sagot ng school!" Si Nicole.

I smiled. Ewan ko ba pero nakikita ko na na magiging sikat yung banda nila. I imagine them going on an interview, ang mga mukha nila na nasa billboard. World tour. Meet new people. Collab with their favorite artist.

"Syempre GDB yan. Magagaling kaya dapat lang suportahan." I said proudly.

Una naming hinanap si Drale sa Com Arts faculty dahil dito ang faculty ni Coach. Sa ABM building. Hindi pa kami nakakatungtong sa ABM building ng makita ko ang paglabas ni Drale sa pinto ng faculty at sa likod nya ay si Stacy na may hawak-hawak na notebook.

Nawala ang ngiti ko at hindi na nakahakbang pa ng maayos. Tila naistatwa ako habang pinapanood si Stacy na pilit na kinakausap si Drale. Tinuturo-turo nya pa ang hawak nya na tila may pinapa-intindi doon. Bahagya pa nyang inilalapit ang katawan nya sa katawan ni Drale.

"Luh. Ba't mag kasama 'yan?" Nicole asked.

Hindi ako nakasagot. Pinagmasdan ko lang sila na mag lakad paalis ng sabay. Tumatalon-talon pa ng kaonti si Stacy na para bang good mood na good mood sya habang si Drale naman ay nasa cellphone ang atensyon nya.

Tumunog ang phone ko. Walang emosyon ko yung kinuha.

From: Lovely Drale
Done talking to Coach. Where are you? Kain tayo sa canteen. I know you did not eat breakfast.

Binulsa ko ang phone ko saka inaya si Nicole na pumunta sa canteen. "Sakto. Wala daw teacher sa first sub natin. Tara! Gutom na din ako." She said.

Ang daming tanong sa isip ko. Nag sisimula na din akong mag overthink nang kung ano-ano. Drale would never do that. Hindi nya naman siguro magugustuhan si Stacy habang kami, hindi ba?

He can! He can like her! Maganda, sexy, at mas matalino sa akin si Stacy. She also have a healthy family. Mabait si Coach na Tatay. Maganda ang environment ni Stacy kesa sa akin. Kaya alam kong pwedeng pwede na magustuhan ni Drale si Stacy.

Paano na ako?

Mas lalong nadagdagan ang pag ooverthink ko ng pagpasok ko sa canteen naabutan ko pa din na kasama ni Drale si Stacy. Silang dalawa sa mahabang silya. Pinag titinginan sila ng mga estudyante na nasa loob din. Nang makita nila ako nanlaki ang mata nila at tumingin ulit sa dalawa.

Kumuyom ang kamao ko. Hindi na ako nag dalawang isip at agad na pumunta sa kanila. Narinig ko pa ang sinasabi ng malanding ito!

"I feel like ako ang magiging Highest Honor sa section namin. Mentally unstable si Elise. Lagi syang balisa nung mga nakaraang buwan. Nag away ba kayo?" She asked sweetly.

"Hindi, pero kung didikit ka sa kanya oo." Sabay silang tumingin sa aking dalawa.

Nag mamayabang na ngumisi si Stacy sa akin, nakatayo lang ako sa kanilang dalawa at sa gilid ko si Nicole. Tumayo din si Drale at hinawakan ang braso ko, bumaba ang tingin ni Stacy doon.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now