Chapter 06

77 4 1
                                    

"Late ka na ng isang oras, ineng. Pakilagay nalang dito ng name mo at section." Itinapat nya sa akin ang isang log book.

Napangiwi ako. First time kong ma-late sa buong buhay ko ngunit mas okay na din ito kesa sa umabsent na kahit kailan ay hindi ko pa ginagawa.

"Okay na po." Sagot ko.

"Sige pumasok ka na. Huwag ka ng mag pa late sa susunod dahil baka makasalubong mo ang Principal. Ganitong oras pa naman iyon pumapasok." Tumango nalang ako sa sinabi ng Guard.

Napapangiwi ako habang nag lalakad dahil ramdam ko ang pag kirot ng palad ko. May mga estudyante akong nadadaanan ngunit hindi ko na sila pinansin pa. Gusto ko ng pumasok.

Nakarating ako sa building namin at agad na umakyat sa hagdan. Pag dating ko sa room kumatok ako sa pinto bago pumasok. Lahat tuloy ay napatingin sa akin. Gulat na gulat ang mga mukha ng mga kaklase ko habang pinagmamasdan nila ang buong itsura ko.

Kanya kanya na sila ng tanong.

'Hala, anong nangyare sa'yo, Elise?'

'Okay ka lang ba, myloves?'

'Bat ka pumasok, Elise? May sakit ka pala.'

Agad na lumapit sa akin si Nicole at pinagmasdan ang buo kong katawan. Seryoso ang mukha nya at nababakas na hindi nya nagugustuhan ang nakikita nya ngayon. Ngumiti ako.

"Hoy. Seryoso mo." Ani ko.

"Ms. Egui bakit ka pumasok? Nag text sa akin ang Mama mo at sinabing hindi ka pa makakapasok. Alam nya bang pumasok ka?" Tanong ni Ma'am sa akin.

Umiling ako. "Wala din naman po akong gagawin sa bahay, Ma'am." Sagot ko.

"Hindi pwede, Elise. Kailangan mong umuwi dahil iyon ang sinabi ng Mama mo." Lumapit sa akin si Ma'am.

"Ihahatid na kita sa bahay nyo. Kailangan mong mag pahinga." Agad akong umiling sa sinabi nya.

"Bukas ma'am hindi na ako papasok. Hayaan nyo nalang muna akong pumasok ngayon, ma'am. May quiz kami sa isang subject namin." Pahabol ko sa kanya.

Pinagmasdan nya ako ng matagal bago bumuntong hininga. Tumango sya.

"Sige. Napaka pasaway mo talagang bata ka. Umupo ka na doon." Dagdag nya.

Ngumiti ako bago tuluyang pumasok. Umupo ako sa upuan ko. Sunod sunod naman sa akin si Nicole. Galit nya pang pinaalis ang katabi ko kaya't wala itong nagawa kung hindi umalis. Umupo sya doon at tumabi sa akin.

Nang mag katinginan kami galit ang mga mata nya. Hindi ko alam kung para saan.

"Anong nangyare sa'yo?" Sinubukan nyang hindi maging masungit ngunit ganun pa din ang kinalabasan.

"Nabubog lang. Malaki kase yung bubog kaya kinakailangang tahiin." Simpleng sagot ko.

Sarkastiko syang natawa. "Talaga lang ha? Eh ang hinhin hinhin mong kumilos tas mag kakaganyan ka? Huwag ka ngang mag sinungaling sa akin, Elise." Galit na aniya.

Bumuntong hininga ako. "Mamaya ko nalang ikwekwento lahat kapag break time." Tanging sagot ko.

Alam ni Nicole kung anong nangyayare sa pamilya ko, wala naman kase akong mapag sasabihan ng problema ko kung hindi sya lang. Only child lang ako, ngunit nag papasalamat ako dahil kahit papaano binigyan ako ng isang tao ng Panginoon na magiging sandalan ko.

Halos kapatid na nga ang tingin ko kay Nicole. Siguro kahit mapagod kami sa isa't isa babalik at babalikan pa din namin kung saan kami nag simula.

She's my soulmate.

My Mistake Confession [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin