Chapter 23

65 2 0
                                    

"Ano ba? Ba't nang gu-gulo ka? Kahapon ang araw ng mga patay, ba't late ka bumisita dito." Iritang tanong ko kay Jordan pag kalabas ko ng gate.

Kumamot ng ulo si Jordan habang hawak hawak nya ang bola sa kanyang kanang kamay.

"Sama ka dali. Dadayo kami kabilang kanto, basketball. Kasama ko si Nicole, bumili lang ng soft drink dyaan sa tindahan." Aya nya.

"Ano naman gagawin namin dyaan? Siraulo ka ba eh baka mga lalaki kasama mo." Saad ko.

Umiling sya. "Mga kaklase natin na lalaki kakampi ko. Dali na! Suportahan mo naman ako, parang hindi kaibigan, ah." Biglang syang pumunta sa gilid ng gate namin at humarap doon.

"Nandito ako sa gilid, nag tatampo." Aniya.

Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa kaartehan nya. Bwesit na lalaki 'to.

"Oh, ano? Nayaya mo na ba?" Dumating si Nicole ng may hawak na soft drink.

I rolled my eyes. "Pasok kayo, mag bibibis lang ako." Biglang umayos si Jordan at naunang pumasok sa loob, abot pa langit ang ngiti nya.

Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis. Black short at white tshirt lang ang sinuot ko. Dito na din ako nag tali ng buhok ko, high ponytail ang ginawa ko.

Nag sun screen lang ako at pabango. Mainit kase at nakakasunog sa balat ang init, hindi naman ako lagi lumalabas ng bahay kapag walang pasok kaya minsan lang ako mag sun screen. Nakakatamad kase.

Paglabas ko nag dri-dribble si Nicole ng bola habang nasa harap nya si Jo, nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan si Nicole. Nilalaro pa ni Jo ang labi nya gamit ang daliri habang nakangisi kay Nicole.

"Bulok ka kase mag laro. Tignan mo mga moves ko, oh. Mala-Brale 2.0 kaya 'to. Bangko ka lang kase, e." Pangangasar ni Nicole kay Jordan.

Humalakhak si Jordan.

"Tara na. Baka gusto nyo pang maabutan dito si Papa? Ako kase hindi." Pabiro kong sabi kaya umayos na sila at tumayo.

Nag dala ako ng 100 pesos. Incase na magutom ako at need ng pamasahe. Wala naman kaseng sinabi si Jordan kung saang kanto kami pupunta. Nilock ko yung pinto namin ngunit hinayaan ko lang na bukas ang gate. Siraulo nalang ang pumasok sa gate lalo na't kita naman sa labas na nakasarado ang pintuan. Ano nanakawin nya dito?

Nag lakad kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa labas ng village. Pumara si Jo ng jeep at pinauna kaming sumakay ni Nicole bago sya. Habang umaandar ang jeep nag bukas ako ng phone ko at nag open ng messenger.

Nag pop ang gc namin sa banda. Binasa ko kung anong mga pinag uusapan nila.

Vina
Guys, Coach said tuloy tuloy na daw practice natin hanggang December 5. And December 6-9 daw yun nalang pahinga natin and laban na sa 10. So, let's win this okay? Goodluck!

Grey
Gago, november 4 balik ng class natin. Ang layo pa ng december 5.😭

Ryu
Kaya mo 'yan. Ayaw mo 'nun, lagi mo kasama si Vina. hahaha

Vina
Ewww.

Grey
Yuck ka 'dre. May ka-mu ako, happy kami now.

Stephen
Payag kang hanggang mu lang? Wow.

Grey
Wow ka dn. Atleast mu na kami eh ikaw? kamusta hahaha, never ka na ata umusad ah😂

Stephen
🖕🖕🖕

Grey
Ano yan i love you kase tatlo?

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon