Chapter 37

47 1 0
                                    

May dala din pala syang pagkain kaya no choice ako kung hindi kainin yun, busog pa naman na ako dahil kakakain ko lang pero ayokong ma-offend sya kaya kinain ko pa din yung dala nyang pagkain bago uminom ng gamot.

Matapos 'nun nag kwentuhan kami dito sa loob ng kotse nila. Malakas pa din ang ulan sa labas kaya baka dito nalang muna kami.

"Bakit ka pa kase nag punta dito? Pinapahirapan mo lang sarili mo." Natatawang sambit ko.

"I want to fulfill one of your wish." Aniya.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Huh?"

He smiled.

"Maligo tayo ng ulan..." Aya nya na nag patigil sa akin.

"...While riding a bike." Tumingin sya sa likuran kaya napatingin din ako doon.

Hindi ko napansin na may dalawang bike doon! Nakatupi na yung upuan sa likod kaya nag karoon ng space yung likod para maisakay yung dalawang bike. May kung anong humaplos sa puso ko.

He did remember of what I said to him? Na one of my wish nung bata ako ay maligo ng ulan at mag bike.

"Drale..." Iyon na lang ang tanging na iwika ko dahil sa sari-saring nararamdaman.

Ngumiti sya. "Let's go. Rain is waiting for us." Binuksan nya ang pintuan na nasa gilid ko para makalabas ako, sya ang naunang lumabas at sumunod ako.

Sumalubong agad sa aking katawan ang lakas ng ulan at ang lamig na kasama nito. Napayakap agad ako sa katawan ko, nag lakad si Drale papunta sa likod ng kotse mukhang bubuksan nya ata iyon para makuha ang bike ngunit bago nya buksan iyon tumingin sya sa akin, nang mapansin nya na nilalamig ako tumawa sya bago lumapit.

Niyakap nya ako ng mahigpit. "Malamig?" Malambing na tanong nya.

"Oo gago 'to nag tatanong pa. Hindi mo ba ramdam?" Inis na tanong ko.

"No. Ang nararamdaman ko lang ay ang pagmamahal ko sa'yo." Natawa ako.

Hihiwalay na sana ako sa yakap nya para asarin sya dahil ngayon ko lang sya narinig na nag tagalog ng buong sentence ngunit hindi nya ako binitawan.

"No. I know you'll asar me." Mas lalo akong natawa, hinigpitan ko nalang din ang yakap ko sa kanya.

"Hindi, ah!" Tanggi ko sabay tawa.

Pinilit ko na sya na bumitaw, hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at tumalon talon ako habang dinadama ang ulan, wala akong ibang maramdaman kun'di ang saya. Hindi ko inaakala na makakaramdam ako ng ganitong pakiramdam.

Masaya pa lang maligo sa ulan.

Especially if you have someone like Drale.

"Catch me!" Sigaw ko kay Drale at tumakbo habang sinasalubong ako ng malakas ng ulan.

Ang lakas ng tawa ko dahil nahihirapan akong tumakbo dahil sa baha. Hindi naman abot hanggang tuhod yung baha pero hirap pa din pala tumakbo. Nakakailang hakbang pa lang ata ako ng maramdaman ko si Drale sa likod ko, pumulupot ang dalawang kamay nya patungo sa tiyan ko.

"Got 'ya." Halos kilabutan ako ng bumulong sya sa kanang tenga ko.

"Bagal mo tumakbo, love." Malambing na asar nya sa akin.

Ngumuso ako. "Sinadya ko talaga 'yun, kase alam kong yayakapin mo ako para maabot. Tama! Tama." Palusot ko.

He chuckled. "Sure." Sagot nya.

Matapos naming mag habulan sa gitna ng ulan nag bike naman kami. Ilang oras din ata kaming nandito sa gitna ng ulan, masaya at walang kapaguran. Natapos lang ng tumila na ang ulan. Pumasok ulit kami sa loob ng kotse, pinatay agad ni Drale yung ac.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now