Chapter 17

76 3 0
                                    

10 PM na ngunit nakaupo pa din ako sa study table ko habang nag re-review, tinatapos ko din yung mga hindi ko nakopya na notes sa Earth and Science.

Hindi ko nga maintindihan yung sulat ni Nicole dahil sulat kahig ng manok sya kaso no choice na ako, wala na din naman akong mapag hihiraman. Yung president lang naman namin ang maayos ata mag sulat bukod sa akin.

Busy ako sa pag susulat ng biglang tumunog ang phone ko. Napatigil tuloy ako at agad na binuksan iyon.

Kumunot ang noo ko ng makita si Drale ang nag message. Friends na kami sa facebook. Inadd nya kase ako sa Facebook nakaraang araw, sya din ang nag add sa akin sa gc nila ng mga ka-banda namin. Hindi ko pa naman sila gaanong close kaya naka mute yung gc na yun.

Stephen forward a link

QUARTER1-lesson EARTH AND SCIENCE.pdf

QUARTER1-GEN MATH.pdf

Stephen
Ito lang yung subject nyo na meron akong pdf. Saan ka pa ba nahihirapan?

Stephen
I can ask my classmates, maybe they have a pdf on all HUMSS subjects.

Agad na nanlaki ang mata ko. Hala, tinotoo nya nga yung sinabi nya kanina. Akala ko talaga nag bibiro lang sya.

Pero bigla akong natulala habang pinagmamasdan yung chat nya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Kumikirot ang puso ko ngunit hindi sa sakit, hindi ko maipaliwanag kung ano.

Ngayon ko lang din naman naramdaman ito, bukod kay Brale.

Elise
Huwag na. Nakakahiya na. Pero thank you dito so much. Laking tulong, ilang days kase akong absent, e. Babawi nalang ako sa'yo, what do you want?

Stephen
I helped, Elise. Walang kapalit ang pag tulong. Go study now, goodluck.

Natulala na naman ako. Naaalala ko yung mga panahong junior high school ako, kahit ngayon pa din naman. Nasa isip ko na na kapag tinutulungan ako ng isang tao kailangan may kapalit iyon. Hindi pwedeng wala.

Kapag humihingi kase ako ng tulong, tapos makalipas ang ilang araw isusumbat na nila iyon. Sasabihin na 'tinulungan kita nung nakaraan, ah. kapag ako hindi pwede?'

Kahit labag sa akin yung pinapagawa nila no choice ako kung hindi gawin pa din, dahil nga may utang na loob ako sa kanila. Kaya simula 'non na tuto na ako. Hindi ka pwedeng umasa lagi sa tulong ng iba, kailangan mong mag sumikap. Dahil hindi mo alam yung pagtulong na yun may kapalit na sama ng loob.

Elise
Thank you talaga. You're a big help to me.

Stephen
I also have a tip for you. You don't need to memorize all of that. Try to read it 3 times loud and familiarize, and after isulat mo sa notebook mo yung mga na-familiarize mo, tignan mo kung tama. Kahit key words lang okay na iyon, hindi naman mag iiba meaning 'non kapag key words lang ang na-familiarize mo.

Ngumuso ako. Andami na ding nag sasabi sa akin ng ganito pero hindi ko alam kung gagana sa akin, hindi ko din kase sinubukan. Pakiramdam ko mas okay pa din kung memorize mo.

Elise
Para lang ata sa mga matatalino na kagaya mo yang familiarize na yan, e. Hindi gagana sa akin yan.

Stephen
Did you try it already? No, right? Just try it. Who knows, maybe it works to you.

Elise
Sige try ko ngayon. Babush na!

Hindi ko alam kung anong mahika ang nangyare dahil totoo ngang gumana yung sinasabi ni Drale sa akin. Mas maaga akong natapos sa mga review ko kaya 2 AM na ako nakatulog.

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now