Chapter 40

34 0 0
                                    

I'm sure it's my mother. Pero bakit hindi naman na kapang trabaho na damit si Mama? At bakit sya pumasok sa bahay na yun? Kakilala nya?

Pero kung kakilala nya bakit hindi ko alam?

Kinabahan ako. Tumingin ulit ako sa mga kaibigan ko na nag lalakad na paalis, napagpasyahan ko na lapitan yung bahay na yun. Tumawid ako ng kabilang kalsada at nilapitan iyon, pag karating ko palang sa harap ng gate hindi na ako nag dalawang isip na pumasok sa loob kahit alam kong trespassing ang kalalabasan ko.

At hindi nga ako nag kamali. Pag silip ko palang sa bintana sa loob kita ko na agad ang mukha ni Mama. I know it's her. Base sa ngiti nya na binibigay sa kaharap nyang lalaki I know it's her.

Hindi nya lang ito ka-trabaho. Puta, may mag ka-trabaho ba na pupunta sa isang bahay na silang dalawa lang?

Biglang nag flashback sa akin ang mga pinag aawayan nila ni Papa. Si Papa na inaakusahan si Mama na may ibang lalaki. Hindi ako naniwala. I always think that it's a ridiculous accusation pero puta totoo pala talaga. Lahat ng galit, pag lalasing ni Papa totoo? Kaya nya ako nasasaktan dahil dito?

Gusto kong pumasok sa loob at sigawan silang dalawa, gusto kong sirain ang mga magaganda nilang mga ngiti sa isa't isa pero hindi ko magawa. Nawalan ako ng lakas na gawin iyon. Pakiramdam ko hindi 'to totoo. Baka ilusyon ko lang 'to, mawawala din kalaunan.

"Mahal, inaantok na ako. Napagod ako sa byahe natin." Rinig kong sambit ni Mama sa lalaki.

"Sige, mag pahinga ka na sa kwarto. Sasarado ko lang yung gate tas susunod ako sa'yo." Nanlaki ang mata ko at agad na lumabas na sa bahay na yun.

Nakatulala akong nag lakad paalis. Ano yun? May sariling kwarto doon si Mama? Tabi sila? Paano si Papa?

Hindi ko napansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada, bumalik lang ako sa reyalidad ng may malakas na busina akong narinig, sa sobrang tulala ko imbis na tumakbo papunta sa gilid hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, nakatulala lang akong pinagmamasdan ang isang kotse na papunta sa akin.

"Elise!!" Narinig ko ang sigaw ni Nicole kasunod ng malakas na pag hatak sa akin, natumba ako sa sobrang lakas 'non.

Nang tignan ko kung sinong humatak sa akin it was Jordan. Agad na lumapit sa akin si Nicole at tinanong kung okay lang ako. Ha! Okay pa ba ako?

Nakatulala ko syang tinignan bago lumingon sa gate kung saan pumasok ako kanina, naabutan ko yung lalaking kasama ni Mama, nakahawak sya sa gate at nakatingin din sa amin. Mukhang nasaksihan nya ang nangyare ngunit hindi nya ako nakilala.

O baka naman hindi nya talaga ako kilala.

Tumingin ako sa paligid. Andami palang nakakita ng katangahan ko, ang iba ay nag bubulungan pa. Doon lang ako natauhan. Agad akong tumayo at nag lakad na paalis doon, hindi ko na nagawang pagpagan pa ang sarili ko. Ramdam ko ang pag sunod ng dalawa kong kaibigan sa aking likod ngunit hindi ko na sila nilingon pa.

"Wait! Wait! Sandali nga, Elise!" Hinatak ako ni Nicole para mapahinto.

Inis kong tinanggal yung kamay nya at hinarap sya, nanlaki ang mata nya ng makita ang itsura ko. "Anong nangyare? ba't umiiyak ka?" Jordan asked.

Umiling ako at pinunasan iyon. "Wala. Tara na. Gusto ko ng umuwi." Aya ko.

"Gamutin mo na natin yung braso mo, may gasgas ka dahil hinila kita." Umiling ako sa sinabi ni Jordan at nag patuloy na sa paglalakad.

Relax, Elise. Maybe what you're thinking is wrong. Baka naman kaibigan lang yun ng Mama mo. Natawa ako. Fuck it, sinong mag kaibigan ang mag tatawagan ng mahal?

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now