Chapter 24

68 2 0
                                    

ANG AWKWARD. Iyon ang nararamdaman ko ngayon matapos ng laro nila. Paano ba naman kase after nilang mag laro lumipat yung mag ABM dito sa pwesto namin. Dito sila nag tawanan at nag kwentuhan sa mga laro nila, binabalikan kung sino ang madaming foul, at mabilis gumalaw.

Hindi ko alam kung sinasadya na nila o ano, e. Kase habang nakikipag usap si Jordan at ang iba kong mga kaklase kay Brale nakikita ko silang nakangiting sumusulyap sa akin. Dahil tuloy sa ginagawa nila napapatingin din sa akin si Brale.

"Oi, Brale. Nandito si Elise, oh. Wala manlang hi, ganun?" Pangangasar pa ng kaklase ni Brale.

Sinamaan ko iyon ng tingin ngunit nag hiyawan lang sila.

"Shake hands! Shake hands! Shake hands!" Sigaw nilang lahat.

Lord, kunin nyo nalang ako. Grabe na yung hiya na nararamdaman ko ngayon, umaabot na sa langit. Nakakainis. Sana pala hindi nalang ako sumama sa kanila. Kung alam ko lang na taga ABM kalaban nila edi sana ginawa ko na lahat para lang hindi ako sumama dito.

Sinusubukan ko na ngang iwasan si Brale, e. Nag sisimula na kase akong pag sisihan lahat ng ginawa kong pagpa-papansin sa kanya. I looked desperate. Hindi dapat ganun.

Humalakhak si Brale at tumingin sa mga mata ko. Inilahad nya ang kanyang kamay sa aming harapan. Mas lalong lumakas ang hiyawan na narinig ko.

Akmang kukunin ko na ang kamay nya at makikipag kamay ng may marinig kaming tumawag sa kanya.

"Brale..." Lahat kami napatingin sa labas ng court ng may tumawag kay Brale.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon. It was Drale!

Blangko ang mukha ni Drale habang nakatingin sa kapatid nya, nang lumingon sya sa akin umigting ang panga nya ngunit hindi sya lumapit dito. Nanatili lang sya sa kanyang pwesto.

"Mom got home. Hinahanap ka." Mas kalmado na si Drale ng sabihin iyon kesa sa kanina na tinawag nya si Brale.

May otoridad kase ang pag tawag nya sa pangalan ni Brale kanina. Kaonti na nga lang iisipin ko na pa-sigaw na iyon. Kaso wala naman sa itsura ni Drale na nagagalit. Ang kalmado kase nya, e. Never ko pa syang nakitang nagalit, nairita oo. Kay Grey.

"Pogi!" Kumaway si Nicole kay Drale kaya lumingon kaming lahat sa kanya.

Todo-todo na ang ngiti ngayon ni Nicole na hindi nya ginawa nung inaasar kami ni Brale ng mga kasama namin. Kailan pa 'to naging maka-Drale?

"Nandito si Elise, oh. Hindi mo ba sya kakamustahin?" Nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Nicole.

Sinapak ko sya sa braso. "Siraulo ka." Bulong ko sa kanya.

Nang lumingon ako kay Brale kitang kita ko ang pag igting ng panga nya bago lumapit kay Drale. Pinagmasdan lang namin silang dalawa, nag uusap sila doon ng bumalik si Brale sa pwesto namin at nag paalam na uuwi na.

Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa mawala sa paningin ko ang kambal. Wala pa atang balak umuwi sila Jo dahil kumakain pa sila ng tinapay ngayon. Gustuhin ko 'mang kumain hindi ko magawa dahil baka mag kulang sa kanila, grabe pa naman ang pagod nila sa pag lalaro.

"Ayaw mo talaga, Elise?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Umiling ako at ngumiti. Inilabas ko yung phone ko ng maramdaman na mag vibrate ito. May message.

From: Drale
Can you go outside the court? I'm here.

Kumunot ang noo ko. Ngayon lang nya ito ti-next, akala ko ba nakauwi na silang dalawa ni Brale? Bumalik sya dito? Bakit?

My Mistake Confession [COMPLETED]Where stories live. Discover now