EPILOGUE

63 0 0
                                    

I always share what I have with my twin brother. Ang akin ay sa kanya. I'm the oldest. Ako dapat ang mag palaya at umintindi. Well, iyon ang pananaw ko.

My opinion that I think it's a bit selfish.

Selfish for me.

But it's okay. It's Brale naman. I love him. Ang mga bagay na gusto nya gusto ko ding ibigay sa kanya because he deserve it. Pero paano naman ako?

Paano ang mga nagugustuhan ko na bagay? Tao? Ibibigay ko pa din ba yun sa kanya gayung matagal ko ng pinapangarap at inaasam iyon?

"Kuya, hindi ako papasok bukas. Ikaw nalang mag pasa ng portfolio ko sa advicer namin. Need ngayon, e." Huminto ako sa pagtitipa sa laptop ng marinig ang sinabi ni Brale.

Nag punta talaga sya para lang sabihin iyon. Kunyare-kunyare pa na mag stay lang sa kwarto ko at makikipag- kwentuhan, pero ang totoo gusto nya talaga akong utusan.

"Does Mom know that?" I calmly asked him.

Baka kase hindi alam ni Mom. Malagot pa ako. Saka ayaw ko din. Tatlong portfolio ang kailangan nyang ipasa bukas sa school. Hirap bitbitin.

Umiling sya. "Wala si Mom, right? She's in business trip with her sister."

"So? You should still inform her."

"Nah. She's busy."

"You're just making excuses, Brale."

"Okay, fine! I'm not comfortable na mag sabi kay Mom about sa mga gagawin ko. I feel like tatawagin akong mama's boy sa oras na dumepende pa ako kay Mom, e. We're in a junior high now, Kuya. Kaya na natin 'to." He said.

Kumunot ang noo ko. Hindi pabor sa sinabi nya. What? Kailan pa sya nag karoon ng pakialam sa sasabihin ng iba?

Ano bang mali sa pag-uupdate sa magulang? Pag-depende na ba agad ang tawag doon? I don't know how Brale mind works but it's annoying. Hindi naman sya ganito nung elementary kami. Siguro dahil sa pagsama-sama nya 'to sa mga bago nyang kaibigan.

This month lang kase may bago syang kaibigan, nakakalaro nya sa basketball. Baka dahil sa kanila kaya ganito ang naging ugali nya and I don't like it. Hindi tunay na kaibigan iyon kung ganun, lalo na kapag naiiba ang ugali mo dahil lang sa pagsama-sama mo dito.

"You're irritating and annoying. Stop bugging me!" Inis na singhal ko dahil sa mga pinag sasabi nya.

But in the end I still followed what he wanted to do. I am holding the portfolios that he will pass while walking into our school. Fortunately, Dad's meeting was early so I went with him. Mahirap pa naman mag commute. And mom as much as she wants gusto nyang inihahatid kami.

We're still kids pa din daw kami and still dangerous na mag commute.

Diretso lang ang lakad ko papasok, salubong ang kilay dahil sa dami ng bitbit. Kita ko pa nga sa peripheral vision ko ang isang babaeng nakatingin sa akin pero hindi ko na nilingon dahil baka isipin pa nya na galit ako sa kanya dahil salubong ang mga kilay ko.

And yet kahit hindi ko iniharap ang buong mukha ko sa kanya nakasulyap ako sa itsura nya kahit kakaonti.

Others say I'm more intimidating than my twin brother. Brale is quick to approach, always smiling. While I'm the opposite. Well I smiled too but not everyday. I only smile and laugh with select people.

Hindi din ako madaling patawanin kaya baka nga intimidating talaga ako. But I prefer to call myself introvert. I don't like so much people. I prefer quite place. Like library and etc. Itong ugali namin siguro ang dahilan ba't nakikilala kami ng mga tao.

My Mistake Confession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon